chapter 1

7 0 0
                                    

"oh gagi ka ang tanga mo naman, Rosé" sabi ko sakaniya dahil hindi niya natamaan 'yung target n'ya.

"Eh ang hirap eh tignan mo pagalawa galaw s'ya" sabi n'ya sabay turo sa t.v.

"Alangan naman hindi gumalaw 'yan eh laro 'yan kasama sa game 'yan" sabi ko sakaniya sabay umupo sa sofa.

"Ayoko na hindi ko na kaya ang hirap ng laro na 'yan" sabi n'ya sabay upo rin sa sofa.

"Jisoo dali na kasi sumama ka na saakin" pamimilit n'ya saakin.

"Eh hindi mo nga mabaril baril 'yung target paano ako sasama sa'yo" sabi ko sakaniya.

Meron kami naging deal kung saan sasama ako sakaniya kung sasamahan n'ya muna ako mag laro kaso ang ending lagi kaming talo dahil hindi n'ya kaya barilin 'yung target kasi naawa raw s'ya.

"Dali na bibili lang naman akong damit sa mall" pag mamakaawa n'ya.

"Oh s'ya s'ya sige na" sabi ko sakaniya lumiwanag naman 'yung mukha n'ya.

"Talaga?? Yehey!!" Sabi n'ya nag tatatalon pa.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito at si Jennie lang pala tinignan ko 'yung dala n'ya 'yung pinamili n'ya ata ewan.

"Oh Jennie, bakit ka andito?" Tanong ni Rosé. 

"Dito rin ako nakatira" sagot ni Jennie.

"Diba may camping sila Lisa kasama mo s'ya diba?" Tanong ni Rosé.

"Oo nga pala, bakit ikaw lang mag isa umuwi dito?" Tanong ko.

"Ano ba kayo sinabi ko na diba kahapon sa call na hindi ako sasama sa camp dahil nga diba aalis ako pupunta ako sa Batangas" sabi n'ya.

"Ah oo nga pala" sabi ni Rosé.

"Pero kailan uwi ni Lisa?" Tanong ko.

"Next week" sabi ni Jennie tinanguan naman namin s'ya.

"Nga pala aalis pala kami ni Rosé ikaw na mag bantay ng condo ha pag aalis ka 'wag mong kalimutan i-lock 'yung pinto, okay?" Dami kong sinabi tinanguan lang ako ni gaga.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko para kunin 'yung bag ko nga pala roommate ko si Jennie napatingin naman ako sa bag ni n'ya ang dumi kasi saan n'ya ba 'to kinuha mukha pa 'tong pinamana sakaniya ng lolalolahan n'ya jusmiyo kinuha ko 'yun at tinignan kung malilinis pa ba ito.

"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong ni Jennie na asa pinto.

"Tinignan ko lang 'yung bag mo ang dumi kasi saan mo bang lupalop nakuha iyan" sabi ko at nilapag 'yung bag.

"Wag mo ngang pakialaman ang gamit ko" sabi n'ya teka ang moody n'ya ngayon ah meron ata.

"Okay, sorry" sabi ko at lumabas na ng kwarto at pinuntahan si Rosé.

"Tara na" sabi ko sakaniya tumayo naman s'ya at sinundan ako.

"Ang bilis magalit ni Jennie 'no?" Sabi n'ya kaya napatingin ako sakaniya

"Meron ata s'ya ngayon kaya ata s'ya ganun" sabi ko sakaniya napatango-tango naman s'ya.

Pumunta kami sa parking lot at binuksan ni Rosé 'yung sasakyan n'ya sasakay na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko kaya napatingin ako doon.

"Mag iingat ka" bulong ng matanda sabay alis.

"Sino 'yun?" Tanong ni Rosé pag kasakay ko sa kotse.

"Hindi ko kilala, mag drive ka na lang" sabi ko sinunod naman n'ya ako.

Anong sinasabi n'ya na mag ingat ako? Bakit? May mang yayari ba?

"Hoy andito na tayo ang lalim ata ng iniisip mo" sabi ni Rosé kaya nabalik ako sa wisyo ko.

"Ah wala, iniisip ko lang kung napatay ko ba 'yung tv sa bahay" sabi ko.

"Hindi mo napatay si Jennie ang pumatay" sabi n'ya kaya tinanguan ko na lang s'ya.

"Ano nga pala bibilhin mo dito?" Tanong ko sakaniya andito kami sa h&m.

"May nagustuhan kasi akong damit dito eh wala pa akong cash no'n kaya hindi ko nabili ngayon ko na bibilhin" sabi n'ya sabay lakad sinundan ko naman s'ya.

"Ayun huhu buti naman andito ka pa" sabi n'ya sabay takbo doon sa damit kaya napatingin ako.

"Ang ganda pala ah" sabi ko sakaniya.

"Syempre magaling ako pumili" sabi n'ya saakin hinawi n'ya pa buhok n'ya.

"Bilhin mo na 'yan nagugutom na ako" sabi ko sakaniya binayaran naman n'ya na 'yung damit tapos hinila n'ya ako papunta doon sa jollibee.

"Sa wakas" sabi ko ng naka order na s'ya.

"Gutom na talaga ako" sabi ko at kinuha 'yung pina order ko.

Kumain lang kami ng tahimik as in walang nag salita saamin nakasanayan nanamin ito lagi kasing nagagalit si lisa kapag ang ingay tapos kumakain.

Pag tapos namin kumain hinila n'ya naman ako sa Watsons bibili raw s'ya skincare kaya sumama na rin ako kasi ubos na rin 'yung mga skincare ko.

Bumili kami ng skincare namin pag tapos no'n umuwi na kami nakita ko nanaman 'yung matanda nakatingin saakin nakakatakot siya.

Buti na lang hinila ako ni Rosé papuntang elevator kaya hindi nakalapit 'yung matanda saakin nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"Mukha kang nakakita ng multo" sabi ni Rosé.

"Huh?" Taka kong tanga sakaniya.

"Wala wala" sabi n'ya at lumabas na nung bumukas 'yung elevator.

"Tanginang matanda na 'yan hindi ako makagalaw ng maayos" rinig kong sigaw ni Jennie kasi mas nauna ako kay Rosé na pumunta dito tumakbo na kasi mamaya abutan pa ako nung matanda.

Binuksan ko 'yung pinto bigla naman nagulat si Jennie tinignan ko 'yung paligid n'ya may hawak lang s'yang cellphone baka may kausap.

"Kanina ka pa and'yan?" Tanong n'ya umiling naman ako.

"Ano nga palang gusto mo kainin?" Tanong ko sakaniya.

"Adobo" sagot n'ya.

"Sige, bumili ka ba ng mga sangkap?" Tanong ko sakaniya tinanguan n'ya naman ako.

"Ako na bahala mag luto" sabi ko tumango naman s'ya at pumasok doon sa kwarto namin.

"Ba't ba ang weird n'ya ngayon?" Bulong ko sa sarili ko.

"Ay letche maka luto na nga" sabi ko at kinuha sa ref 'yung mga pinamili n'ya.

"Ano ulam?" Biglang may nag tanong sa likod ko kaya nagulat ako ampucha si Rosé lang pala.

"Wag ka ngang mang gulat hayop ka" sabi ko.

"Hoy! don't compare me to animals ang ganda ko kaya atsaka mag tigil tigil ka na sa kakape mo nagiging magugulatin kana" sabi n'ya at tinignan 'yung niluluto ko.

"Wow adobo sarapan mo ah" sabi n'ya at pumunta na uli sa sala.

???

who killed lalisa? ⁀➷˳ blackpinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon