CHAPTER 2: QUATRO

25 1 0
                                    

(A/N): Hi guys! Sad to say pero nabura yung dapat na pang update this chapter. Nakakalungkot man pero ang hirap pala talaga maging author. HUHUHU! Pero still im very thank you kasi nandyan parin kayo para sakin at handang sumubaybay kahit iilan lang kayo. Mapag iisipan ko pa ang mga plot at rhythm ng story. Ang susunod na istorya ay tungkol sa mga ginagawa ng isang high school student alam ko naman iyon at alam kong makakarelate talaga ang marami sa inyo. Thank you! And sana magustuhan nyo ang susunod na storya.

BABALA: Ang mga susunod na pangyayari ay may maseselang eksena na hindi nauukol sa mga kabataan.

CHAPTER 2: QUATRO

(Venus's POV)

Its been a week ng pagiging fourth year student ko. At hindi parin kami nag uusap ni JP. Hindi ko alam? Kung bakit ayoko siyang kausapin. Di ko rin alam kung bakit naa-awkward parin ako sa kanya. At dahil matagal tagal narin ang pasukan ay nakakaclose ko na ang mga kaklase ko. Nagkaroon pa nga kami ng group na QUATRO ewan? Kung bakit ako napasali nakakadiri nga ang pangalan "QUATRO" gangster na gangster ang dating. Nakakainis! Pero para narin siguro mapalapit ako kay John Paul. At para narin mabantayan ko ang mga galaw niya. Nagpunta kami ngayon dito sa St. Claire court galing sa Stylinson University para pagusapan ang gaganapin sa kaarawan ng aming kaklase....

"Oh! Sa isang linggo na yung birthday ni Roselyn. Anung ganap natin?" Tanong ni John Paul sa iba naming kagrupo. Siguro siya yung nangunguna. Tsk! May pagka gangster talaga to.

"Edi shot nayan!" Sigaw ni John Michael. Isa sa mga nakaclose ko sa mga kaklase ko. Alam nya yung about samin ni JP since alam ko na mapagkakatiwalaan naman pala siya.

"TARA SHOT!" Sigaw naman ni Rambu. Hindi ko masyadong ka close pero nagkakausap din naman kami.

"Shot kayo ng shot! Hindi niyo pa tinatanong sa may birthday!" Sigaw naman ni Yumie na isa sa mga babae ng Quatro. Bali apat lang kaming babae sa grupo. Yung iba naman na sumasama mga girlfriend ng mga kagrupo namin.

"Ano Roselyn? Payag kabang shot nalang?" Tanong ni JP kay Roselyn

"Oo basta walang hussle sa pag aambagan!" Anak ng tokneneng naman to! Magbibirthday kailangan pa mag ambag.

"Oo basta may lugar kung saan gaganapin." Sagot ni JP

"Sa bahay sa third floor malawak don" Huling narinig ko sa usapan nila dahil umalis na agad ako dahil naiirita na ako sa usapan na iyon.

Habang palayo ako sa kanila ay pumunta ako sa may swing na may malapit at doon umupo. Nag-iisip, nagda-daydream. Sabay may biglang lumapit at tumabi sa akin.

"Bakit umalis kana? Hindi pa tapos ang meeting ah?" Ah? Si Charlene pala. Ka seatmate ko at talagang naging close ko kaagad. Mabait siya at maganda.

"Nauurat na ako sa usapan nila eh! Inuman nanaman? Nag pa meeting pa sila kung diyan din naman babagsak yang paguusap na yan!" Inis kong sagot kay Charlene paano ba naman kasi halos lahat ng event inuman kaagad. Edi sana hindi nalang nag aksaya ng oras para dito.

"Bakit hindi kaba umiinom?" Nakangiting tanong ni Charlene sa akin.

"Umiinom pero limitado. Ayoko na kasi yung nangyari sakin nung nakaraang taon."

(FLASHBACK)

Summer Vacation nang yayain ko ang mga tropa ko na sina Patrick at Jericho. At dahil basagulera pa ako ng mga panahong iyon ay ako ang nagyaya sa kanila na uminom. Syempre mga lalaki sila pano sila makakatanggi sa akin eh ako na ang nagyaya. One of the boys kasi ako. Kaya pumayag na sila. Hanggang sa nagpunta kami sa bahay ng bestfriend kong si Yasmin. Doon namin ginawa ang paginom. Nakakadalawa palang kaming bote pero nahihilo na ako. Watdapak? Ngayon lang ako nalasing ah? Paano ba naman apat lang kaming umiinom sa isang litro. Sa sobrang hilo ko ay nasusuka na ako. At sila ay tumatawa. Naririnig ko nalang silang nag-uusap.

I'm inlove with my ex's bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon