One-shot story

71 5 0
                                    

Hindi na kita tatanungin (one-shot story )

Nagsimula ang lahat nung dumaan ako sa corridor nang may makabangga ako.

"Ay ! Sorry " sabay dampot nang gamit niyang nahulog, at katulad ng nangyayari sa t.v nagkahawak kami ng kamay. Automatikong napa-angat ang tingin ko sa taong nakabangga ko at kasalukuyang hawak ang kamay ko.

"Ahmm ! Ako nga pala si Vine " saka niya binitawan ang kamay ko at nakangiting nag-iwas ng tingin.

"Lein" tipid kong sagot at ngumiti na rin nakakahawa kasi ang ngiti niya eh.

"Pwede bang manligaw ? " Seryosong tumingin siya sa akin . Kakakilala pa lang namin ligaw agad, tsaka wala pa nga kaming nagagawang conversation napunta agad sa ligawan station aba'y edi okay !

"Hindi" seryosong tingin din Ang binigay ko sa kanya .

"Awww ! Nabasted si Vine RILFIGER "

"Duh !grabe naman ang babaeng to kala mo kung sinong maganda .ayaw pa niya kay Vine eh isang RILFIGER ang nanliligaw sa kanya "

"Sayang ! Kung ako yun wala nang ligaw-ligaw kami na agad jusko ! Isang hot Fafa kaya si Vine."

Doon ko lang napansin na marami palang nanonood sa amin , at dahil nga sa napanood nila, samu't-saring bulungan ang narinig ko. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nasa harap ko at hindi ko akalain na ganito pala kagwapo ito. Juicecolored anong ginawa ko at hindi ko hinayaang ligawan ako nito. Pero okay lang ! Tama ang desisyon ko dahil hindi naman kami magkakilala eh, sa pangalan lang so it means tama ang hindi ko pagpayag sa kanya.

Masdumami ang taong umaligid sa amin na may dalang camera,iphone,tablet at kung ano ano pang pwedeng pangkuha ng litrato , bago pa ako mapicturan ay dali-dali akong umalis doon at dumiretso sa classroom. Nandoon nanaman ang walang katapusang chismisan tungkol sa nangyari sa kanina.

Haller ! As if namang big deal ang pangbabasted ko kanina. kakakilala pa nga lang namin tapos mangliligaw siya , nagkabangga nga lang kami actually eh tapos nagbigay lang ng pangalan tapos ligaw agad ano yun love at first sight.

"OMG ! Isang Rilfiger nabasted ng isang walang kwentang babae ? Watda ?" Sigaw ng eskandalosang kaklase ko sa buong classroom, as if namang hindi ko narinig ! Minsan iniisip ko kung tanga yung kaklase ko manlalait na nga lang harap-harapan pa. wala akong kwenta and so wala akong pake .

Pero wait ! Isang Rilfiger as in RILFIGER ? Shit ! Binasted ko ang isang Rilfiger watda ! Baka mamaya mapatalsik ako sa eskwelahan na ito. Paano ba naman eh isang Rilfiger ang may-ari ng school na to ! The one and only Aillaeh Rilfiger . But then again tama lang ang ginawa ko hindi porket Rilfiger siya ay kailangan kong umoo sa kanya. No way ! .

Nang sumunod na araw nagtungo ako sa field para sana magpahangin dahil nasosuffocate ako sa classroom ang dami kasing plastik. Umupo ako sa gilid at pumikit, hinayaang dumapo ang hangin sa balat ko. Napakaingay rito dahil may mga nagpapractice yung iba naman ginagawang park.

"MISS LEIN PWEDE BANG MANLIGAW ! " Sumisigaw na tanong ni Vine sakin, lahat ng taong nandoon ay napatigil at napatingin sakin. Ako naman ay halos gusto ko nang lamunin ng lupa sa kahihiyan pero dahil pinanganak akong matapang ay nagipon ako ng hangin bago sumigaw ng

"HINDI ! " Umiiling ang ibang nanonood sa amin habang iba naman ay tinutusok ako ng tingin.Kung ang mukha ko ay sobrang pula na dahil sa pingtitinginan ako ng tao , siya naman ay nakangiting pinagmamasdan ako.

Umalis ako doon at dumiretso ulit sa classroom.Pinaulanan naman ako ng tanong at kung ano-anong parinig ng iba kong kaklase.

Kinabukasan ay nagpunta naman ako sa library para sana maging tahimik naman ang buhay ko. Pumuwesto ako sa pinakadulong shelf at saka umupo roon. Ramdam ko ang lamig ng sahig dahil na rin sa aircon ang silid. Pumikit ako at ninamnam ang artipisyal na hangin. Napakapeaceful talaga rito dahil na rin sa bawal mag-ingay. Magiging okay na sana ng may biglang bumulong sa akin.

Hindi na kita tatanunginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon