Chapter 1: Ampalaya!

126 2 0
                                    

        And they lived happily ever af~~~


"RYCA TEDFORD"!


"RYCA"!


"MS. TEDFORDDDDDDD"!!


"Ay Kabayong kalbo"! - bwisit, sino ba yun? Kitang natutulog ang tao. Walangya yu~


"Ms. Tedford, Are you listening"? - Oohooh! Galit na naman siya!


"P-po?" - utal kong sagot habang umaayos ng upo.


"I SAID WHY ARE YOU SLEEPING IN MY CLASS"!? - sigaw niya pabalik.


"Sorry Sir Dimaano, di na po mauuli~"


"TALAGANG DI NA MAUULIT DAHIL ONCE NA ULITIN MO PA YAN IPAPATAWAG KO NA ANG PARENTS MO" - Sigaw niya ulit.


"Sorry Sir" - sagot ko naman. Di obvious na mahilig siyang manigaw no! Pabombahan ko kaya bahay nito mamaya. Ay hindi, papasunog ko nalang. Pwede ring ipadakip ko tapos hingan ko ng ransom na 1 million, hwag kawawa naman kalahating milyon nalang. Ay Oo, ipapadala ko siya sa Maguindanao, bagay ang shotgun niyang bunganga don, malay mo matigil ang digmaan dahil sa kanya. Tapos~

Natigil ang imahinasyon ko kung paano ko papatayin si Sir ng~


"And they lived happily ever after"! - sigaw  niya..


"Oh, tapos na pala siyang magkwento?"- bulong ko kay Ella, seatmate ko

slash bestfriend.


"Di kananaman nakinig no"? - tanong ni Ella.


"Magtatanong ba ako kung nakinig ako"? - tanong ko pabalik sa kanya.


Inirapan niya lang ako bilang sagot. Pikon talaga ng babaeng to!


BTW, I'm Ryca Tedford. 16 years of age. I'm in Grade 10 at Skyhigh Academy. (K-12 na po tayo). Itong masungit ko'ng katabi ay si Ella Cenas. Magkaibigan kami niyan since fetus palang kami. MagkaBusiness partner kasi ang parents namin.


"Uy best, tara"!


"H-ha"? - wala sa sarili kong tanong.


"Kain na tayo. Break time na ohh!" - sagot naman ni Ella na nakapameywang

pa.


"Ayyy, S-sige" - Sagot ko naman sa babaeng to.




At Canteen:


"Anyare sayo kanina? Natulog kananaman?"- tanong sa akin ni Ella habang ngumunguya.


"Eeh ang boring e"- walang gana kong sagot.


"Ang sabihin mo, umandar nanaman yang pagka BITTER mo"


"Hindi kaya. Sino bang nagsabi na Bitter ako?"- sagot ko naman.


"Hindi daw pero natulog kasi 'Romantic Love Story' ang kinuwento ni Sir

Dimaano kanina"


Bwisit tong babaeng to. Eh, totoo naman ee, ang boring ng kinukwento ni Sir kanina. Mag kwento daw ba ng nakakadiring kwento. Leche! Di ako bitter ha. Hindi!


"Eh ano ngayon? Kumain ka na nga lang!"- depensa ko naman.

Punyemas, di ko na alam ang isasagot ko dito sa bruhang ito. Katulad nga ng panaginip ko kanina WALANG 'Happily ever after baka 'Once upon a time' meron pa. Psh!


"BEST, HOY BEST!!"


"Sige, ulitin mo pa yang salitang Hoy"! - sambit ko sa kanya.


"HOY"! - aba't inulit nga.


"Ano? Uso ang sigawan? Ha? Ha?"- pambihira tong babaeng to. Manigaw daw ba?

"Eh, tulala ka dyan eh! Ang sabi ko half day lang daw tayo ngayon. May

importanteng meeting daw ang mga teachers"


"Ah, ganun ba? Tara sa bahay. Tambay tayo don".- yaya  ko sa kanya at umalis na.



Read. Comments. Votes~

  Lor_ren03







When MS.Bitter meets MR.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon