CHAPTER 28: RESURRECTION

178 15 5
                                    


CHAPTER 28 : RESURRECTION




Third person's POV




Its almost 6 am pero abala si Ken sa pagturo kay Jonas kung paano isummon ang katana nito sa mas mabilis at madaling paraan.



Sa loob ng ilang oras na pagtuturo nito kay Jonas ay kaya na niyang,magipon ng tubig mula hangin sa paligid na nagdadala ng tubig mula sa singaw ng lupa.



"Im empressed! You are such a fast learner Jonas.Ilang oras palang kitang tinuturuan,magaling ka na kaagad! Pinapahanga mo ko."Nakangiting puri ni Ken kay Jonas na kasalukuyang pinaglalaruan katana sa kamay.



"Anong magagawa ko? Inspired eh."Tumigil si Jonas sa paglalaro ng espada nito at nakangiting tumingin kay Ken na naging dahilan ng pagkapawi ng ngiti ni Ken.Iniwas nito ang tingin kay Jonas at nang tumingin siya sa gawing silangan ay napapikit siya nang makita nito ang nakakasilaw na sikat ng haring araw na dumudungaw mula sa malayong damuhan.



"May araw na.Gigisingin ko lang yung dalawa,dito ka lang."Utos ni Ken kay Jonas na ikinatango nito.Naglaho si Ken at duneretso kaagad ito sa driver's seat.Nang tuningin siya sa likod ay nakita niyang naghihihilik pa ang dalawa.Napairap siya sa sa nakita at kaagad na nahagip ng mata niya ang manubela.Buong lakas niyang pinindot yung busina na naging dahilan ng pagkataranta ng dalawa pero nang mapatingin sila kay Ken ay kaagad silang nagpahid ng mga pisnge.




"The sun is up.We need to go,hinihintay pa tayo dun sa resort."Usal ni Ken at bumaba na ng kotse tsaka dumeretso sa loob ng sementeryo samantalang nakasunod naman sa likod niya yung dalawa.Nang nasa lugar na sila na walang tao ay naglaho na sila papunta sa kinaroroonan ni Jonas.Wala na sa kamay ni Jonas ang laruan nitong espada.




Pagdating sila ay naglakad kaagad si Ken papunta sa kanlurang bahagi para hindi nito maharangan ang sikat ng araw sa dalawang lalabas mula sa ilalim ng lupa.




"Gerard,gawin mo na."Utos ni Ken.Ginamit ni Gerard ang malaEarth-bending ability niya para matanggal ang nakatakip na mga lupa sa kabaong.



"Yung seal po master."Wika ni Joana




"I know..."Sarkastikong tugon ni Ken.Nagkatinginan sina Gerard at Joana.Sumenyas si Gerard ng '' gamit ang kamay nito na 'Zip your mouth' napayuko nalang si Joana samantalang si Jonas naman ay takang-taka sa pinaguusapan ng mga ito.Akmang susuntukin na ni Ken ang seal nang mapatigil ito sa naisip.




"Jonas halika dito..."Pagtawag ni Ken kay Jonas at lumapit naman kaagad ito.

The Forbidden School : Grim ReapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon