"Anak, may bisita ka!"sigaw ni mama mula sa baba, kaya napabangon ako. bigla kong naalala na pupunta pala Nicole dito sa bahay para sunduin ako.
Dali-dali akong naghanap ng damit para suotin today,Ba't hindi sya nag message sa akin para nakapag handa ako at hindi na sya maghintay pa.
"Ma!,pakisabi sandali lang!"sigaw ko para marinig ni mama sa baba,agad akong pumasok sa cr para maligo.
Natapos akong maligo nag-bihis na ako at bumaba, napahinto ako nang makita ko kung sino yung kasama nya.
Akala ko ba kami lang dalawa magsho-shopping ba't kasama pa sya dapat girl's only,ganon!,ba't kailangan may kasamang jowa baka namann magmukha akong thirdwheel nyan.
"Nandyan ka na pala anak kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo"sabi ni mama,nang makita ako ni mama tumayo na sya para pumunta sa kusina.
"Goodmorning Dam"masayang bati sa akin ni nicole,siniko nya si Genos Kaya napatingin si genos kay nicole,Ouch!grabe naman yang titig na yan pwede ba sa akin lang.
"Goodmorning"simpleng bati pero grabe magwala yung oud sa puso ko!,kalmahan mo lang Dam,wag pahalata.
"Goodmorning din sainyong dalawa,Ano tara na?"tanong ko kay nicole baka kasi matagalan kami at gabihin pa,may babasahin pa akong libro kaya kailangan maaga pa lang makauwi na ako.
sumangayon sya,kaya nagpaalam na ako kay mama.
"Ma!,alis na kami!"Sigaw ko kay mama dahil baka hindi nya marinig,nakabukas kasi yung radio baka di marinig.
"O sige,mag-iingat kayo!"rinig kung sabi ni mama.Lumabas na kami at sumakay sa kotse ni Genos.
Nakarating kami agad sa mall dahil walang traffic atsaka ang bilis magpatakbo ng sasakyan si genos kaya medyo kinakabahan ako,hindi ko alam kung bakit,may mga nagpapakitang lugar sa isip ko,hindi ko alam kung ano yon.
sa tuwing sumasakay ako sa mga sasakyan kinakabahan ako,kaya mas gusto ko laging nagbi-bike pa puntang eskwelahan kasi alam kung safe ako kapag ako yung nagdridrive.
Ng makapasok na kami sa loob ng mall,kaya hinila na agad ako ni nicole papunta sa smith store kung saan ang gaganda ng mga damit.
Agad pumili si nicole ng damit habang kami ni genos umupo sa sofa,erase the 'kami' baka maissue.
***
Napa salamat ako ng matapos sya sa kapipili ng damit nya,may bigla ako ng alala,kaya nagpaalam ako kay nicole."Ah nicole,pwede bang humiwalay sa inyong dalawa may dadaanan lang ako?"paalam ko.
"Tara saan ba?"masaya nyang tanong kaya agad akong sumagot.
"Hindi na saglit lang naman ako"sabi ko para makombinsi sya na saglit lang talaga ako.
"Sama ako,pleasee"Nagpuppy eyes sya sis,dati ba tong aso o may lahing aso joke,tinignan ko si genos para magpaalam kung pwede ba.
Ngumiti sya parang nagsasabing ok lang sa kanya basta ako ang kasama joke bawal maging advance,pero grabe yung ngiti nya nakakainlove,kaya hindi ako nakaligtas sa mga nabibighani nya.
I'm inlove with him.