chapter 2

4 0 0
                                    

"Hoy!! Jennie ibaba mo nga 'yang kutsilyo mo" sabi ko sakaniya.

"Ano ako tanga?" Sabi n'ya.

"Puta ibaba mo na 'yan ako na ang papatay" sabi ko.

"Eh paano pag nakatakas pa 'yan?" Sabi n'ya.

"Ako ng bahala ibaba mo na 'yan!" Sigaw ko sakaniya binaba n'ya naman.

"Akin na 'yung tsinelas" sabi ko sakaniya binigay n'ya naman. Lumapit ako doon sa ipis at pinalo s'ya ng tsinelas.

"Oh ayan na patay na boang ka kasi ba't mo naman kukutsilyusin 'yung ipis" sabi ko sakaniya tinarayan n'ya naman ako.

"Ano nangyari sainyo? narinig ko kasi 'yung sigawan niyo eh" sabi ni Rosé.

"Si Jennie kasi kukutsilyusin 'yung ipis" sabi ko kay Rosé napatingin naman s'ya kay Jennie na may hawak na kutsilyo.

"P'wede mo naman hampasin 'yan ng tsinelas" sabi ni Rosé.

"Okay, fyi first time ko makakita ng creature na 'yan" sabi ni Jennie umirap pa s'ya.

"Bibili na lang ako ng baygon next time para hindi mo na kutsilyuhin 'yung ipis" sabi ko.

"Anong araw na pala?" Tanong ko kay Rosé.

"Sunday" sagot n'ya.

"Nakauwi na ba kaya si Lisa?" Tanong ko sakaniya.

"Nakita mo ba s'ya dito? Hindi diba? Oh edi wala" Sagot ni Rosé.

"Grabe 'tong week na 'to sakit sa ulo ko tapos kada matutulog ako binabangungot ako" Sabi n'ya at umupo doon sa sofa.

"There's someone sa labas" sabi ni Jennie dahil sa narinig naming katok.

"Ako na" presinta ko at pumunta doon sa pinto.

"Ano pong maitutulong ko sainyo?" Tanong ko sakanila.

"Mga pulis po kami at gusto lang po namin sabihin na si Ms. Lalisa Shila Kytari ay namayapa na po" sabi n'ya na kinagulat ko.

"Paano nang...nangyari 'yun?" Tanong ko sakanila.

"May bumaril po sakaniya at hanggang ngayon hinahanap pa rin ng mga pulisya ang bumaril" sabi nung pulis.

"Gusto ho sana namin kayo imbitahin sa prisinto may mga itatanong lang po kami sainyo" sabi niya kaagad naman akong tumango.

"At kasama po sila" sabi n'ya sabay turo sa likod ko andoon din pala si Rosé at Jennie.

Nandito na kami ngayon sa prisinto at si Jennie mukhang napilitan lang na sumama mukhang wala s'yang pake sa nangyayari habang si Rosé 'di matigil ang iyak.

"Kayo po ang huling nakasama ni Ms. Lalisa bago umalis s'ya tama ho ba?" Tanong ng pulis ng ikinatango namin.

"Ano po ang huli n'yong ginawa bago umalis si Ms. Lalisa?" Tanong nung pulis.

"Nung araw po no'n andoon po ako sa opisina dahil may inaayos po ako na papeles para doon sa bahay na pinama saakin sabi ko po sakanila na hindi ako sasama sa camping dahil inaayos ko nga po ang pinama saakin hindi po ako makagalaw ng maayos sa mga plano ko dahil sa hayop na matanda na 'yun s'ya rin 'yung dahilan kung bakit nasira ang bag ko hindi naman sakaniya pinama 'yung bahay pero kung makabakod s'ya parang may karapatan s'ya ayun po ang huli kong ginagawa na hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin kasi paepal pa rin 'yung matanda hayop" paliwanag ni Jennie.

"Nag text si lisa saamin na aalis na po s'ya hindi po kami kasama sa camping nila dahil mag kaiba po ang school nila ni Jennie sa school ko po bale sina Jennie, Lisa at Rosé po ang magkakaklase ako lang po ang naiba, kinabukasan po naglaro lang po ako buong maghapon hanggang sa mang bulabog si Rosé saakin at nagpapasama bumili ng damit" kwento ko sa pulis.

"Ako naman po pag tapos n'ya po mag text nag sabi ako na mag ingat po s'ya dahil tanga pa naman po s'ya kilala ko po s'ya dahil matagal na kaming nagkasama s'ya 'yung una kong naging kaibigan sakanilang tatlo hindi po ako kasama sa camping dahil po camp lang po 'yun ng club nila eh hindi po ako kasama sa club nila kaya ho hindi po ako kasali sa camp tapos kinabukasan binigyan po ako ng pera ng parents ko at naalala ko po 'yung damit na nakita ko sa mall kaya po pinuntahan ko po kaagad si Jisoo para mag pasama" paliwanag ni Rosé.

"Maraming salamat po sa kooperasyon niyo mag ingat po kayo sa pag uwi" sabi nung pulis.

"Rosé anong sinasabi mong club?" Tanong ni Jennie sakaniya.

"Yung club niyo ni Lisa" sabi ni Rosé.

"Kasama ka sa club diba?" Tanong ni Jennie.

"Diba umalis na ko doon? kasi gusto ko nga sumali sa music club" sabi ni Rosé tumango-tango na lang si Jennie.

Nang andito na kami sa parking lot mas na una sila mag lakad dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari bumalik ako sa sarili ko ng may humawak sa braso ko kaya napatingin ako doon.

"Nasa paligid lang ang kalaban" sabi ng matanda at aalis na dapat pero hinawakan ko s'ya sa braso n'ya.

"Sino ka po ba ha? Ano pong alam n'yo?" Tanong ko sakaniya matagal ko na itong gusto itanong sakaniya.

"Wag ka kaagad mag titiwala" sabi n'ya.

"Isa...isa po ba sa mga kaibigan ko ang pumatay kay Lisa?" Tanong ko sakaniya.

"May isa sainyo ang kasabwat" sabi n'ya.

"Si..sino po?" Kaba kong tanong sakaniya.

"Baliw s'ya hindi n'ya kilala ang sarili n'ya" sabi n'ya at tuluyan ng umalis.

"Hoy Jisoo" biglang may tumawag saakin kaya nagulat ako at napatingin doon.

"Wag ka ngang manggulat Rosé!" Sigaw ko sakaniya.

"Sabi ko sa'yo 'wag ka mag kape kulit" sabi n'ya at umiling iling pa.

"Hindi naman ako nag ka-kape ah" sabi ko sakaniya napatingin naman s'ya saakin.

"Hindi ba? Nakita kita sa Starbucks kahapon ah" sabi n'ya saakin at nag iisip isip pa.

"Baka namalikmata lang ako" sabi n'ya.

"Ano tara na?" Tanong n'ya saakin tumango naman ako.

Sino saamin? Si Jennie? Si Rosé? Teka... pinaghihinalaan ko na ba sila? Arghhh putangina naman.

"Hoy Jisoo!!!" May sumigaw sa tenga ko kaya napalayo ako.

"Ano bang iniisip mo ha? Mas malalim pa ata 'yan kesa sa pacific ocean" sabi n'ya.

"Wala wala, mag papahinga muna ako" sabi ko at pumasok sa kwarto namin.

"Oh, gatas" sabi ni Jennie sabay bigay saakin ng gatas.

"Mukhang stress na stress ka na" sabi n'ya.

"Tapos gatas?" Tanong ko.

"Oo, bakit? Sabi nila nakakapag patulog daw ang gatas kaya ayan para makapag pahinga ka" sabi n'ya sabay punta sa higaan n'ya at humiga.

Ininom ko naman 'yung gatas at inubos 'yun kasi ang sarap pag tapos no'n humiga na ako at nakatulog na pero parang may mali.

???

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

who killed lalisa? ⁀➷˳ blackpinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon