AUCLAIR SYNE
"Meron ka na?" tanong ni Raine, matapos ang klase. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa no'n e hindi na rin naman ako magtatagal dito. Gastos lang 'yan.
"Raine, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na–" "Alam ko, Syne. Pero gusto kong ikaw ang maging last partner ko sa magiging last school work mo rito. Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pa umalis." putol niya sa sinabi ko, nagdaramdam. Inirapan ko siya dahil alam ko na kung anong kasunod niyang sasabihin niya.
Hindi ko na sinagot ang mga sinabi niya, ayoko ng drama, alam niya 'yon. Niyaya ko na siya magpunta ng mall para makabili ng materials sa gagawin naming project.
Pinagbigyan ko na si Raine at baka umiyak pa siya sa harapan ko.
Nang makarating sa mall ay ramdam kong may nakasunod na naman sa amin– sa akin lang siguro. Lagi kong napapansin na may nakasunod sa akin pero sa tuwing titignan ko wala naman. Ewan.
"Saan tayo?" tanong ni Raine. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mall at huminto ang mga mata ko sa isang maliit na shop. Mukhang luma na pero hindi ko alam kung bakit para akong inaakit papasok dito. Mukha siyang shop na hindi papayagan na itayo sa loob ng mall.
"Syne?" natauhan ako sa tawag ni Raine. Tinignan ko siya at inirapan. "Seriously? Hindi ka ba familiar sa mall, Raine?" tanong ko na ikinatawa niya. Naglakad na ako at iniwanan siya. Baliw.
"Ang sungit mo talaga!" sigaw niya, nilingon ko siya at tinitigan nang matagal sa mata. Ewan ko lang kung malaman mo ang gusto kong mangyari.
Hindi na niya kinaya ang titig ko kaya naman lumapit na siya sa'kin. "Ito na nga po, Madame Syne. Halika na nga at nang maaga tayo makauwi."
Pumasok kami sa NBS para bumili ng kakailanganin sa project. Tumitingin ako ng mga libro habang hinihintay si Raine na matapos magbayad nang may bumangga sa gilid ko. Nahulog ang mga gamit na bitbit niya.
Umirap ako sa ere at tinulungan siya, ang lampa naman nito. Hawak ko na ang huling gamit niya at hinarap siya nang mapansin ko ang mga sugat at pasa niya sa mukha.
"Are you okay?" sa sobrang pag-aalala ko ay nabitawan ko ulit ang gamit niya. May dugong tumutulo sa isa sa mga sugat niya. Mukhang bagong bugbog kaya dumudugo pa yung iba.
Lalapitan ko sana siya pero umatras siya. "Excuse me? Nagtatanong ako kung ayos ka lang ba?" tanong ko ulit. Hindi siya sumagot, pinunasan niya ang dugong tumutulo sa noo niya sabay pulot sa gamit niya.
"Can't you speak?" Iritadong tanong ko ulit. Bakit ba ayaw magsalita nito? Hindi kaya siya pinutulan ng dila? Hindi, hindi naman siguro. Gosh, ano ba 'tong iniisip ko?
Lalapitan ko sana siya ulit pero bigla siyang tumakbo at lumabas na ng NBS. What's his problem? Nasaan yung guard na nagbabantay sa labas? Bakit hinayaan siyang tumakbo palabas nang duguan?
"Halika na?" hindi ko pinansin si Raine at nakatingin pa rin sa labas ng NBS. Bakit kaya tumakbo 'yon? Bakit siya duguan? Gosh, iisipin ko na naman 'to hanggang bukas. The power of overthinking nga naman.
"Syne? Okay ka lang ba?" nilingon ko si Raine at hinatak na siya palabas ng NBS. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang nangyari kanina dahil matatakutin 'to, simpleng bagay na hindi naman dapat katakutan hindi agad siya nakakatulog.
Nang makababa kami ng 3rd floor kung saan ang NBS ay nakita ko na naman ang shop kanina. Merong parte sa'kin na gustong pumasok sa loob. Anong meron sa loob ng shop na 'to? Bakit pakiramdam ko makikilala ko pa lalo ang sarili ko?
Sinabihan ko si Raine na hintayin ako sa labas at naglakad na ako papalapit ng shop. Nagtataka siya kung kailan pa ako nagkaroon ng interes sa mga ganito. Hindi ko rin alam. Pero gusto kong malaman kung anong meron sa loob para manahimik na ang kaluluwa ko.
Kapag hindi ko pinasok yung shop baka bangungutin ako bigla. Nang makalapit sa shop ay saka ko nabasa nang maayos ang pangalan nito. Sobrang luma na kasi kaya hindi na masyadong mabasa yung pangalan ng shop kapag malayuan.
'Houde's Underworld'
Anong klaseng pangalan kaya 'yon? Baka nandito si Hades sa loob. Kinurot ko ang sarili ko para umayos at mag-seryoso ako saka pumasok sa loob ng shop.
Pagpasok sa loob ay mukhang simpleng shop lang naman na nagbebenta ng anting-anting, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng shop at huminto ang mga mata ko sa isang itim na pintuan. Nilapitan ko ito at binasa ang nahagip ng mata ko, "Deal with the truth" kung anu-ano pa ang nakasulat sa pinto na hindi ko naman maintindihan.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pulang bolang kristal na nakapatong sa lamesa. Kulay pula lahat sa loob at walang tao. Nilapitan ko ang bolang kristal at tinignan ang repleksyon ko mula rito.
"Nandito ka na. Ang tagal kitang hinintay." nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko kaya napaupo ako sa upuan na nakapwesto sa harap ng lamesa. Tinignan ko yung biglang nagsalita sa likod at napansing matandang babae pala 'to. Hinintay? Anong ibig niyang sabihin? Saka ba't di ko manlang naramdaman na may tao sa likod ko?
"Pasensya kung nabigla kita sa biglaang pagdating ko." sabi niya habang pinagmamasdan at pinag-aaralan ang mukha ko. Naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig sa mukha ko, pakiramdam ko may ginawa akong masama sa kanya.
"Excuse me ho, ano pong ibig niyong sabihin sa hinintay?" tanong ko at natigil siya sa pagtitig sa akin. Umayos siya ng tayo at umupo sa upuan na kaharap ko. Nasa pagitan naming dalawa ngayon ang bolang kristal. Nginitian niya lang ako at hindi sinagot ang tanong ko.
"Ikaw na nga. Kahawig na kahawig mo siya." kinilabutan ako sa sinabi niya. Sinong siya? "Sino ho?" tanong ko, nagbabakasaling sagutin niya na ang tanong ko.
"Maaari ka nang umalis. Wala akong maitutulong sa 'yo." sabi niya saka tumayo at pinagbuksan na akong pinto. Magtatanong pa sana ako pero may parte sa akin na nagsasabing 'wag. Mas gusto kong ako ang sumagot sa sarili kong mga tanong.
Nang makalabas na ako ng pinto ay may pahabol siyang sinabi na ikinagulat ko, nakasara na ang pinto pagkalingon ko.
Kilala niya ba ako? May alam ba siya sa nakaraan ko?