TnP7

6 4 0
                                    

"MADILIM NA KAHAPON"

Kasabay ng pag-awit sa isang liriko,
Malakas na tawanan ang narinig ko,
Kaagad na nakaramdam ng hiya sa loob ko,
Dahilan para mas piliin kong lisanin na ang entablado,

Magbibilang ako ng tatlo,
Tatlo na magpapatunay na lilimutin ko na ang pangyayaring ito,
Isa, dalawa, tatlo, pipiliting maging perpekto,
Perpekto na kahit alam kong malabong maging ako,

Susundan ng pagbilang ng hanggang walo,
Pagbibilang na sana'y matulungan ako,
Ako, na may mapait na karanasan mula sa tawa ninyo,
Tawang nagpababa sa kumpiyansa ko,

Susundan ito ng pagbigkas ng siyam at sampo,
Dalawang numero na tatapos sa lahat ng ito,
Numerong nagpapatunay na 'di na ako apektado,
Sapagkat naging mas matibay na ang sumunod na ako.

******

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tinta ng PanulatWhere stories live. Discover now