Prologue

85 0 0
                                    

Paminsan ang sarap sarap balikan nang nakaraan. Yung araw na kinalimutan mo ang problema mo at parang hindi mo pa dinadama ang mga kalungkutan na dinadaanan mo ngayon.

Pero....

Mababalik pa ba ang mga alala na iyon?

----

"Reg, puntahan ko pa si Ma'am Sharon sa faculty mauna ka nalang." sinabi saakin ni Mikaela. "Ah sige hihintayin nalang kita sa may main gate." sabi ko at ngumiti lang siya saakin. Tiningnan ko siya palakad ng palayo.

Papunta na sana ako ng big gate ng biglang...

"Teka, sling bag ko!" tingnan ko isa isa ang nasa harapan ko, likuran ko eh wala naman din. Tae naman! naiwan ko doon ang cellphone ko at wallet! Baka naiwan ko yun sa gym!

ISA KANG DAKILANG TANGA!

Oo na! Oo na! Hay nako!

Palakad naman ako pataas. Pagod na pagod na ako! Ayaw ko na! Naawa ako sa mga paa ko at sa sapatos ko. Masakit na paa ko! Matatanggal na ata parang naka bukaka na yung sapatos ko. Sige igluglue ko nalang to sa bahay, pero kakayanin ko to! Kukunin ko sa gym dahil tanga ako.

SA WAKAS! Naka abot ako sa gym. Hinanap ko ang sling bag ko. San na kaya yun?

Ah! Ayun! Nandun lang pala sa may bleachers. Salamat! Akala ko mawawala ka na saakin!

Tanga ka na nga, kinakausap mo pa ang sarili mo. Lokaret. Lagay ko nga sarili ko sa mental.

Kinuha ko na bag ko at paalis na sana ako nang biglang...

*EEEKK*

Teka ano ba yun? Multo ba yun? Aswang? Nako wag naman sana! Wala naman silang makukuha sa kin! Ang payat payat ko na nga.

"'May t-tao b-ba d-d-iya-n?" Sisilipin ko sana pero natatakot talaga ako.

"Hello? May t-tao---"

"Ssshhh"

At may biglang tumakip ng bibig ko at hinila ako sa loob. Teka ano ba! Bakit niya ba tinatakip bibig ko? Ano ba ginawa ko? Pinanindigan ko lang naman ang pagiging tanga ko dahil naiwan ang sling bag ko tapos mangyayari to. Oo sige na! tanga na ako tanga na talaga ako! Lord wag mo muna ako kunin sa mundong ito. Di pa ako handang mamatay.

"Lord please huwag." sabi ko at nakapikit pero napansin ko hindi niya ako sinasagot.

Nakatayo siya na parang may sinisilip sa labas. Hindi ko makita ang mukha niya pero ang bango niya. Amoy mamahaling perfume na may konting pawis. Ganito ba ang amoy ng lalaki? Di naman kasi ganito si Daddy, madalas amoy kalamansi! HAHAHA DADDY, SORRY DI KO PO SINASADYA.

Bigla lang bumaba na siya at naka upo.

*sigh*

At sa puntong iyon, naka tingin na siya saakin at pareho kaming nagulat sa isa't isa. Diba siya itong nakita ko? Ang pogi pala pag nakaharap mo na siya..

Teka, tumitibok na ang puso ko.
Hoy tanga, buhay ka kaya tumitibok!
Bumabagal na ang takbo ng nasa paligid.
Posible ba to? Magkagusto?

Kailangan kong malaman sino to! ID, ID, ID, AHA!

Aaron Dela Fuente...?

------

"Reg, dali kain na tayo lunch gutom na ako!" sabi nito ni Janeen. Teka ba kunin ko lang wallet ko. "let's go na!" paulit ulit sabi nitong ni Andee. Hay nako! ang kulit talaga. "Oh na! teka lang! ayan! nakuha ko na wallet ko." sabi ko. "You are such an unorganized girl." Sabi ni Janeen at tumawa. Eh ikaw kaya umayos sa bag ko!

"Oh and by the way Reg can I borrow your book please and please bring it." sabi ni Andee saakin. "Oh sige ako nalang dadala." sabi ko. Geh, gawin niyo pa akong yaya hay nako pasalamat kayo kaibigan ko kayo!

Habang papunta kaming canteen.
Ayun tumakbo ako! waaaa! ang raming pagkain! Yehey! Bilisan ko dapat! dapat hindi ako maunahan.

BOOG!

"tumingin ka nga sa daanan mo."

ANAK NG TINAPAY!
HOY! IKAW KAYA DAPAT TUMINGIN SA DAANAN MO! AKO PA SASABIHAN MO NIYAN?! ABA SINESWERTE KA NAMAN ABER AH?!

"Sorry po." sabi ko kunwaring di galit malay mo pogi din at pupulutin ko sana libro ko pero inunahan niya ako.

"Salama-"

Teka..

Ikaw si....

Aaron?!

---

Author: M :)

What's left unsaid, Says it allTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon