Chapter 1

31 3 0
                                    

Naalala ko pa noon nung tatlong taong gulang pa lamang ako ng iwan kami ni mama para mag trabaho siya sa Hong Kong at para may pang gastuhin kami sa araw-araw. Si papa naman ang nag aalaga saaming tatlong magkakapatid. Pag sapit naman ng gabi ay binibilin kami ni papa sa kapatid nya para bantayan dahil siya ay may trabaho sa gabi. Halos si papa narin ang naging ilaw at haligi ng aming tahanan ng mga panahong iyon dahil si mama ay magtatrabaho ng dalawang taon sa ibang bansa. Walang araw na hindi kami pinapasyal ni papa at sinasama sa mga lakad niya. Naging malapit ako kay papa dahil mabait siya at hindi nananakit dahil bago maging sila ni mama ay naging pari muna si papa kaya ganun na lang siya kung ituring kaming magkakapatid. Naalala ko pa nga na ako ang paborito ni papa at laging katabi sa pag tulog. Sobrang close talaga kami ni papa parehas din kasi kaming mahilig kumanta that time. Lagi kasi nila akong nakikitaan na nilalaro ang Microphone. Ako daw yung batang cute, makulit at mabait nung bata pa ako.

(After 1year)

After 1 year ng umalis si mama para mag trabaho sa Hong Kong ay halos madami ng nagbago. Marami rin natatanggap na balita si mama tungkol sa aking kuya at papa. Sa uuna hindi ito pinaniniwalaan ni mama. Ngunit ng halos sunod-sunod na ang mga natatanggap na sumbong ni mama ay nag pasya siya na kausapin si papa at kumprontahin kung ito ay totoo. Kaya isang araw ay tumawag si mama sa amin ngunit si ate ang nakasagot sa tawag dahil si papa ay wala sa bahay. Galit na galit itong kinausap si ate. That time di ko pa alam ang mga nangyayari saaking paligid at ang tanging naaalala ko lang ay pag tuwing tumawag si mama ay inaagawan ko ng telepono si ate at sisigaw ng "MA-MA, Imishyou". Kapag naririnig ni mama yan ay kumakalma siya at parang bumabalik ang kanyang masayang mood. Madalas ding tumawag si mama na wala si papa kaya ito ay nag dududa kung bakit pag siya ay tumatawag ay wala si papa at nasaan ito. Napapadalawang isip rin siya na baka totoo ang mga sumbong sa kanya tungkol kay papa.

"DROGA" ou gumagamit si papa ng ipanagbabawal na droga that time at halos itinatago nya sa kanyang pamilya ito. kaya pala ganun nalang kapayat si papa at may mga times na wala sa bahay. Meron din mga times na uuwi si papa ng lasing at minsan pa'y mainit ang ulo. Pero kahit gumagamit si papa ng ipinagbabawal na gamot ay di siya nakalimot sa responsibilidad niy saamin. Ou nakalimutan nya na may asawa siya pero saaming magkakapatid never siyang nakalimot. And everytime na kakarating nya lang yakap at halik na agad ang salubong samin ni papa. Ganyan kami kamahal ni papa. Na kahit sobrang miss niya si mama gumagawa na lang siya ng paraan parra hindi nya ma'miss si papa.

"CUTTING CLASSES" yan ang napapabalita kay mama na laging nag ca'cutting classes lang si kuya at dumidiretcho lamang ito sa Computer Shop para mag laro ng mga computer games. Halos isang taon din ito ginawa ni kuya at kahit sino sa amin ay walang nakakaalam. May mga times na pinapadalhan din siya ni mama pang bili nng gamit para sa school nya at kung ano pang mga kailangan bayaran ngunit sa kasamaang palad muli itong ginagastos ni kuya para sa computer games. Halos maadik na si kuya sa computer games.


Kaya ng malaman ni mama ang mga pinag gagawa nila papa at kuya habang siya ay nagtatrabaho plinano niyang hindi ipaalam samin ang kanyang pag uwi. Siya ay hindi umuwi saamin sa halip sa Manila siya umuwi, sa kanyang mga kamag anak. Nung mga panahon ding iyon ay halos di namin alamni ate ang mga nangyayari at lagi naming naabangan ang pag uwi ni mama mula sa Hong Kong dahil excited na kami sa aming mga pasalubong. Pero nung panahong iyon din ay nalaman ni papa sa kamag anak ni mama na naka uwi na ito at siya ay nasa Manila. Kaya agad na kumuha si papa ng ticket para sa aming apat para sundan si mama sa Manila. Gulat at pagtataka naming magkakapatid kung bakit kami pinag iimpake ni papa at bakit namin iiwan ang aming sariling bahay dito sa Butuan City sa Mindanao. Pero wala kaming nagawa utos ni papa eh kaya sumunod nalang kami. Ang tanging sinabi lang nya saamin ay may pupuntahan kami at wag na kaming maraming tanong. Wala kaming ka alam-alam sa mga panahong iyan ay unti-unti na palang nasisira ang aming pamilya. Ngunit sa aming pag sunod sa Manila ay saya ang aming naramdaman ni ate ng makita namin si mama. Mahigpit naming niyakap si mama at siya namang mahigpit din kaming niyakap ni mama at maluha-luha pa ito. Pero, napansin naming hindi pinapansin ni mama si papa at kuya kaya agad akong lumapit kay mama at tinanong "Ma, may problema po ba? Bakit andito ka po diba po nasa Hong Kong ka?" at sinabayan pa ng tanong ni ate "Ma, bakit di po kayo nag papansinan ni papa at kuya?". "Pa, Kuya di ba kayo natuwa? Andito na si mama oh. May problema po ba na hindi ko alam? Mag salitan naman po kayo oh" maluha-luhang sinabe ni ate. Pero tumungo lang si mama at umiiyak. Ngunit sila papa at kuya ay di rin nakasagot pero nakakapag takang umiiyak rin sila.

Im Still HopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon