--

7 3 0
                                    

"Syne!!" rinig kong tawag ni mama sa baba, masyado akong abala para pansinin siya kaya naman binalewala ko na lang.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mabibigat niyang yabag mula sa hagdan. Ano na naman kayang kailangan nito?

Bumukas na ang pinto ng kwarto ko at nilingon ko siya, nakita kong may hawak siyang papel at parang nakakita siya ng multo.

"Bakit?" tanong ko dahil mukhang wala siyang balak magsalita. Hindi pa rin siya umiimik kaya naman tumayo ako at inagaw ang papel na hawak niya para tignan kung anong meron dito.

Nakapasa ako. Dapat masaya ako. Bakit ganito? Epekto ba 'to ng mga nalaman ko?

Binalik ko sa kanya ang papel at saka bumalik sa aking pwesto.

"Bakit?" tanong ko, hindi ko ginustong magtunog walang modo pero siguro ganito na talaga ako.

"Ha?" tanong niya pabalik, naguguluhan at mukhang hindi pa nakakabalik sa reyalidad dahil sa matinding gulat.

"Bakit niyo itinago sa'kin ni papa?" wala akong maramdaman.

Hindi niya naintindihan ang tanong ko pero ilang minuto lang ay naintindihan niya na rin. Namutla siya at tumingin sa akin nang diretso mula sa salamin na nasa harapan ko.

"Saan mo nalaman? Paano?" natataranta niyang tanong.

Nagkibit-balikat ako at lumingon sa kaniya, tinitigan ko siya at napansin ko bigla ang pagkakaiba naming dalawa. Mata pa lang halata agad na hindi ako totoong parte ng pamilyang 'to. Lumingon ako pabalik sa salamin at tinignan siya mula rito.

"Gusto ko silang hanapin." Lalo siyang namutla sa sinabi ko sabay lapit sa'kin.

"Syne, anak...." hinawakan niya ang pisngi ko habang umiiyak. Pinipigilan ako ng mga mata niyang lumuluha sa aking gustong gawin. Pero hindi, buo na ang desisyon ko, gusto ko silang hanapin. Gusto kong malaman ang sagot sa lahat ng mga tanong ko.

Bakit? Isang simpleng tanong pero ang hirap sagutin. Bakit nila ako ipinamigay? Sino sila? Anong meron sa nakaraan ko? Sino ba talaga ako?

Dangerous ThirstWhere stories live. Discover now