Ako si Andrew, hahataw ako sa pinakamalulupet na clash kasama ang mga idol at Tumego Weapons ko. Ako ang pinakasikat na heros sa Adventure ko! Pumapalag ako sa lahat ng laban, wala akong kinakatakutan! Steady lang chill.

"Sangsang" bulong sakin ng siga sa school. Narinig ko pa ang pag bubungisngisan ng mga tropa nya.

"Hahahhaaha" tawa pa nila.

"Ano…pogi ka? Ha pogi ka? Ano papalag?"mayabang na sabi nito." Tayo tayo! Ano ha?!" Tumayo ako at inis silang ni tingnan.

'patumbahin na yan!'

'ano hahahah'

"Ugh... T-tama na." Mahinang usal ko.

"Kunin nyo yung bag!" Mayabang na sigaw ng lider na yon.

" Wow tol! Big time satin na to ngayon!" Patukoy nila sa psp ko.

" Wow iba ka ah. Lumelevel up hahhahaaha!" Usal ng lider.

"Wag wag pa birthday pa sakin ng papa ko!" Sabi ko sa kanila habang nag mamakaawa.

" Ang drama mo! Nakakaumay ka!" Sigaw sakin ng lider nila. Sinuntok na naman nila ako.

"Aghh" daing ko habang namamalipit sa sakit. Iniwan na nila ko.

Pag uwi ko sa bahay namin, tssk wala pang ulam gutom na ko. Buti na lang may delata kaming stock dito. Binuksan ko yon at pinainit sa microwave.

" Andrew, andrew anak do you need anything?" Sabi ni mama habang pababa ng hagdan.

" Nainit ko na yung pork and beans ma." Sabi ko habang humihikbi ng kaunti. Umupo si mama sa tabi ko.

" Anak… andrew? Andrew my god what happened?! Who did that to you?!" Sabi ni mama nung mapansin nya yung mga pasa ko.

" Ma wala to." Sabi ko sakanya habang lumalayo.

" Patingin nga! Andrew this has to stop! Im going to your school tomorrow and im gonna talk to your techers! I can't stand this bullying anymore!" Galit na sabi ni mama.

" Ma pwede ba wag mo ko ni eenglish wala ka sa call center nandito ka sa bahay." Kunwaring biro ko pa.

" Andrew! Pwede ba… wag mo nga akong pinipilosopo ha!" Naiinis na sabi ni mama.

" Anak concerned lang ako sayo, simula nang lumipat tayo dito lagi ka nalang takaw away…laging punit ang mga damit mo, libro mo, lagi kang may pasa, lagi kang may sugat. Ano bang kinuha nila sayo this time ha?!" Medyo malumanay na sabi nya.

" Yung psp e." Paiyak na sabi ko.

"Psp?! Hindi bat sinabi ko sayo isauli mo na yon sa papa mo ha!" Tss, dali dali akong umakyat sa taas.

" Andrew! Andrew kinakausap pa kita!" Narinig ko pang tawag sakin ni mama.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha yung picture namin nila papa, habang umiiyak.

" Andrew… anak kailangan natin magusap. Hindi na pwede yung ganito." Sumunod sakin si mama.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay ni papa, ma." Umiiyak na tanong ko.

"Andrew you've been asking me that question dor five months since we got seperated. Hindi nga kami magkasundo ng papa mo diba? Nakita mo naman yun e… kaya wag ka ng umasang magkakabalikan pa kami, lalo ka lang ma frustrate."

" Ganon na lang ba yon ma? Pano naman ako?" Sabi ko habng umiiyak parin.

" Nandito naman ako diba?" Sabi pa nya.

" Nandyan ka nga pero palagi ka naman wala." Sumbat ko pa sakanya.
Umupo siya sa tabi ko habang umiiyak  din.

" Anak akala mo ba madali maging isang ina? Na buhayin yung anak na mag isa?… Its not easy to be a mother. And even harder when you're single parent. Im not perfect, but im doing everything i can to be the best mom for you kasi mahal kita." Sabi nya habang umiiyak na nakatingin sa picture namin ni papa.

𝚃𝚑𝚎 𝙼𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛𝚢 𝚁𝚎𝚍 𝙲𝚊𝚙𝚎Where stories live. Discover now