God's not dead He's surely alive.
He's living on the inside roaring like lion!Hmm?? Anong oras na ba??
"GABRIEL GUMISING KA NA NGA MALELATE NA TAYO SA YOUTH GIG!!"aish nakakarinde naman boses netong Sophie na to! Ang sarap sarap ng tulog ko eh -_-# istorbo
"Ate Sophie alis na daw tayo sabi ni daddy nauna na sila dun sa church"si Cyrelle ata yun.. aish nagsama ang dalawang magkapatid na napaka makulit *iling-iling*
CYRELLE "ELLA" MADRIGAL- bunso/pangalawang anak nila uncle Johny 14 years old at nag aaral sa East High University
"Sige bebe Ella GISINGIN lang naten ang MAGALING MONG ATE"aish!! Pisti nakakarinde kaya nilagay ko nalang yung unan sa ulo ko..
.
.
.
.
."Waah Cyrelle!!! Ti- gil hahahaha an mo hahahahaha ak-- o"buset na batang to tumalon ba naman sa kama ko at pinagkikiliti kiliti ako..
"Ate Gab how many times do I have to tell you na Ella itawag mo sakin not Cyrelle"sabi nya with pouted lips pa
"Whatever CYRELLE MADRIGAL!"hayst.. etong batang to binigyan ng pangalan ng magulang nya ayaw gamitin.. naku naku kundi lang to teenager nakurot ko nato sa singit,...
"ATE NAMAN eh!!"sus! Di na gagana sakin yang paawa with pouted lips na face mo bebe cy cy..
Promise di talaga gagana yan..
"Oo na Ella Madrigal!"oops what did i say?
"Naku! Tumigil na nga kayo dyan, ikaw bunso maligo ka na laway mo tumutulo pa oh"andito na rin pala si kuya Derick, kaya pala di ako ganong kinukulit netong Sophie na t-- anong sabi ni kuya Derick!! 0_0
"Naniwala ka naman bunso? Wala kang tulong laway okay? Kaya maligo ka na dun"sabi ni kuya habang tumatawa tinignan ko yung magkapatid.. ayun nagpipigil ng tawa.. AISH!! MAKALIGO NA NGA buset naman ehh! (pout)
.
.
.
.
.
.
."After 123456789 years natapos ka rin sa wakas!"sabay na sabi ng magkapatid pagkababa ko sa sala. Ako talaga trip ng dalawang to anoh?? =_=
"Tigilan nyo na nga ako tara na alis na tayo"sabi ko
Papunta na kami ngayon sa church may youth gig kasi eh..
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kasama ang magkapatid sa bahay noh? Actually bahay nila yun, dun na ako tumira mula iwan ako ng nanay ko kila uncle Jhonny dad nila Sophie. Kung san sya nagpunta? di ko alam. Si daddy naman di ko man nakita since nung nagka malay ako sa mundo. Bakit? kasi bunga lang ako ng isang one night stand, nakakahiya man isipin pero kundi nangyari yun wala ako sa mundong ito. Si mom kapatid sya ni uncle Jhonny, tinakwil daw si mommy nung nalaman nung parents nila na buntis sya yun yung nabasa ko sa diary ni mommy, kwento ni uncle iniwan daw ni mommy yung diary niyang yun para mabasa ko yun nalang daw kasi ang mabibigay sakin ni mommy na remembrance. Mula nung iwan ako ni mom kila uncle wala na daw silang balita sakanya.
"Hi Angel!!"bati ni Sophie sa isa naming ka churchmate
ANGEL MEDEL- 16 years old, pangatlong anak ng mag asawang Medel, nag aaral sa WU University
kaclose ko din to kaso di kami ganong nagkakasama sa ibang university kasi sya nag aaral.
"Hello!! Kamusta na kayo? Grabe tagal din nateng di nagkita kita ohw!! Bebe cy cy?! Waahh i miss you!" tss.. exaggerated naman to? kakakita lang namin nung sunday? *iling-iling*
Eto namang dalawang magkapatid sinakyan pa ang kalokohan ni Ange' haay buhay
.
.
.
.
.
.
Parang life.
"Ouch"buset naman oh makabatok wagas!
BINABASA MO ANG
My Life Without GOD
SpiritualSa buhay natin hindi tayo kinakalimutan ni  Papa God. Pero paano kung tayo ang kumalimot sa kanya. O kaya tayo ang tumalikod sa kanya tatalikuran nya rin kaya tayo?? Ehh paano kung simula pag laki natin hindi natin sya nakilala?? Kilala nya...