Chapter 2: Know her Reason..

94 2 0
                                    

Ryca POV


"Wag yan, ako ang masusunod!"


"Yan nalang kasi pluuueassse! Nakakatakot kaya ang Horror Movies"- pagmamaktol ni Ella sa akin; paawa effect pa ang bruha!


"Kaya nga 'Horror' kasi nakakatakot, alangan namang comedy? AHHHHH! Basta di tayo manonoodng Love Story"! - sabi ko naman sa kanya.


Kasalukuyan kaming nag dedebate kung ano ang papanoorin namin. Mag momovie marathon kami eh. Eto kasing si Ella gustong manuod ng You're My Boss, eh sa ayaw ko ee. Mas gusto ko yung Insidious para exciting.


"Umaandar na naman 'tong bitter na to!" - bulong niya pero narinig ko parin.


"Hoy babaita, hindi ako bitter no."- depensa ko naman.


"Sige kung di ka bitter, manonood tayo ng You're my Boss, Whooh, ang ganda-ganda ng Teaser eh"- challenge niya sa akin.


"Yun ang gusto mo, Sige ba"- sabi ko naman sa kanya.



Patay! Napasubo ata ako sa babaeng to! Sana hindi ako sumuka mamaya sa mga sasabihin nilang malalaswang salita, tulad ng 'I love you'. Grrrr, allergy ako diyan.

AHA! Alam ko na ang gagawin ko. Mag i- ipoD nalang ako habang manonood ng movie.



"Ayan na, Yipeeeeee"- sigaw ni Ella, halatang di siya excited no.


Nasa kalagitnaan kami ng panonod ng may narinig akong hikbi.



"Yan na nga bang sinasabi ko ee, iiyak-iyak ka"- sabi ko sabay hawak ng remote.


"Papatayin ko na nga~"


"KJ! , Huwag mo nga akong pakialaman kong umiiyak ako dito. Edi umiyak ka din. Nakakatouch kaya"- putol niya sa'kin.



Hindi nalang ako sumagot para wala ng gulo. Ibinaling ko nalang ulit ang mata ko sa IpoD ko.



'Ang totoong nagmamahal, naghihintay'- yan yung narinig ko'ng sabi ni Coco sa palabas.



Hindi nga ako nanonood pero nakikinig naman ako kahit papaano no.



"Tama! Tama!" - pagsang-ayon naman ni Ella sa sinabi ni Coco.



Naghihintay? Hindi niya nga hinintay na umabot kami ng Isang taon. Psh! - mga katagang naiisip ko ngayon.

When MS.Bitter meets MR.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon