P R O L O G U E.

56 3 1
                                    

Mayaman kami at sikat ang pamilya ko dahil na din sa pinanghahawakan kong apilido.

Nasa buhay politika ang papa ko. Si Lenser Hernandez. Sya ang Governor sa lugar namin.

Kaya dapat di ako magkamali dahil isang mali ko lang damay lahat dahil nga nasa politika ang pamilya ko as i said before.

Simple lang akong babae. Simple manamit at mahilig sa music. Actually may banda ako sa school ang The Credits Band.

Famous ako sa school at sa amin dahil na din sa may banda ako at lagi akong sumasali sa mga pa contest sa school tulad ng Singing contest, sayaw, at drawing contest, and wall painting. At dahil na din sa mga sinasalihan kong organization sa school. Member kase ako ng Glee Club, Eng. Fil. Club, AHA, AYOS, Math Sci. Club, at SBO. Oo, nga pala naging famous din ako dahil sa apilido ko. Kaya magtaka ka kung di pa ako magiging sikat niyan. :P

Pero sa kabila ng lahat kahit friendly akong tao ay Ayaw na ayaw ko sa mga lalaking nagkakagusto saken in short man hater ako. Dahil na din sa papa ko dahil nong sanggol palamang ako ay iniwan na nya ako sa poder ng mama ko. At kung nagtataka kayo kung ba't magkasama kami ng papa ko ngayon yun ay dahil binalikan nya ako nong Grade IV ako.

Ayaw ko sa lalaki. Ni nag iIloveyou ngang lalaki sa jowa nya nandidiri na ako pano pa kaya kong nagka boyfriend na ko. Edi, everyday na akong may baong supot para ready pag susuka na. Hahaha!

Pero unti unting nawala sa vocabulary ko ang salitang "Man hater" dahil. Sa isang lalaki. Ewan ko ba? Ginayuma ata ako ee pero hindi ako nagsisisi na binago nya ang tingin ko sa mga lalaki at sa isang iglap nagbago ang lahat lahat dahil yun sa naging First Boyfriend ko. (Gagawa ako ng another story sa First Boyfriend ko pag natapos ko na po itong kwento ko tungkol sa second boyfriend ko.)

Pero teka! Hindi sya yung tinutukoy kong playboy aa.

Ang nangyari daw kase sa first boyfriend ko is Silent break up.

Pero kung kayo po ang tatanongin. Kaya nyo po bang mahalin ang taong.

• Umiinom ng alak
• Late na pero nasa labas parin nakatambay kasama ng barkada nya
• Timer
• Laging may reserba
• Gwapo naman
• Maputi din
• Adik sa computer
• Mabait sabi ng iba.

Oh? Ano mate take mo bang maging boyfriend ang ganyang klaseng lalake?

At di mo pa nga alam kong sineryoso ka ba talaga nya o hindi. Ang sakit diba?

Ganyan talaga pag nag mahal ka mapapa Potangina ka nalang talaga sa huli.

Diba nga kase love is blind.
At ito po ang kwento ko.
Ako nga pala si Immary Hernandez. :)

Sana po magustuhan nyo.

Wait nalang po kayo sa First Chapter ko ginagawa ko pa kase ee. Sorry. :P

My Boyfriend is a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon