Hindi ko alam kung bakit ganun ang trato niya sa akin. Mga isang linggo na rin nang ginawa niya akong utusan ay hindi pala kundi alipin.
Sabado ngayon kaya narito ako sa kwarto niya naglilinis dahil ang sabi niya sa akin tuwing sabado ko raw lilinisan ang kwarto niya.Natagalan ako sa paglilinis dahil na rin sa marami akong iniisip at isa na don si Senorito Quillion at ang pinapagawa niya sa akin.
Noong nakaraang araw pinahatid niya sa akin ang mga papeles na naiwan nito sa kanyang kwarto sa kompanya niya.
Hindi ko alam na malayo pala ang kompanya nito sa kanilang bahay.
At wala ring taxi na pwedeng sakyan kaya nagpahatid na lang ako sa isang drayber nila gamit ang isa sa mga sasakyan nang pamilya nila.
Mabuti na lang at mababait ang mga katrabaho ko rito.Natagalan kami dahil sa traffic pagkarating din namin ay agad akong bumaba at nagpasalamat sa kay Manong Noel na siyang pangalan nang drayber na naghatid sa akin. Tumungo na ako sa lobby at nagtatanong-tanong kung saan ang opisina ni sir Quillion. Na agad namang sinabi sa akin kung saan ko ito makikita.
Sasakay na sana ako sa elevator ngunit sira pala iyon. Dahil wala na naman akong pagpipilian ay naglakad na lang ako gamit ang hagdan. Dahil nasa 18th floor siya kaya sobra talaga ang pawis at pagod ko. Pagkarating ko sa opisina niya ay nakita ko ang sa pagkakaalam ko ay sekretarya niya.
Ang sabi niya sa akin ay pumasok lang raw ako.Kinatok ko muna ang pinto at nang marinig ko syang nagsabi ng pasok ay pumasok agad ako.
" Magandang tanghali po Senorito! Heto na nga po pala ang papeles na pinapadala niyo sa akin." sabi ko sabay lapag nang mga papeles sa mesa niya ng nakayuko.
Pag angat ko ng aking paningin ay bahagyang natigilan ako nang bigla na lang niya punitin sa harap ko ang mga papeles na pinaghirapan kong dalhin sa opisina nito.
" I told you na bilisan mo pero bakit ngayon ka lang. Kanina pa natapos ang meeting at hindi ko na to kailangan." galit na galit na wika nito sa akin kulang na lang ay mamatay ako sa kanyang nag aapoy na titig sa akin.
" Pasensya na po kayo Senorito binilisan ko naman po kaso traffic po eh at naglakad lang po---" pinutol niya ang pagpapaliwanag ko sa isang galit na sigaw.
" Wala akong pakialam sa pagpapaliwanag mo dahil tapos na rin naman ang meeting at linisin mo ang nakakalat dito."
Dali-dali ko namang kinuha ang gamit sa paglilinis at nagsimula na kahit na parang tinarak ang dibdib ko sa sakit na dulot ng galit niya.
At ayun na nga ang nangyari noong nakaraang araw. Maraming mga masasakit na salita ang kanyang pinagsasabi sa akin pero binabalewala ko lang ang lahat ng iyon.
YOU ARE READING
STRACKY SERIES 1 ( Quillion Stracky: Mr. CEO's Slave)
RomanceShe's just a poor young lady that came in province. Searching jobs to help her family. She's like an angel with an innocent face. She is 27 years old. He's too rich that we called a billionaire, he can buy and get what he wants. He's to ruthless a...