Date started: April 5, 2015
Read for your own risk © Miss_Haruma
----
Aemie's PoV
First day of school in college. Isa lang akong normal na TOURISM student na hindi kagandahan at hindi pansinin.
"Aemie !!" Tawag sa akin ni Michelle.
Si Michelle ang kaisa isa kong kaibigan. Hindi kase ako pala kaibigan. Ewan ko ba bakit ako ganun. Mabait naman ako. Joke ! Hindi marami naman akong kaibigan. Siya nga lang yung palagi kong kasama.
"Oh Mich. Tapos na ang class mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Wala lang naman magandang nangyare ngayong araw. Puro 'Okay Introduce youre self' grabee lang naka ilang ulit na kaya ako ngayong araw sa pagpapakilala sa sarili ko. Parang sirang plaka lang eh. Nakakaimbyerna" Naiirita niyang sabi.
"Alangan naman mag discuss kayo agad first day of school pa nga diba'? Sira ---" Natigil ako sa pagsasalita nung biglang nagtitili ang mga babae sa paligid namin.
Anong gaguhan ang nangyayare!? Wala namang sunog !
Hinanap ko agad kong ano at sino yung pinagtitilian nila.
"Kyaaaaaaah !!!!" Mga babaeng naka lunok ng sound system. -___-
Hanep rin eh. Ayaw pa awat sisigaw ang isa lalakasan nung isa. Baliw ! -_-
"Oh My Gosh !" Biglang nasabi ni Mich.
"Ano yun?" Nagtataka kong tanong. Ano bang nangyayare !? Bakit hindi ko makita ang nakikita nila !?
"Si Mr. Folkner with friends." Sabi ni mich na nakatulala at naka nga'nga pa ha.
"Ahhh. Kala ko naman si Barney with friends." Sabi ko
"Baliw -_-" Poker peeys niyang sabi. Aba malay ko ba.
Napatingin ako dun sa tatlong lalake na pinagbibigyan daan ng mga studyante. Grabee lang ha kala mo naman sinong may ari nitong school at binibigyan talaga ng daan. Hmmmp ! HAMBOG ! Pero enfairness ha. Okay na din.
"Hoy? Sino ba yan?" Tanong ko sabay turo dun sa Barney with friends.
Sino ba yang Mr. Folkner and friends na yan at nagkakaganito lahat ng babae? Parang nanggaling lahat sa mental. Nako nako !
"Si Mr. Folkner ang may ari nitong school." Ano naman ngayon? "At ang ho'hot nila ng mga kaibigan niya." Ahh kaya naman pala napaka HAMBOG. Maganda nga ang abs niya. Pero mas maganda kay jung kook. *_*
"Type mo?" Tanong ko sa kanya.
"What!? Hindi noh ! Maaari ngang gwapo sila at ang ho'hot, pero ang sama ng ugali ng Mr. Folkner na yan ! Pati ng mga kaibigan niya. Letche lang. Alam mo namang ayaw ko nun diba!?" Ayaw daw pero namumula. Nako ! Halata masyado !
"Ah. Sabi mo nga." Pero, Ayaw niya nga naman sa ganun. -____- Bahala siya sa buhay niya.
Kung masama ang ugali ng mga unggoy na yun. Bakit ang dami paring nag papantasya sa kanila? Ayy nako ewan. Maganda nga abs nila. Hindi kataka taka. Gwapo rin naman sila. Pero hindi parin ! Erase ! Erase !
"My gosh ! Kung si drix ang magiging boyfriend ko. Pwede na ako mamatay bukas !" Bulong nung babaeng katabi ko. Bulong pa ba yun? Rinig na rinig ko naman ata?
"Ede pakamatay kana ngayon palang." Bulong ko.
"What did you just say!?" Sabi niya.