1

4 0 0
                                    

I was the fangirl, one of the many from within the crowd. He was the shining star, twinkling and sparkling like how he should be. The droplets of sweat on his forehead looked as if they were diamonds as it was up closed on the big screen. He smiled, even though his breathing was quick, he still showed his pearly white teeth among us and I have to remind myself that I wasn't just the only one he was smiling at. There were many, and I was one of them.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Alora's POV:

"Hoy Lora! Wala ka na bang ginawa kundi manood na lang diyan sa cubicle?" Sigaw ng nag-iisa kong kaibigan habang kumakatok sa pintuan ng cubicle kung nasaan ako tumatago ngayon.

Tinanggal ko ang isa kong earphone at ngumuso, kahit hindi niya ako nakikita, "Ano ba!" Tampo kong sigaw at bumalik sa pagnonood ng video. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong binalik niya sa wallet ang pisong ginamit niyang pambukas.

"Alam mo? Kaya ako lang siguro ang nag-iisa mong kaibigan dahil puro yan ang inaatupag mo, Sila na naman?" Irita niya akong hinila palabas ng cubicle. "Tignan mo nga sarili mo! Nagpuyat ka na naman noh?" Dagdag niya, para siyang nanay kung maka akusa sa akin.

"May inabangan lang ako." Rason ko at ibinulsa na ang phone ko.

Bumuntong hininga nalang si Franchesca, Franny tawag ko sa kaniya para maikli. Minasahe na lang niya ang sentido niya,"Adik na adik ka talaga sa kanila. Ano ba nakikita mo sa kanila at interesadong-interesado ka? hm?" tinaasan niya ako ng kilay habang nagaayos siya sa salamin.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang inaayos ang buhok. Napahinto ako sa ginagawa ko at pinag-isipan ng mabuti kung ano ang isasagot sa tanong niya.

What did I see in them?

Nagkakaroon ako ng gana araw-araw, pwede ba yun sabihin? Reasonable na ba 'yon?

Nagkakaroon ako ng pagganiyak dahil sa kanila. Sa kaniya.

Napangiti na lang ako sa sarili ko habang iniisip ko ang sasagutin ko pero tinignan ako ni Franny na para bang na-wi-weirdohan na siya sa'kin.

"Onti na lang at mapagkakamalan kang baliw kung ipinagpatuloy mo 'yang pagngingiti mo sa sarili mo." Babala niya sa akin. Inirapan ko na lang siya at hindi ko na lang sinagot ang tanong niya.

Marami akong pwedeng i-rason kung bakit nakatuon ang bawat minuto at segundo ko sa kanila, kung bakit halos pwede ko na ibenta ang kidney ko para lang maka-attend ng concert, para lang makabili ng merch, pero hindi naman talaga ako aabot sa puntong 'yon. Mahal ko masyado ang kidney ko. Pero kahit naman sabihin ko ang napakahabang rason kung ba't gusto ko sila ay hindi naman nila maiintindihan ang mga iyon. "Lilipas rin ang panahon, lalaki ka at makakalimutan mo na rin sila." Madali lang naman 'yon sabihin pero paano ko siya gagawin? It's not they did not just give entertainment towards me but it's as if I felt complete when it comes to them. I felt like I was a part of them.

"Hoy, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, bakit nga atat na atat ka diyan sa mga yan?" Tanong niya ulit at akala ko nakalimutan na niya ito.

Napabuntong hininga na lang ako, "Ah! basta, 'di mo naman maiintindihan." Sabi ko na lang at ipinagpatuloy ang pagtatatali sa buhok ko.

I Was The FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon