Chapter 1

4 2 0
                                    


Tama nga iyong hula ko kahapon na magkaka period ako ngayon. Kung minamalas ka nga naman. Kasalanan to ni Gray, eh! Kung sana inabotan niya rin ako nun, edi sana hindi na ako lalabas ng bahay para bumili ng Napkin na sagabal sa panty! Wala talagang puso.

Walang awa sa mga taong gaya ko na kinulang sa height.

Tatangkad rin ako.

Not now...

But...

Never.

Ay, leche

"Hoy, san punta mo?" Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may nagsalita sa likoran ko na hindi ko man lang napansin kanina.

Maka hoy amputa, kala mo pinanganak akong walang pangalan!

Bumaling ako kay kuya na nakakunot noong nakatingin sa akin. Akala niya siguro gagala ako, tss, wala nga ako sa mood ngayon gumala.  Inikutan ko siya ng mata.

"Sa impyerno, sama ka?" Masungit na sabi ko sa kanya. Huwag mo akong inisin ngayon kuya, dahil lahat ng tao ay bwisit sa paningin ko ngayon, lalo na iyang pisteng mukha mo.

"Tignan mo 'to, nagtatanong ako dito ng maayos"

“Bibili lang ako ng napkin, d'yan kina Aling Marie"

“ah, kaya pala Angry birds ang peg mo ngayon. Layas na, balik ka kaagad” Taboy niya sa akin. Napailing nalang ako. Isa pa 'tong bwisit sa buhay ko. Kapag alam niya na may dalaw ako lagi niya akong iniinis.

Binuksan ko na ng tuloyan ang pinto at naglakad palabas papunta sa pinakamalapit na tindahan, kina Aling Marie. Tabachoy.

Habang papalapit ako sa tindahan ni Aling Marie, kita ko ang familiar na itsura ng lalaki na nakaupo doon at abala sa pagbukas ng Coke na Mismo. Eh? Ngayon ko lamang siya nakita na bumili ng ganiyan sa tindahan. Wala ba silang stock sa bahay nila? Mayaman sila kaya dapat may stock silang ganiyan para hindi na niya kailangan lumabas para bumili.

Makita ko lang si, Gray, kumukulo na ang dugo ko!

Bakit ba pinanganak pa itong lalaking 'to?

Sana pinutok nalang siya sa unan!

Nagtama pa ang tingin namin ngunit ako ang unang umiwas dahil baka masaksak ko 'to ng wala sa oras.

Nakaupo siya sa labas ng tindahan ni Aling Marie, habang sarap na sarap siya sa pag-inom ng Coke.

Tss, ngayon lang ba siya naka tikim niyan? Parang tanga.

"Tao po!" Sigaw ko. Palihim ko pang sinulyapan si Gray, chineck ko lang kung humihinga pa ba. Napataas ang isa kong kilay dahil nauna na pala siyang nakatingin sa akin.

Ano na naman kaya ang binabalak ng Sinaunang Tikbalang na 'to?!

"Oh, Selene, ikaw pala iyan. Anong sa 'yo?" Agad akong humarap kay Aling Marie.

“Sister nga po, yung with wings, Apat." Sinadya kong lakasan ang boses ko, dahil gusto kong malaman ng lalaking nasa gilid ko ngayon na siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakabili ng napkin sa Grocery store kahapon!

Kita kong naibuga niya ang Coke na ininom niya. At ang mas malala pa T-shirt ko ang nabuhagan niya.

WHAT THE HECK!

TARANTADO

Nasa gilid ko lamang siya malapit sa akin. Kaya sakin napunta ang Coke na naibuga niya.

Yawa.

"Anak ka ng!" Pigil na inis kong sigaw sa kanya

Sinamaan ko siya ng tingin.

Bwisit na Tikbalang na 'to!

"Gray, ayos ka lang, hijo?" Nag-alalang tanong ni Aling Tabachoy–este, Marie.

Ako po iyong nabugahan! Baka gusto niyo rin po akong tanongin kung ayos lang din ba ako.

"Opo, ayos lang po ako" ngiting sagot nito sa mataba. Charot. Tumango lamang si Aling Marie at tumalikod para hanapin yung binili ko.

Masama ang titig ko kay, Gray. Nakuyom ang mga kamao ko dahil sa inis. Pigilan niyo ako masuntok ko talaga itong hayop na Sinaunang Tikbalang na 'to! Leche.

"Holy shit! sorry hindi ko sinasadya" kunwaring gulat na sabi niya.

Hindi pala sinasadya ah.

Mabilis ko siyang kinwelyuhan, nakatayo ako siya naman ay nakaupo kaya kahit papaano ay umayon ang height ko. Kumunot ang noo niya at nagulat.

"h-hey! ano ba? bitawan mo nga ako"

"tarantado ka, bulag ka bang tangina ka?! Ano bang problema mo, ha? Bakit napakasipag mo naman yatang mambwisit ng taong nananahimik?" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Luh? inaano kita?" Inosenteng tanong niya.

Mas lalong nag-init ang dugo ko.

Bwisit. Bwisit!

“gago ka pala–”

“Ito na Selene, bente lahat” naputol ang sasabihin ko nang biglang umepal si Aling Marie at agad ko namang binitawan ang kwelyo ni, Gray. Kinuha ko ang binili kong napkin pagkatapos ay inabot ko ang bayad na saktong bente pesos. Hindi ko na sinulyapan pang muli si Gray, at agad na umalis doon.

may araw ka rin sakin, Tikbalang ka. Uubosin ko ang lahi mo.

Nang makauwi ako sa bahay padabog kong binuksan ang pinto. “Ay tangina–” gulat na sigaw ni kuya pagkabukas ko sa pinto. Napahawak pa siya sa dibdib at halatang nagulat nga. “Ginulat mo 'ko, Ele. Jusko! Huwag mo naman sirain 'yang pinto, walang kasalanan 'yan sa'yo” napansin niya na nakasimangot ako kaya kumunot ang noo niya “Oh, anyare na naman d'yan?” turo niya sa nakasimangot kong mukha “Badtrip ka, sis? Pinaglihi ka ba sa Angry birds?”

Wala ako sa mood para patulan ang mga jokes mo.

“Don't talk to me” inis kong sabi sa kanya. Tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa hagdan.

“Naks, English yarn?” pahabol niyang asar sa akin habang paakyat ako sa hagdan.

Alas nuebe na ng gabi. Nahiga na ako sa kama ko gusto ko na matulog dahil napagod ako kahit wala naman akong ginawa. Ipipikit ko na sana ang mata nang may bigla akong naalala.

Magkaibigan nga pala si, Gray at Kuya.

Gosh! Nakaka stress sila. As in, sugar!

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon