Lingid sa kaalaman ni Andrew itinatago sa kanya ng kaniyang lolo sa lihim silid ang labindalawang antigong sisidlan na may labindalawang masasamang espirito na maaarint maghasik ng lagim sa takdang panahon.
Punyal, kahon, parol, salamin, manika, kwintas, sapatos, panulat, lubid, lampara, maskara, at banga.
Bago sumakabilang buhay si Ino nangako si Andrew na gagawin niya ang lahat maibalik lang ang mga ito sa dapat nilang lalagyan.
Anong lagim ang naghihintay kay Andrew at sa mga mahal niya sa buhay, dahil sa pangakong binitawan niya kay Ino?
SOMEONE
Nagising na lang ako na masakit ang katawan at walang malay ang mga kasamahan ko. Wala na rin ang mga antigo na ninakaw namin sa Museo Pueblo Peligro.
"Boss... Yung mga gamit po may problema. Nawala po lahat boss." Sabi ko habang dumadaing.
"Ano?! Nawawala ang mga gamit?! Kahit kailan mga wala kayong mga silbi! Hanapin ninyo ang mga antigo, wag na wag kayong titigil hanggat hindi niyo nahahanap ang mga ito! Alam mo na ang mangyayari kapag pumalpak ka pa ulit!" Naghihinagpis na ani nito bago patayin ang tawag.
UNKNOWN
"Akala ko ba binigyan mo sila ng proteksyon, anong nangyari?! Nakalabas ang mga antigo sa sikretong taguan!"
"Ginawa ko na ang lahat para maproteksyonan ang iyong tauhan, para mailabas ang mga antigo sa.. sagrado nilang taguan! Ngunit wala na akong magagawa laban sa mga kapangyarihan ng mga antigo. May kakayahan silang maghanap ng mabibiktima at magpunta sa kahit saan nila naisin! Tanging ang kapangyarihan lang ng bahay ang makapipigil sa pagkawala, o paghasik nila ng lagim! Sinabi ko na yan sayo noon! Hindi sila kinakaya ng kapangyarihan ko! Kaya sana pakawalan mo na ko! Parang awa mo na... Pakawalan mo na ko..
ANDREW
Nandito kami sa burol ni lolo ino, nakatitig lang ako sa kabaong nito, hindi parin matanggap ang nangyari kay lolo ino.
"Simula ng mawala si ka ino, kung ano ano ng nangyayaring peligro dito sa Pueblo Peligro." Sabi ng mga pumupunta dito sa burol ni lolo.
"Andrew anak pasensya ka na... Gusto sana pumunta ng papa mo dito pero..." Nag aalangan na sabi ni mama.
"Ma...hindi mo na kailangan mag explain. Alam ko na yung tungkol kay papa.. tsaka ma wag ka mag alala, hindi na ko mangungulit kay papa.. ah sige ma, susunod na ko kay kuya harold." Malungkot na sabi ko kay mama. Paalis na ko ng may lumapit saaking isang babae at lalaki.
"Uhm hi, im princess daddy ko yung mayor dito, this is neil, my cousin, and you are?" Nakangiting pagpapakilala nito.
"Ah Andrew." Maikling sabi ko lang sakanila.
"Ahh Andrew, how cute naman your name, ah diba your from manila? You like going to go back there o you would stay na?"
"Ah sorry mauna na ko ah, nice to meet you." Walang ganang sabi ko sakanila.
THIRD PERSON
"Nakikiramay kami alice." Sabi ng mayor ng Pueblo Peligro kay Alice. Isang matalik na kaibigan ni Alice ang asawa nito. Si Miranda.
Kilalang kilala si Lolo Ino dito sa bayan ng Pueblo Peligro, kaya naman maramin ang nalungkot sa pagkawala nito.
Niyakap ni Miranda si Alice.
"Trahedya talaga ang nangyari Alice. Who would think of doing this to lolo Ino?" Malungkot na ani ni Miranda.
"Napakabuting tao ni lolo ino. Wag ka magalala, kung ano mang tulong ang kailangan niyo ibibigay ko. Bilang mayor ng Pueblo Peligro. Para narin makamit ang hustisiya para sa iyong ama." Nakikiramay na sabi ng mayor.
YOU ARE READING
𝚃𝚑𝚎 𝙼𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛𝚢 𝚁𝚎𝚍 𝙲𝚊𝚙𝚎
Mystery / ThrillerKasama ang kaniyang apat na matatalik na kaibigan, magsisimula ang pakikipaglaban sa kasamaan sa kamay ng isang lihim na kaaway na gustong maangkin ang labindalawang antigo para matupad ang sumpa at mabalot ng lagim ang buong Pueblo Peligro.