Animnapu't siyam

309 0 0
                                    

Nilibot ng tingin ni Julie ang kabuuan ng penthouse na pagma-may ari ng lalaking kasama niya ngayon ngunit kanina pa tahimik magmula nang pumasok sila sa tinitirahan nito.


The whole place looks neat and minimal. Sa pinaghalong wood at matte gray na disenyo ng interior nito, masasabi mo ng isang bachelor ang nakatira dito.


"Where's your room?" she turned to ask him


Nagtataka man ngunit dinala pa rin siya nito sa kwarto ng lalaki.


Pagpasok pa lamang ay amoy niya na ang mamahaling pabango na lagi niyang naaamoy kapag lumalapit ito sa kaniya.


Napako ang tingin niya sa isang may kalakihang picture frame na nakasabit sa wall ng kwarto nito. Hindi niya alam kung paanong nakalapit siya dito kahit na parang halos manigas ang mga paa niya dahil sa takot na malaman ang...  katotohanan.


Tinitigan niyang maigi ang tatlong tao na nasa larawan. Si David, ang mom nito, at ang lalaking...kasama sa mga pumatay sa kaniyang ina.


Fuck!


Gusto niyang sumigaw. Umiyak. At murahin ito kahit pa larawan lamang ng taong 'yon ang nasa harap niya.


Bakit siya pa?! 


Hindi niya magawang lingunin si David dahil sa natuklasan. Naramdaman na lamang niya ang mga braso nitong bumalot sa kaniyang katawan mula sa likod.


David kissed her neck before he smelled her shoulder blade. 


Ilang sandali ang lumipas bago niya pinilit ang sarili na bumitaw mula sa mainit nitong yakap. 


"Rest room lang ako." her voice cracked!


Hindi niya na hinintay pa na makapag salita ito. Binilisan niya na lang ang kilos at tinungo ang pinto ng banyo sa kwarto nito.


She went in front of the mirror. Silently telling herself that it's okay. It's gonna be okay.


She has to look okay.


Tangina naman. 


She laughed while crying. Her nose and cheeks were turning red just like her eyes as she let her tears fall.


Napaupo siya sa sahig at niyakap ang sarili. She remembers her mom smiling at her. Caressing her face while she was crying. Pero ngayon, wala na ito. Wala na 'yung taong tinatakbuhan siya sa tuwing siya'y umiiyak. 'Yung taong nagsasabi sa kaniya na 'it will be okay, don't worry'.


Naramdaman na lamang niyang muli ang mga brasong bumalot sa kaniya kanina. Pinunasan naman nito ang mga luha na walang tigil sa pagpatak mula sa kaniyang mga mata.


She's vulnerable. It's just ironic that she's showing her vulnerable side to the son of her mom's killer.

AlonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon