220 - Huling Layag

229 2 0
                                    

Author's Note: Hi! Thank you so much for being with Julie Anne Leviste and David Alexander Consunji until the end, although the journey of their story will never end because waves are unending, I hope that the message of their story will always linger on our shores just like the waves–it may go, but it will always come back. 

--

"Gising!" matapang na sabi ng isa sa mga armadong lalaki na nagbabantay sa silid kung nasaan si Gael Leviste

Nahihilo man, pinilit nito na imulat ang mga mata kahit na hindi niya nakikita ang mga tao sa paligid niya. Nakabalot ang ulo niya sa isang maliit na sako.

Matapos niyang malamang nakaalis na ng mansyon ang anak ay saka pa lamang siya umuwi at naisip ang dapat niyang gawin upang matigil na lahat ng kaguluhang nangyayari. 

He knew this would happen. This was the secret that Jillian had been hiding from him ever since he met her in a bar and made out with him. Sa iilang beses nilang pagkikita noon, Jillian remained a mystery to him. Hindi siya nito dinala man lang sa kanila. Ang alam niya lang sa pagkatao ng babaeng mahal niya ay ang pagmamahal nito para sa kababatang si Damien. 

Siya ang naging sandalan nito noong mga panahong nagkakaroon na ito ng realisasyon na mahal pala nito ang kababata. Tiniis niya lahat. Hinayaan niya kahit na parang naging second choice lamang siya. Wala siyang pakialam basta maiparamdam dito na hindi ito nag iisa, mawala na ang lahat pero mananatili siya. 

Hanggang sa isang araw ay muli itong tumakbo sa mga bisig niya dahil ang lalaking mahal nito ay naikasal na pala.

He promised to stay. Lahat ng mga pagtitiis niya kahit na lihim siyang nasasaktan dahil sa tunay na nararamdaman nito ay nagbunga. He waited and Jillian loved him the way he wanted to be love. She gave him the love that he has been longing, they were happy. They lived peacefully as husband and wife and they've built a happy family.

Halos mabulag si Gael sa liwanag na sumalubong sa kaniyang mga mata nang tanggalin ng lalaking nagsasalita ang sako na inilagay sa ulo niya.

Unti-unting luminaw ang kaniyang paningin kasabay nito ay tuluyan ding pagkakakita sa mga taong tingin niya'y puno't dulo ng paghihirap ng anak niya.

His jaw tightened as his anger awakens.

Sa harap niya ay nakaupo si Ambrose Sandoval, may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa labi nito.

"Rise and shine...Mr. CEO." panunuya nito sa kaniya

Nang suyurin ni Gael ng tingin ang paligid ay kita niya ang ibang hindi pamilyar na mukha na nasa loob din ng silid na iyon.

"Ambrose." a voice called from somewhere

"Oh, Damien!" bati nito sa panauhin na dumating 

Hindi lubos akalain ni Gael na makikita ang lalaking ito dito. He knew that Ambrose Sandoval was the bad man dahil ito ang nasabi sa kaniya ni agent Artemis when he visited his security Agency. 

Matalim niya itong tinitigan.

"Kasama ka din nila?" diretsong tanong niya dito

Seryoso lamang siya nitong tinitigan saglit at muling ibinaling ang tingin kay Ambrose.

"Why did you get him here, Ambrose?" 

"I told you. I need something from his daughter! Kusang sumama 'e. Edi pinagbigyan  ng mga tao ko! Isa pa, malay ko bang anak pala ng CEO nila ang babaeng 'yon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon