Chapter 4- Problem Solving

23 0 0
                                    

Chapter 4

Problem Solving

"O, nasaan ka ba galing?" sabi saakin ni Mikaela. "Ah, eh naiwan ko lang sling bag ko." sabi ko ng mahina. "O, hali na! alis na tayo." sabi ni Mikaela at naka ngiti siya.

Mikaela..
di ko alam anong gagawin ko pag mawala ka sa tabi ko. Dahil ikaw lagi ang nandito para saakin kung ano man ang problemang dadaan sa buhay ko na parang bagyo at tsunami.

Habang nag lalakad kami papuntang gate 1.

"Regina, may aaminin sana ako sayo." sabi niya saakin at parang ang seryoso ng mukha niya. Ano ba meron? parang ang seryoso niya talaga. Pero Bat ba rin ako kinakabahan?

"Regina..." sinabi niya pangalan ko at huminga siya ng malalim. Ako naman nakatingin ako sa kanya at nag tataka ako kung anong sasabihin niya saakin. Ano ba kasi iyon?

"May gusto ako kay.."

ha? teka may crush si Mikaela?
sino naman tong lalaking gusto niya?
Wala naman to siyang interesado sa mga lalake ah.

"May gusto ako kay Aaron...."

--------

Wala ako sa ganang pumunta ng school ngayon. Di ko alam. Parang may hadlang na nagsasabing wag ako pumunta ng school. Baka yung hadlang na iyon ay.

Waaaaa!! Yung nakakatakot na mukha ni Janeen at Andee. Ayaw ko nang pumasok sa school. Mag ho-homeschool nalang ako o maglilipat nalang ako ng school. Di ko sila kayang harapin ngayon. Baka sobra pa ang gagawin nila saakin keysa sa ginawa nila kay Gwen kahapon.

Hindi. Dapat maging matatag ako diba?
tiyaka mali naman din nila iyon eh. Bakit ba ako dapat matatakot sa kanila. Kung wala naman akong ginawang masama eh bakit naman ako matatakot?! oh diba! ang galeng!

Pero...

Bakit ba nandito parin ako naka tago sa library? kailangan ko nang lumabas.

Binuksan ko na ang pintuan sa library. Tiningnan ko ang mga tao na nasa labas.

Left

Right

okay. clear. no sign of Andee and Jan-

"hahaha I know right. It's so funny!"
Andee? teka boses yan ni Andee ah! patay! parang papunta sila dito! Kailangan kong tumakbo! Pero bakit naman din ako tatakbo sa kanila?! hindi. Hindi pa ako handa na harapin sila. Kailangan ko nang umalis.

Tumakbo ako sa malayong malayong malayong lugar kung saan inikot ko na ang buong school. Di ko nga alam kung bakit ako nagtatago sa kanila eh. Dahil ba hindi ko pa sila kayang harapin? dahil ba na hanggat ngayon mahina parin ako?

What's left unsaid, Says it allTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon