Masaya akong naglalakad patungo sa eroplanong naka assign saakin.Pano kasi datirati pinapangarap ko lamang ito .May isang salita akong hindi makakalimutan."Neng, wag kang mangarap ng kay taas , pangarapin mo yung kaya lang abutin ng estado natin haha"Ang mga salitang yun ang hindi ko makakalimutan pati narin ang mapang insulto nitong mga tawa.Iyon ang mga salitang nagdala sa akin sa matinding depression.Umabot iyun sa puntong pinilit ko nang sumuko at mawalan ng ganang mabuhay.Umabot din sa puntong kailangan pa akong patingin ng sarili kong mga magulang sa isang Psychiatrist.Ngunit nagpapasalamat ako sa kanila dahil doon nakilala ko si dra.lopez. ikinuwento niya sa akin ang mga pangyayari na kagayang kagaya rin ng sa akin.Umabot daw siya sa puntong tinanong nya pa ang diyos kung hanggang doon nalamang daw ba ang mararating niya sa buhay, at tyaka humingi pa daw siya ng sign.At iyon daw ay ang scholarship sa isa sa pinaka sikat na universidad para sa medisina.Doon ko lang naunawaan ang lahat.Kaya simula noon ay napalapit ako sa diyos at sinabayan yun ng sikap.Ngunit hindi parin maiwasan ang mga taong may inggit. At pinipilit sirain ang buhay ng iba.
Nagulat na lamang ako ng may tumapik sa balikat ko.
"Jenny lalim yata ng iniisip mo , baka nakakalimuatan mo malapit na lumipad ang eroplano" sabi saakin ni clarisa isa sa mga kasamahan ko.
"Hindi naman" sagot ko kasabay non ang paghinga ko ng malalim at tyaka umakat sa eroplano at binati ang piloto at pati kapwa ko flight attendant.
"You can do this jenny " sabi ko sa sarili at tyaka huminga muli ng malalim at tyaka inayos ang damit ko at nagsimula magtrabaho.
Ako si jenny imperial nagiiwang ng mahahalagang salita " Don't let the others dictate your life, just believe in what yourself can do"
The End