Naaalala ko pa, kinabukasan nang matapos ang debut party ko. Nakatanggap ako ng sulat na nagpaguho sa buong mundo ko.
Dear Kyllie,
Kumusta ka na bestfriend? Ilang taon rin tayong hindi nagkita ah! At sa tingin ko, hindi na ulit tayo magkikita pa. Sana naman kumakain ka nang tama. Sana rin masaya ka parin kahit na wala na ako sa tabi mo. Miss na miss na kita Kyllie.
Naaalala mo pa ba nung nagtapat ka saakin na mahal mo 'ko? Ako kasi, hinding hindi ko iyon makakalimutan. 'Yun kaya ang pinakamasayang araw ng buong buhay ko.
Kyllie, siguro patay na ako pag natanggap mo ang sulat na 'to. Mahal na mahal kita Kyllie. Pero hindi tayo pwede para sa isa't isa. May sakit ako sa puso Kyllie. May taning na ang buhay ko nang magtapat ka sakin. Hindi ko na nasabi agad sa'yo na ganito ang kondisyon ko dahil alam kong masasaktan ka lang. At ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan.
Sana naman, makahanap ka nang lalaking magmamahal sa'yo na kagaya o higit pa sa pagmamahal ko sa'yo. Gusto kong makita kang masaya. Gusto ko ulit na makita kang tumatawa. Pero sana naman, 'wag mong kakalimutan ang mga pinagsamahan natin.
Sana rin, 'wag ka nang umiyak pagkatapos mo itong mabasa. Babantayan parin naman kita kahit na wala na ako sa tabi mo. Basta tandaan mo lang Kyllie, mahal na mahal na mahal kita.
-Chris