CHAPTER 4: STALKER

3 0 0
                                    

CHAPTER 4: STALKER

(Venus's POV)

Simula noong nabasa ko ang messege na yun galing sa taong pinaka iniiwas-iwasan ko, ay bigla nalang namulat ang mata ko hanggang kinaumagahan.

Hindi ko lubos maisip kung bakit nanaman ako nahihirapang mag-isip, samantalang dati ipinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya babalikan at wala na akong iba pang gugustuhin kundi ang makapagtapos..

Pero parang nagkakamali ata ako,

Na sa tuwing naaalala ko ang mga bagay na pinagsamahan namin simula sa pagkakamabutihan hanggang sa pag-iibigan namin....

Yung puso kong matigas ay nagiging malambot parin sa sobrang pagmamahal ko para sa kanya.

Kaya ngayong papasok na ako sa eskwelahan hindi ko alam kung makikinig ba ako o matutulog. Panigurado naman na hindi ako makikinig at makakatulog kasi iniisip ko parin yung pangyayari kagabi. Haist! Paki brain wash nga ako. Juscolored!

Habang nagmumuni muni nanaman ako papuntang Stylinson University ay may katabi na pala ako ng hindi ko namamalayan...

Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay todo ang ngiti na parang bang may gusto siyang hingin sayong malaking pabor.

Tumigil ako at nagsalita...

"Teka? Why are you following me? Are we close?" Nakangiti parin siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Hey! Im asking you! Why are you following me?" Sumimangot siya pero isang mas malaking ngiti ang binigay niya saking sagot.

"Excuse me?" Naiirita na kasi ako. Ngumingiti tong baliw na to sa harap ko ng hindi ko alam ang dahilan.

Nagtitigan portion kami hanggang sa pinutol ko ang kung anumang namamagitan sa pagtitig namin. Naiirita na talaga ako.

Inirapan ko siya at nagsimula nalang maglakad. Wala akong mapapala kung makikipagtitigan lang ako sa kanya the whole day.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla siyang nagsalita sa likuran ko..

"Seenlord!" Tapos nauna na siyang naglakad papuntang classroom namin.

May sayad ba siya?

Pinagkibit balikat ko nalang at nagsimula nalang ulit ako maglakad papuntang classroom.

****

"Okay Class, at dahil malapit na ang first quarter exam nyo ay bibiyan ko kayo ng konting reviewer sa subject ko." Sabay may kinuha siya sa bag niya at may binigkas.

Habang nagbabasa si Sir Antonio ay bigla siyang napatigil at tinitigan niya kaming lahat....

"Hoy mga ungas! Wag niyo akong sisihin kung bumagsak kayo ah! Hindi nyo sinusulat yung reviewer nyo manigas kayo! Hindi ako makikiusap sa mga subject teacher nyo!" Maarteng sabi ni sir. Grabe ang kalog ng adviser namin. Kaya favorite teacher ko siya e.

Habang nagtatawanan ang buong klase ay umiikot parin ang isip ko kakaisip kung anong gagawin ko sa aming dalawa ni John Paul.

"Ibang iba ka talaga sa ate mo!" Patapik sakin ni Sir.

"Hala sir, bakit naman?"

"Ang ate mo kasi napakabungangera, ikaw napakatahimik." Kung alam mo lang sir mas maingay pa ako sa ate ko.

"Hindi sir ah? Hahaha." Ang kulit talaga nito ni Sir, dati kasi naging estudyante din niya yung ate ko.

"Saka mas mabait pa." Nako. Kotang kota na ako kay sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with my ex's bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon