May mga dahilan kung bakit wala ka paring love life ngayon. Marahil hindi mo pa time para magkaroon ng boyfriend or girlfriend. Baka nga isa sa mga libo-libong taong nakasalubong mo sa daan kaso iniwasan mo lang or hindi pa yun yung oras para magkakilala kayo.
☝☺ Marahil din na sayo ang mali. Hindi mo lang alam, isa sa mga ito ay meron ka pala.
1. MAPILI - Okay lang maging mapili, lalo na pag babae ka. Karapatan din nating maging mapili kung sino ang makakarelasyon natin. Dahil lahat naman tayo ayaw nating masaktan o magkamali sa lalaking mamahalin natin. Aminin na natin, gusto natin ng karelasyon na maipagmamalaki natin sa pamilya natin at sa ibang tao.👍👎
Pero wag tayong maging mapili ng sobra. Yun bang, gusto mong maka relasyon mala Marian Rivera o Ding Dong Dantes. Pangarap na yun friend, wag masyadong mataas ang standard. Babaan mo konti, kase minsan sa sobrang taas ng standard mo. Napagiiwanan ka na pala ng panahon. Nanjan na, inayawan mo pa. Katabi mo na, tumingin ka pa sa iba.👱👸
2. PANANAMIT/FASHION - Sa panahon ngayon uso ang OOTD, OOTN, KOTD etc. Pagandahan ngayon ng damit at style. Pati sapatos mas mahal mas maganda. Uso ngayon ang Nike like Air max and Roshe Runs, Jordan's, Vans, Timberland Boots, New Balance etc. 👔👟👞
Isa sa mga tinitignan natin ang pananamit. Kung anong uso, dun tayo eh. Kaya kung gusto mong mapansin ka ng crush mo, mag ayos ka ng kaya mong dalhin. Kase minsan nasa pagdadala ng damit lang din yan. Just be yourself, kung ano sa tingin mong maganda para sayo dun ka. Hindi mo kailangan bumili ng mamahaling damit para masabing nasa uso ka. Sa katunayan mas malinis mas magandang tignan. 👠👗
3. ITSURA - Syempre, aminin na natin mukha ang tinitignan. Kung Gwapo ba o Maganda. Wag na tayong magpaka plastic, dahil mukha agad ang una nating napapansin bago Ugali. 👱👸
Kung gusto mong magustuhan ka ng crush mo. Tumingin ka sa salamin, tignan mo kung anong mali. Dahil minsan nasa pag aayos lang yan. Baka nga mas maganda ka or mas gwapo ka pa sa naging ex nila pag nag ayos ka.🙎
Minsan kase hindi natin nakikita ang nakikita ng ibang tao. Simulan mo ang make over sa buhok, magpagupit ka o magpakulay ka. Mag research ka sa internet kung anong bagong usong hairstyle ngayon na babagay sayo. 💇💆💁
Para sa mga babae, mag make-up kayo. Kung hindi ka marunong, pwede kang manood ng tutorial sa Youtube. Mas okay pag yung simple lang na make up. Wag yung masyadong makapal yung foundation, na hindi na pantay sa leeg. Wag ka ding gagamit ng matitingkad na kulay na eye shadow like yellow, green, purple etc. Mag make up ka, para lumabas lalo yung ganda mo hindi para magmukha kang Clown, White Lady or something. Mas okay pag manood ka na lang ng tutorial para makita mo yung ibang techniques. O kaya foundation, mascara, eyebrow and lipstick will do. Okay na yun. 💄💋
4. UGALI - Minsan hindi natin alam kung anong maganda at pangit na ugali natin. Hindi natin alam kung anong tingin satin ng ibang tao. Yung mayabang ka na pala pero hindi mo namamalayan. Kung anong ayaw mong ugali ng ibang tao, tignan mo din sa sarili mo. Baguhin mo yung mga ugaling pangit. Walang magkakagusto sayo kung habang buhay, hindi mo kayang tanggapin ang pangit na kinaugalian mo. Kailangan mo itong tanggapin at baguhin. Dahil kahit naman sino ayaw ng Mayabang, Palengkera, Masungit, Mataray, Feeling Maganda/Gwapo, Pasosyal at iba pa. 😏😎😚😜😒
Kung alam kong gwapo/maganda ka. Be humble, wag mayabang. Dahil nakaka Turn Off 🙅 yun. Maliban na lang kung patay na patay sayo yung nagkakagusto sayo. Malamang, para sakanya ikaw ang pinakamaganda or pinakagwapo sa lahat ng nakilala niya.
5. MALANDI - Sabi nila talo daw ng Malandi ang Maganda. Sa tingin ko hindi, kase kahit anong landi mo walang magseseryoso sayo. Syempre malandi ka eh, bago mo pa sila nilandi alam na nila yun. Kaya paglalaruan ka lang, hindi ka nila liligawan. Kung hindi panakip butas ka lang. No Commitment at all, dahil isa lang habol sayo. Sabi ko nga eh
"Buti pa ang Maganda nililigawan, dahil ang Malandi hindi na kailangang ligawan."
Para sa mga babaeng malalandi, para maliwanagan kayo kung bakit kayo iniiwan. 💃
6. HINDI KA PA NAKAKA MOVE ON - Karamihang rason kung bakit maraming Single ngayon. Yun ay dahil hindi pa kayo nakaka move on sa ex niyo. Masasabi ko lang, lahat na naka MOVE ON na, kayo na lang hindi pa. Una sa lahat, hindi kayo makakapag move on kung hindi niyo tutulungan sarili niyo. Walang makakatulong sainyo kung hindi kayo lang din. Isipin mo na lang, ang Past ay hindi na pwedeng balikan. Kung mahal ka nun, eh di dapat hindi ka iniwan o kaya'y hindi ka hinayaang mawala sa kanya. Siya nakalimutan ka na niya, ikaw hindi pa.
Mapag iiwanan ka lang ng panahon pag hindi mo kayang mag move on friend. Lakasan mo loob mo. Open your Heart para sa ibang tao. Wag mong hayaang sirain ng past mo yung buhay mo. ➡
7. PARTY GIRL/BOY - Okay lang pumarty, MASAYA eh. Pero wag lagi, na halos gabi gabi ka na sa Club. Lalo na pag babae ka, ang pangit tignan. Wala ka din mapapala dun. Pumarty ka para "MAGSAYA" hindi para "MANLANDI". Walang perfect Girlfriend or Boyfriend sa Club. Kung meron man, 5% lang ang matitinong babaeng nasa Club sa isang gabi. Seryoso yun. 💃🙌🙌 🎉🎊🔊🎼🎶🍷🍹🍻🍺🍸
Kahit naman sino ayaw ng karelasyong may bisyo. Okay lang uminum pero paminsan minsan lang. Okay lang pumarty pero para lang magsaya at hindi manlandi. "Dahil ang malandi, hindi pang matagalan pansamantala lamang." 😏💃
Wag mong gawing bisyo ang pag party at panlandi. Hindi magandang tignan. Hindi habang buhay bata ka.
8. ASAL BATA - Nakaka Turn Off yung taong Kid Stuff. Promise! Iayon mo ang ugali mo sa taon mo. Kung 20 years old ka na wag ka ng umastang bata na feeling mo 16 ka pa lang. Ang pangit ng ganon. Grow up! May mga bagay na ginagawa mo nuon na hindi mo na pwedeng gawin ngayon. Hindi ka na bata para ipaalam pa sayo.👦👧
Okay lang ang mukhang bata kase given na yun, wag lang yung umaastang bata. Ang pangit tignan. Matanda ka na, umayos ka na. 👶
9. PAPANSIN - Kung gusto mong magpapansin sa crush mo. Wag mong bastusin, lalo mo lang pinapalayo yung loob niya sayo. Kakatakutan ka pa niyan. Kahit gano ka kagwapo kung bastos ka naman, wala din. Marahil yung ibang babae gusto nila. Pero may mga babaeng conservative din. Para samin ang lalaking bastos walang pinagkaiba sa MANYAK. 🙊🙈👅
Okay lang naman magpapansin pero hindi yung sobra. Napansin ka nga ng crush mo, iba naman iisipin sayo. Pakiramdaman mo yung tao, kung natutuwa ba siya o naiinis na sayo. Ayaw ng lalaki ng mga babaeng papansin. Lalo na kung magpapansin eh nakakairita. Saka lalaki ang lumalapit sa babae. Kaya wag tayong gumawa ng move. Kung magpapapansin ka, yung magandang tignan. In a nice way, hindi annoying way. Karamihang babae kase, hindi nila napapansin nakakairita na sila. Sa sobrang daldal. Aayawan ka ng lalaki, instead na ligawan ka baka ma friendzone ka lang. 🙅💬
Opinion ko lang naman po. ✌☺ Good luck sa love life niyo. Sana nakatulong ako.
BINABASA MO ANG
Paano makawala sa pagiging SINGLE
Ficção AdolescenteHindi ka ba nalulungkot sa tuwing darating ang pasko "SMP" ka parin?