“KISS me!” pasigaw kong utos sa isa sa mga nerd dito sa school namin.
Nagulat yata siya sa sinabi ko. Let me see, lumaki lalo ang kanyang mga mata behind those huge black rimmed glasses, napaawang ang kanyang bibig showing off his braced teeth, and those pimples. Argh! The typical one.
He's the last and the least person I knew, okay? Wala na akong choice, and if he's going to refuse my order, well. . .it's his loss, and obviously not mine.
Okay, what's really my point?
His reaction.
I just want to know the reaction of my crush for three consecutive years. Ang reaksyon niya kapag nakita niya akong may kahalikan na iba. Ganun naman iyon, diba? Guys get infuriated kapag nakita nila ang taong gusto nila na may kausap na iba, paano pa kaya kapag nakita nila itong may kahalikang iba.
Kung malaman ko na may violent reaction siya sa ginawa ko, I'd be having the least hope I could get; and after the ‘having the least hope’ part, there comes the interrogation part.
But to no avail, school rules’s been my major hindrance for this operation-kuno, kaya wala pang naglakas-loob sundin iyong utos ko. Not even the decent guys here, who fell head over heels for me.
Really. Because of that strictly no public display of affection inside the school premise. Not even with your parents rule.
But, confidently, I am bound to break that rule. . .or maybe, more of the bitchy kind of confidence.
“J-Jane,” he said, stammering. Medyo naka-recover na siya mula sa kanyang pagkagulat. Pero kitang-kita ko pa rin kung paano na lang nagkalukot-lukot ang mga papel na dala-dala niya dahil sa kaba.
Marami-rami na ring nakiki-usyoso sa kung ano mang ginagawa namin. Pati na rin ang mga ‘here goes the bitch again’ comments ng karamihan sa mga babae rito at ang mga ‘kung wala lang sanang rules’ comments ng karamihan din sa mga lalaki rito. Ilang araw ko na rin kasi 'tong ginagawa at wala pa talagang sumunod sa 'kin, kaya naman nag-aabang talaga ang lahat kung sinuman ang kauna-unahang estudyante ang lalabag sa isa sa mga rules ng paaralan na 'to.
“J-Jane, may gagawin pa kasi ako, eh,” sabi niya nang hindi niya ako tinitingnan, nakatungo lang kasi siya. “Bye!” at nagmamadali nang umalis.
Negative.
Kahit ang isang nerd na tulad niya tumanggi pa.
Nagsi-alisan na ang lahat at bumalik sa kanilang mga pinaggagagawa. Tumalikod na ako. I'll just look for my crush, Jason More. I need an inspiration para ipagpatuloy 'tong operation-kuno ko. Nakita ko naman agad si Jason, and. . .he's looking at me.
Megad, nagkatinginan kami! Sobra pa yata sa inspired ang nararamdaman ko, mga bes.
It just lasted for about two seconds at saka tumalikod na siya. Naglakad na siya paalis ng quadrangle, sinundan ko naman siya bago pa mawala sa paningin ko.
Napa-grin naman ako bigla nang lumiko siya patungong males' comfort room at pumasok. Ayoko sanang gawin 'to, pero I'm going to do it all in the name of love. Charot, dinamay ko pa si Martin Garrix.
Tumingin-tingin muna ako sa paligid ko, baka sakaling may iba pang tao na makakasagabal pa sa plano ko. Planong pumasok sa males' CR. Hindi kasi imposibleng may iba pang mga lalaki doon, and this time, hindi na 'ko mag-uutos pa. Deretsahan nang paghalik ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Jealous
Short Story[one shot story] Who would've thought na dahil lang sa isang lalaki, Jane Orquina would do everything to prove herself na may gusto rin sa kanya si Jason More? Magtagumpay kaya siya sa kanyang plano na pagselosin ito? O baka nama'y si Jason pa mismo...