The One That Got Away <3 One Shot <3
Naaalala ko pa ung mga bata pa tayo. Madalas tayong maglaro sa playground ng park sa village.Masayang masya tayong naglalaro ng swing.
Ako ang nakasakay at tinutulak mo pa ako. Pero nadulas ang kamay ko at napabitaw ako. Napasubsub ako sa lupa at nasugatan sa tuhod . Ang lakas pa ng iyak ko nung mga panahong iyon.
Lumapit ka saakin ng nag aalala. Pinatahan mo ako sa pagiyak pero hindi parin ako tumatahan kasi masakit ang sugat ko sa tuhod. Hinipan mo ang sugat ko upang hindi ko maramdaman ang sakit. Pagkatapos mong hipan ang sugat ko,wala na ang sakit kaya tumahan na ako sa pagiyak.
Naaalala ko pa nung Junior and Senior prom. Nahihiya pa kasi ako noon na yayain ka para maging date ko kaya naman nung dumating ang prom night,wala akong date.
Magisa lang akong akong nakatayo sa gilid. Walang pumapansin sakin kasi ikaw lang naman ang kaibigan ko nung mga oras na yun. Nagkakasiyahan kayo ng dae mo sa isang sulok. Batid kong totoo ang mga ngiting nakikita ko sa labi mo habang kausap siya. Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko habang pinapanuod kayo.
Hindi ko kinaya ang mga nakikita ko noonkaya naman nagtungo nalang ako sa Gazebo. Mag-isa ko lang sa Gazebo dahil lahat ng mga Junior at Senior student ay nasa loob ng hall.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla kang sumulpot sa likuran ko. Tinanong mo ko kung bakit mag-isa lang ako.
"wala akong date eh". Pilit kong pinasya ang boses ko upangitago ang sakit na nararamdaman ko.Sinamahan mo akong magdamag sa Gazebo. Iniwan mo yang date mo para lang samahan ako. At nang pumatak na ang hating gabi,sinayaw mo ako.
The night become magical at sa mga oras na yun ko narealiz na mahal na pala kita.
Naaalala ko pa nung magtapat na ako ng nararamdaman ko. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko noon dahil sa kaba na baka mareject ako.
"Chris,matagal na tayong magkakilala. Magkaibigan na tayo simula nang mga bata palang tayo. Lagi mo kung sinasagip kapag nasa alanganin ako." nahihiya kong sabi.Natawa ka lang sa mga sinabi ko. Tumingin ako sa mga mata mo at sinabi ang mga salitang "mahal kita,Chris".
Tumahimik ang paligid. Umiikot lang ang oras para sa ating dalawa. Hinihintay ko ang sagot mo.
"Uhm,ano kasi Kyllie. Hindi tayo pwede". Parang nagpantig ang tenga ko at pinaulit ko sayo ang mga sinabi mo.Pero wala paring pinagbago .
Nabasag ang puso ko, nanghina ang buong katawan ko. Iniwan mo akong basag na basag.
Naaalala ko pa nung debut ko. Napakalungkot ko noon dahil wala ka. Pagkatapos ko kasing aminin ang nararamdaman ko, hindi na kita nakita pa.
Kasabay ng paglaho mo, ay ang paglaho ng araw sa aking buhay. Dapat pala, hindi na ako umamin sa'yo. Siguro naman pag hindi ako umamin, masaya parin tayo kahit na sa pagkakaibigan lang.