Prologue

3 2 0
                                    


Nasa grocery store ako ngayon, ako kasi ang nautusan dahil busy si Mama at wala si Kuya sa bahay, panigurado nasa galaan na naman iyon kasama ang mga barkada niya, kaya no choice.

Nailagay ko na lahat sa cart yung mga nilista ni mama na dapat kong bilihin. Pupunta na Sana ako sa counter naalala ko kailangan ko pala bumili ng napkin feeling ko kasi magkaka period ako bukas o kaya sa susunod na araw.

mas mabuti na 'yong handa sa madugong labanan.

Hinanap ko kung saan nakalagay ang napkin habang hila hila ko ang cart.

Saan ba kasi nila itinago 'yun?

Sister nga pala 'yung brand ng napkin ko hehe.

Hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko, punyeta andito lang pala 'to. Bakit nasa pinakataas? Wow nahiya yung height ko.

Pa'no ba 'to?

Hindi kasi nagkakasundo iyong edad tsaka yung height ko.

Tumingkayad ako upang abotin ang lecheng napkin na nasa pinakataas nakalagay kung saan hindi afford ng height ko.

Pinilit ko pa ring abotin iyon, hindi ako papayag na hindi ko makukuha ang lecheng napkin na ito. Nasa ganon akong sitwasyon nang may lalaking tumabi sa akin at walang kahirap hirap na inabot ang Sister Napkin! Naka hoodie siya kaya hindi ko makita Ang mukha niya, Oo. Hanggang balikat niya lamang ako at... gosh! Sobrang bango niya!

Teka, inabot niya ba iyong Napkin para sa akin? hoy enebe!

Ibibigay niya ba yan sakin?

Grabe ang gentleman niya. Labyu na agad kuya!

Kagat labi ko siyang pinagmasdan habang chini-check niya kung Tama ba iyong brand ng na napulot niya.

Ganoon nalang ang gulat ko nang bigla siyang humarap sa akin at doon ko nakilala Kung sino siya.

Puta...

Si, Gray!

Bakit siya nandito?

At talagang nag abala pa siyang abotin ang Napkin para sa akin---

"Gusto mo?" Nakangiting tanong nito sa akin. Tumango ako, dahil kailangan ko iyon. gusto ko na umuwi nagugutom na ako! Inilahad niya sa harap iyong Napkin, kukunin ko na sana iyon ngunit agad niya itong inilayo sa akin. Tumawa siya ng mahina. "This is for my sister, sorry ah. Kuha ka nalang ng sayo" aniya na para bang tuwang tuwa sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Depota ka, Gray!

Tumalikod na siya ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyare!

Hanggang dito ba naman sa grocery store ay nagawa niya akong inisin!

Bwisit!

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina!

Badtrip akong nakauwi sa bahay, hindi na ako bumili ng napkin leche na yan. Doon nalang ako kina Aling Marie bibili.

Hindi talaga nakokompleto ang araw ng ugok na yun kapag di niya ako binubwisit.

Gray Eros Alonzo

Ang pinaka walang kwenta sa Barangay Santiago.

Leche.

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon