CHAPTER 32 : NEW BROTHER

121 14 0
                                    

CHAPTER 32 : NEW BROTHER


Nicholas's POV

Kaluluwas ko lang sa barko galing bacolod.Dala dala ang bayong ko na laman ang mga damit ko ay nilakad ko lang ang papuntang sakayan ng jeep.Medyo naninjbago pa ko sa mga nakikita ko dahil hindi naman ganito kataas ang mga building sa lugar namin eh! Ang tataas at ang lalaki! Pero kahit gaanO pa kaganda ang mga nakikita ay kailangan ko paring tumuloy sa pupuntahan ko.

Bago mamatay si Nanay ko ay may ibinigay siya saking sulat.Yun daw ang huling sulat na natanggap niya galing sa tatay ko.Doon nakalagay ang address niya ang sabi ni Nanay,puntahan ko daw siya sa Bahay nila sa Maynila para makahingi ako ng kahit Konting tulong.Ayaw naman kasi ni nanay na dito ako tumira samin sa kadahilanang lagi akong sinasaktan ng aking amain at pinagtutulungan din ako ng mga parente(relatives) namin dito dahil hindi nila kabati ang nanay ko.Kaya ang gusto ni Nanay na sa tatay ko nalang muna ako humingi ng tulong,mabait naman daw si Tatay kwento niya.Pero hindi lang sila supurtado ng pamilya ni Nanay.

Nang dumating ako sa subdivision na nakalagay sa sulat ay halos lumabas ang mata ko sa pagkagulat.Ang lalaki ng mga bahay! Parang masyon! Nang tangkain kong pumasok ay sinita kaagad ko ng gwardya.Nang ipaliwanag ko sa kanya ang pakay ko ay natawa lang sila ng kasama niya.

"Taas ng lipad mo bata ah! Ang may-ari ng private subdivision na to ang address na nakalagay sa sulat."Sabi ng gwardya kung ganun napakayaman pala talaga ng tatay ko?!

"Totoo po ang sinasabi ko.Ito po ang id ko oh."Sabi ko sa kanila tsaka iniabot ang id ko.Nang basahin nila iyon ay tinignan lang na ako at pumasok sa loob ng Guard house tsaka may tinawagan.

"Hello? Hernandez residence? Pwedeng makausap si Sir Dennis?"Tanong ng guard

"...Hello sir,good evening po.Uhm sir,may kilala po ba kayong Nicholas Castillo Hernandez?"

"Ah..eh yung katrina Castillo po sir?"

"Meron po kasing tao dito,anak daw po nitong si Katrina Castillo at nagpapakilala pong anak niyo raw."

"Ah sige po sir...Okay po."Sabi ng gwardya tsaka ibinaba ang tawag at bumalik sakin

"Halika.Pinapahatid ka ni Boss sa bahay nila."Sabi ng isang gwardyang sumakay tricycle.Agad din naman akong umangkas sa tricycle.

Tumigil ang motor niya sa harap ng malaking palasyo.

"Teka Ma,dito ba yung bahay niya?"Tanong ko sa kanya pero tinignan niya lang ako at nagdoorbell.Maya maya ay may lumabas na isang medyo matandang babar na nakadamit pangmaid.Sandali silang nagusap ng sumama saking gwardya at umalis na din yung gwardya sakay ng motor.

"Ikaw ba yung sinasabi ni Sir na bisita niya? Halika."Malumanay na sabi ng babae.Agad din naman akong lumapit sa kanya at pinapasok niya ko sa loob ng dambuhalang gate.

"Ale,sino po ba ang may-ari ng bahay nato?"Tanong ko sa kanya habang maingat na naglalakad sa magarang lupa.Ultimo lupa napakaganda ng design,nakakahiyang apakan!

"Si Doc Dennis Hernandez ang may-ari ng Manor na to.Nasa loob na sila ng asawa niya hinihintay ka na nila."Sagot niya

"Uhm masungit po ba yung asawa niya?"Tanong ko

"Hahaha,hindi no! Si ma'am Hillary? Naku napakabait nun strikto nga lang pagdating sa ugali ng anak niyang si Sir Ken.Yung anak niyang si Sir Kenneth,yun yung medyo may pagkasuplado! Basta ba,mabait ka sa kanya mas mabait siya sayo.Wag kang magalala,magiging maayos ang buhay mo pagdito ka nagtrabaho."Sabi niya tsaka binuksan yung malaking pinto.

"Ah,ganun po ba?"Tanging nasabi ko

"Actually medyo magkahawig kayong dalawa,kaano ano ka ba niya?"Napatigil ako nang makita ang isang magandang babae na medyo kaedaran ni Nanay at isang matipunong lalaki na medyo makapal ang kilay.Gaya ko.Ewan ko pero para akong humawak sa kuryente nang makita ko yung lalaki kamukhang kamuka ko siya! Magkasing tangkad kami medyo maitim nga lang ako at maputi siya.Siya na ba ang Tatay ko? Dahan dahan siyang lumapit sakin at tinignan muna akong maigi na nakangiti.

"A-anak ka ni Katrina Castillo?"Tanong niya gustuhin ko mang sumagot pero tango lang ang naging sagot ko sa sobrang pagkamangha.Tumingin siya sa magandang babae kausap niya kanina.Kumibit balikat lang yung babae.

"Well,i can't argue with that.Mag ama nga kayo.Pero i still need something to prove na magkadugo nga kayo.Coincedence happens all the Goddamn time."Wika niya habang nakapamewang at napaupo sa sofa.

"Yeah sure,payag ka bang magpaDNA test?"Tanong niya pero tango lang uli ang naging sagot ko


Emily's POV

Nang magising ako ay nasa Infirmary na ko ng Hotel.Sa paanan ko,nakita ko si Trixore na natutulog.

Pilit kong inaalala kung anong nangyari pero parang may pumipigil sa isipan kong balikan yun.

Napadilat ako nang maalala ko na ng nangyari...

Pagkatapos kong magbanyo y maghugas ako ng kamay at paglabas ko ay bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit ng tyan.Nakaramdam din ako ng likidong tumutulo sa hita ko at nang tumingin ako sa paa ko,nakita ko ang mga dugong lumalabas dito.

Oh my god...Nakunan ba ko???


Ken's POV

"My work is done,kayo nang bahala kay Trixore Salazar.Magpapahinga na muna ako."-Ken

"Opo!"Sinpleng tugon ng Squad ko

"Kuya.Magpapahinga na po muna ako auh."Paalam ko kay Kuya

"Alright Cupcake,take good care of yourself."Sagot ni kuya at hinawakan ang ulo ko.Ngumiti lang ako bilang sagot.Pero nang papaalis na ako ay biglang may tumawag sa phone ni kuya kaya napatingin ako sa phone niya...Si Daddy tumatawag? Agad din naman niya iyong sinagot.

"Sup Dad?"Bungad ni Kuya kay Daddy na parang kabarkada niya lang

"Kasama mo ba kapatid mo Drake?"-Dad

"Opo Dad."Sagot ni Kuya tsaka tinignan ako

"I need you both here now.Kaya niyo pa bang magbyahe? Importante lang.Ngayon na sana..."-Dad

"N-now? But Dad gabi na,dilekado na sa daan.Ano po ba yung sasabihin mo?"-Kuya Drake.Pinakinggan ko ng maiigi yung isasagot ni Daddy.

"Sige bukas nalang,bye...~end of call~"-Dad

"Ano daw?"Tanong ko sa kanya

"Ewan ko,may sasabihin daw siya sating importante eh.Pinapauwi tayo."Tugon ni Kuya

"Gabing gabi na,pauuwin pa niya tayo? Sabog ba Daddy natin Kuya?"-Ken

"Ewan ko din.Bukas nalang daw."

"No,di na ko pwedeng umalis bukas,kuya.Pangilang beses ko nang iniwan magisa ang Company,hindi ko na sila pwedeng iwanan baka bumaba Rank ko sa Black Circle.Hindi pwede yun! Hindi ako pwedeng malamangan ng iba dyan."Pagpaparinig ko sa 'Iba dyan'

"Ako ba tinutukoy mo Ken?-Jonas

"Yes you are precisely whom i was talkin about."Sarkastikong sagot na may Sarkastikong ngiti.Napairap lang si Jonas sa naging sagot ko

"Tsk,Bakla..."Pangaalaska ko sa kanya.Pano ba naman! Lakas makabottom ng Roll eyes niya Letse! Hahahahaha

"Hoy hindi ako..."Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang taasan ko siya ng kilay.

"Ano? Hindi ka bakla? Sigurado ka? Hindi ka nanghahalik ng kapwa mo lalaki? Sigurado ka? Hindi mo binabanatan ang kapwa mo lalaki? Sigurado ka na hindi ka bakla?"Pangaalaska ko uli sa kanya habang nakangiti.Namumula siya ngayon sa sobrang hiya.Para nang sasabog ang muka niya sa sobrang pula.

"Bwesit ka alam mo yun?"Bulong niya sabay lapit ng muka sakin while still wearing that pissed off face.Pero nginitian ko lang siya na nakakaloko tsaka hinipan ang strand ng buhok na nakadungaw sa muka niya.Napapikit lang siya sa ginawa ko.

"Bwesit ako sa buhay ng kahit na sino Jonas.Hindi mo na ko kailangang iremind."Sabi ko sabay ngiti uli at tumalikod na

"Bukas nalang mga kasama.Wag niyo kong gigisingin ah!"Huling sigaw ko habang naglalakad papunta sa Unit naming tatlo ni Sam at Luigi.

"Ano kaya yung importanteng sasabihin ni Daddy?"Tanong ko sa isip ko.

Aminado akong alam ko ang maraming bagay pero hindi lahat.Meron kaming tinatawag na 'Secret of life' yun yung mga bagay na hindi alam ng kahit ang napakamakapangyarihang nilikha sa kalawakan.Life has a secret and most of it are dark ones.

.Dennis's POV (Daddy ni Drake at Ken)

HAAAYY BUHAY NGA NAMAN!

I just finished calling Drake.Nilingon ko si Hillary na nakaupo sa sofa habang nakacrossarm at deretso ang tingin sa binatang nasa kabilang side ng sofa sa harap niya.

"Kakatatawag ko lang kay Drake,bukas nalang daw sila pupunta dito dahil gabi na.Uhm...Ejo,dun ka nalang muna sa Guest room for the meantime."Sabi ko sa kanya

"O-opo..."Sagot niya

"Luisa! Pakisamahan naman siya sa guest room 1 please."Pakiusap ko sa kasambahay namin

"Opo sir...Dito po tayo."Sabi ni Luisa tsaka itinuro ang daan papunta sa guest room 1.Kinuha niya ang dala niyang bayong tsaka sumunod kay Luisa sa taas.How cute of him.Nakangiti akong sinundan siya nang tingin hanggang sa makapasok na sila sa Guest room 1.

"So wala kang planong sabihin samin ng mga anak mo na may isa ka pang anak?"-Hillary

"Hon,ngayon ko lang din nalaman.Hindi ko naman alam na magbubunga pala yung kakatihan ko dun sa Farm namin sa Bacolod!"Sagot ko sa kanya tsaka nagsalin ng whiskey sa baso ko.I need to unwind...

"Hindi ba uso ang condom dati?"-Hillary

"Hillary naman.Lalaki ako isa pa bata pako nun paginabot ako ng kalibugan ko ilang milya pa ang babyahihin ko makarating lang sa pharmacy makabili lang ng condom no."Pangatwiran ko sa kanya dahilan para mapatayo siya

"Great reason Dennis! Hindi pa ko nagcocooldown sa nalaman ko kay Drake tapos meron na naman! Ano ba..."Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang yakapin.

"Wag ka nang magalala,ako nang bahala magpaliwanag sa mga bata."-Dennis

"Eh anong plano mo dyan sa isa mong anak?"-Hillary

"Syempre dito ko din siya patitirahin,wala na ang nanay niyan tsaka bumyahe pa yan mula Visayas hanggang dito.Narinig mo naman yung kinwento niya satin kanina diba?"

Bago daw mamatay ang nanay niya sinabi sa kanyang pumunta dito sakin para makilala ang tunay niyang ama.Ayaw daw ng nanay niyang magstay pa siya dun sa Bacolod dahil sinasaktan lang daw siya ng stepfather niya dun.Ayaw din naman daw siyang tanggapin ng mga relatives ng nanay niya dahil di daw sila magkabati...Kawawang bata.

Pumayag din naman siyang MAGPADNA test kaya di na ko nagusisa pa.Ang problema ko nalang ay kung paano ipapaliwanag sa mga anak ko na may isa pa kong anak.

Siya nga pala si Nicholas Castillo Hernandez.Mas matanda siya ng konti kay Ken at Drake,moreno siya,magandang lalaki din gaya nung dalawa kong anak,batak ang katawan at mukang inosente pa sa mundo.Ngayon lang siguro nakapunta sa malaking bahay...

"Kung dadating man bukas ang mga anak ko...Ipaghahanda ko sila ng special adobo ko.Faborito ni Ken yun."Y-yung adobo ni Hillary??? YUNG SPECIAL ADOBO NIYA???

"Y-yung Special adobo mo? P-pwede mo ba kong ipagluto nun ngayon Hon?"Tanong ko sa kanya.

"No way.Maghintay ka hanggang bukas."Sagot niya tsaka umalis papuntang kusina.

"Hillary naman!"Maktol ko tsaka sinundan siya sa kusina.Itong tao talagang to mahilig magpalaway.Ang sarap ng adobong yun eh! Yun mismo yung dahilan kung bakit ako nafall sa kanya dahil sa galing niyang magluto.


Nicholas's POV


Grabe,ang ganda pala talaga ng buhay ng tatay ko.Hindi ko inakala niminsan na makikilala ko talaga siya.Pati itong kwarto,sobrang gara! Parang buong bahay na namin to auh!

"Kung may kailangan pa po kayo,wag po kayong mahihiyang tumawag auh."Sabi ng magandang babae

"Auh dali lang!(Sandali lang)"-Nicholas

"Po?"Tanong niya,hindi niya siguro Naintendehan ang pagiilonggo ko.

"Uhm,ibig kong sabihin sandali lang."Paglilinaw ko

"Bakit po? May kailangan pa po ba kayo?"Tanong niya sakin

"Pwedeng pakipatay yung aircon? Di kasi ako sanay sa aircon eh."Sabi ko sa kanya

"Naku,pasensya na po.Bilin po kasi samin ni Sir Dennis na wag daw po munang patayin ang mga aircon sa buong Manor,dahil dadating daw po bukas si Sir Ken at Sir Drake."Sagot niya

"Auh sila ba yung mga kapatid ko?"

"Opo pero mas bata po sila kesa sayo."

"Hindi ba talaga pwedeng patayun yun aircon?"

"Pasensya na po sir pero di po talaga pwede eh.Kung gusto niyo po,magkumot nalang po kayo.Makapal naman po yung comforter niyo eh,pwede niyo po yan gawing kumot."Suwestyon niya,tama! Pwede man!

"Ah okay okay.Sige miss salamat."


Drake's POV


Ano kaya yung sasabihin ni Daddy na importante at ganun nalang siya kaatat na pauwiin kami ni Ken kahit gabing-gabi na?

"Hoy! Anong iniisip mo dyan? Nagaalala na ko auh!"Sabi ni Samantha nakadarating lang galing counter,bumili kasi siya ng maiinom namin habang maaga pa.Alas otso palang naman eh.

"Iniisip ko lang kung ano yung sasabihing importante ni Daddy."-Drake

"Sus! May bago pa ba kay Tito? Malamang bussiness na naman yun! Wag mo na masyadong isipin."-Jonas

"Oo nga tama itong si Jonas.Naalala mo dati? Kalagitnaan ng klase natin sa dati nating school,before F.U pinasundo ka niya para lang makasama ka sa board meeting ng bussiness niyo?"-Samantha

"Hahahahaha,Oo naalala ko yun sobrang nakakahiya nun! Grabe!"Natatawang sangayun ko

"Ito pa same school din pero graduating na tayo nun.Last practice na natin for intramurals,pinasundo ka pa niya sa mga goons niya para makilala yung anak na babae ng bussiness partner niya.Hahahahaha."Sabat din ni Jonas

"Jeez,gusto ko nang kalimutan yun eh! Ang pangit nung anak niyang babae nun! Grabe siya! Parang hindi tinuruan ng basic physical etiquette."Dugtong ko pa.

"Yan.Kaya wag ka na masyadong magalala,isasama pa talaga niya yung kapatid mo sa kalokohan niya auh."Sambit ni Jonas

"Hay naku..."Bagsak balikat kong sambit tsaka tinusok ng straw yung juice na binili ni Samantha nang bigla akong may maalala.

"Teka Jonas.Mahirap ba maging Fox?"Tanong ko sa kanya

"Di ko alam sabi ni Ken tuturuan pa daw niya ko eh.Kayo ba? Mahirap ba maging Vampire?"-Jonas

"Well,to become a daywalker its pretty cool actually.You can do some extraordinary things."Sagot ko

"Like what?"Nagkatinginan kami ni Samantha tsaka sabay na pinatubo ang mga Fangs namin.

"Nah,i've seen that.Meron din ako niyan eh.Glow in the dark pa."Sabi niya tsaka ipinakita din ang pangil niya na bihirang mas cute tignan kesa samin.Ibinalik nalang din namin ang mga ngipin namin sa dati.

"One more thing...We can read your mind."-Samantha

"Really! Can you Read mine?"-Jonas

"..."Sinubukan kong basahin ang isip ni Jonas pero...I can't.Bakit kaya hindi ko mabasa ang isipan niya?

"Bakit wala?"-Drake

"Being a fox.I have an aura that blocks any type of spell or tricks na gagamitin laban sakin."Paliwanag niya,pretty cool though...


Third person's POV


~~~KINABUKASAN~~~

"Anong oras ka ba babalik tol?"Tanong ni Jonas kay Drake.Magkasama silang apat ni Ken at Samantha ngayon na inihahatid si Drake sa parking lot.

"Ewan ko,kung suswertehin baka mamayang alas kwatro nandito na ko pero kung mamalasin baka bukas na."Sagot naman ni Drake

"Sige Tol,magiingat ka ah."-Jonas

"Sige,ikaw na munang bahala sa kapatid ko Jonas ah."-Drake

"No need kuya i can take care of myself."Sabat ni Ken habang nakacrossarms

"Yeah right,pero 2 head is better than 1 diba? Wag ka nang magpumilit pa.Jonas ha,yung kapatid ko!"-Drake

"Tsk,Oo na.Pwede ba umalis ka nalang tol?"-Jonas

"Hahahaha,sige na Drake balitaan mo nalang kami pagbalik mo."-Samantha

"Okay Bye guys.Bye Kenny!"Sambit ni Drake tsaka pinanggigilan ng yakap si Ken.

"Hhhmmm! Kuya! Tama na!"Sabat Ni Ken kaya napabitaw si Drake tsaka pumasok na sa kotse niya.Nang makaalis na si Drake ay saktong dumating ang ilang mga Mistress.

"Magandang umaga po Master Ken.Mistress Samantha,gusto niyo po bang sumali saming Maglaro ng volleyball?"

"Sige! Sure...Oh kayong dalawa,maiwan ko na muna kayo ha.Magkita nalang tayo mamaya...Lets go."Sambit ni Samantha at umalis na kasama Ang mga gangmates niya.

"So..."Hindi na natapos ni Jonas ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Ken

"Pano Jonas? Ichecheck ko nalang muna si Yohan sa infirmary pati na din si Emily Salazar.Maiwan na muna kita..."Wika ni Ken atsaka tinalikuran si Jonas pero hindi pa man nakakaalis si Ken ay hinawakan na siya ni Jonas sa Kamay na talagang ikinagulat ni Ken.

"What the hell! Bitawan mo ko Jonas! Ano ba!"Pagpupumiglas Ni Ken

"Samahan na kita,baka kung ano pang gawin ni Yohan sayo eh,mawala ka pa sakin."Nang papatapos na si Jonas magsalita ay sinandya niyang babaan ang boses para hindi marinig ni Ken ang gusto niyang sabihin.

"Anong sinabi mo?!"Singhal ni Ken sa kanya

"Wala! Tara na!"Pasigaw na sagot ni Jonas kay Ken tsaka Kinaladkad siya papunta sa infirmary....> > > MeanWhile < < <

Kagigising lang ni Nicholas at pababa na siya ng hagdan nang maamoy ang napakabangong amoy ng nilulutong adobo ni Hillary.Kaagad siyang pumunta sa kusina at doon ay naabutan niya ang mga maids na tinutulungang magluto si Hillary.Merong tagadikdik ng bawang merong tagaprepara ng mga sangkap galing sa Ref at meron ding tagacheck ng mga sangkap samantalang si Hillary naman ang tagaluluto.

"Magandang umaga po sa inyo."Magalang na bati sa kanila ni Nicholas

"Magandang umaga din Ejo.Naligo ka na ba? On the way na ang mga kapatid mo eh.Isa pa dadating na mamaya ang Physician na kukuha ng DNA sample sa inyo ni Dennis.Ayoko namang humarap ka sa kanila na ganyan ang ayos mo.Nagpabili na ko Kina Luisa ng maisusuot mo,maligo ka nalang muna pagbaba mo siguradong nandito na sila."Nakangiting wika ng magandang babae na nagluluto.Umakyat na ko tsaka naligo.Sinigurado kong malinis na malinis talaga ako bago nagdamit ng malinis tsaka bumaba.

"Oh! Ang bilis mo naman! Hindi pa dumadating sina Luisa tapos ka na."Gulat na sabi niya habang tinutulungan ang mga maids na maghiwa ng bawang.Ang dami namang Bawang niyang adobo nila! Panlaban lang sa asawang.

"Uhm,mabilis po talaga akong maligo."Sagot ko tsaka lumapit sa kanila.

"Wag ka nalang tumulong dito baka pagpawisan ka lang kakapaligo mo pa naman.Kami nalang dito."Sambit muli ng babae

"Sige po..."

"Mommy...Mula ngayon Mommy na ang itatawag mo sakin.Sigurado naman kami ni Dennis na Positive yung magiging resulta ng DNA test eh"Malumanay niyang sambit.Totoo ngang mabait siya.

"So ma'am ibig sabihin totoo na may iba pang anak si Sir Dennis?"Tanong ng isang maid

"Oo,pero i need you all to shut those big holes at the bottom of your faces! May lumabas lang talagang tsismis tungkol dito balutin niyo na ang mga dapat niyong balutin dahil hindi na kayo welcome dito! Ayoko na maging center of attention ang pamilya ko dahil lang sa mga lumalabas na balita ha!"Striktong sambit niya

"Opo ma'am."Nakayuko nilang sagot lahat

"Pano po kung Negative yung resulta?"Tanong ko bigla,wala lang natanong ko lang.

"Kung magNegative man,hindi ka naman namin pababayaan.Bibigyan ka namin ng trabaho,nakapagtapos ka naman ng Education course mo diba? Pwede ka naman naming ipasok sa Private school na pinagaralan dati ni Drake."Mabait niyang sambit

Sana talaga magpositive yung resulta.Pagnagkataon nakakahiya!!! Basta nalang akong pumasok sa buhay ng ibang tao at nagassume na anak niya ko!


ABANGAN....

The Forbidden School : Grim ReapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon