CHAPTER THREE

2 1 0
                                    

CATARINA POV:

Hahawakan kona sana yung dornknob ng pinto kaso kusa itong bumukas.

'Uso naba talaga pigilan ang pag bukas ko nang pinto?'

tumambad saakin ang lalaking long hair habang ang mukha ay walang emosyon.

"Bakit nandito kapa?" cold na tanong niya

"Pake mo?" bago pa niya ako patayin ay tumakbo na ako mahirap na at baka matego ako nang maaga

MWAHAHAHAHAHAH!

As if naman na makaya niya akong patayin?baka nakakalimutan niyo batikan to! HAHAHAHAHA

'YABANG!'

"YOU SON OF BITCH!" rinig kong sigaw niya na mas lalo kong kinatawa

sumulyap ako sa likod ko, medyo malayo na ko kaya tinigil ko na ang pag takbo Hoooo! nakakapagod yun ha.

___

bagsak balikat ako habang nag lalakad, eh pano ba naman kasi kanina pa ako palakad lakad dito sa baba halos ma hilo nako kakahanap sa lapastangan na cafeteria na yun hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita

*kruuuu*Kruuu*

'Jusko ang mga alaga ko!'

bat ba kasi ang laki laki nang paaralan na to. huminto ako sa kinatatayuan ko at tiningnan ang paligid masyadong malaki talaga ang paaralan na to hays dapat pala nang hingi man lang ako nang mapa dun sa dean para naman alam ko yung pa siko't sikot dito mamaya maligaw pa ko eh. nag pa tuloy nalang ako sa pag lalakad at lutang na hinahanap ang cafeteria.

Bakit ba naman kasi sa dinami'raming paaralan dito sa pilipinas eh dito pa ako inenroll nila mommy

hindi kaya may plano sila?

ano namang plano yun?

"Panahon na rin siguro para mag ka boyfrie-"

biglang nag flashback sa isip ko yung sinabi kanina ni mommy na sinadya kung putulin. Hindi kaya?WAAAAAAAAAAAHHH!! AYOKO! ERASE! ERASE! ERASE! HINDI GANUN YUN. hindi pa ako handa, ulit. ayoko pa.

'Haissssh! asan na nga ba ako? shoocks! bat ba kinalimutan kong hinahanap ko yung cafeteria? nakakainis.

Tiningnan ko ang palagid, mula dito sa kinatatayuan ko kaharap ko ang senior high building sa kanan naman ay ang junior high building sa kaliwa ay ang mag katabing 3RD/4TH YEAR HIGH SCHOOL BULDING kahilera naman nang junior ang dalawang nag tatasaang building nang college sa likod ko naman ay ang medyo kalayuan na DORM BUILDING (GIRLS/BOYS) bawat building ay may sampong palapag buti nalang at sa 3rd floor lang ang dorm ko kung nag kataon na nasira ang elevator at doon sa 10th floor ang dorm ko at walang ibang choice kundi dumaan sa hagdan tiyak na hindi pa ako nakaka akyat sa dorm ko ay na tegi na ako.

"So...saan ang cafeteria o canteen dito?" wala sa sariling saad ko

"Sa likod" nagulat ako ng may biglang nag salita sa likod ko

"Anak nang tokwa naman oh!" sigaw ko habang hawak ang dibdib ko "pag ako inatake sa puso ikaw una kong mumultuhin!" giit ko sakaniya

Napalakhak naman siya sa sinabi ko

Aba't-

"Hoy! anong tinatawa tawa mo dyan! atyaka sino kaba? bigla ka nalang sumulpot dyan sa likod ko at sasabihin na 'SA LIKOD'?"  tumigil siya sa pag tawa at seryosong tumingin sakin

"Ang ibig kong sabihin ay nasa likod nang GDB ang cafeteria at sa likod naman nang BDB ang canteen. atyaka kanina pa ko nandito, kanina pa kita pinag mamasdan"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LUNA'S UNIVERSITY DORMWhere stories live. Discover now