April 18, 2015
Hello students! :)
It's April 18, 2015. It's been 1 year since I created ChinguRA. Happy Anniversary, guys! Lalong lalo na sa mga former ChinguRA Roleplayers. Na-mi-miss ko na iyong dati. Yes, nagsara ang ChinguRA dahil naging inactive ang mga roleplayers. Pero before maging inactive ang karamihan sa inyo, nag-enjoy tayong lahat. Araw-araw nagdadaldalan tayo. Puro lang tayo kalokohan. Naaalala niyo pa ba iyong mga nakalagay sa Confessions? E iyong mga nagkaroon ng awards noong Revelation Night? Masaya 'di ba?
Mga bampira nga tayo noon e. Madaling araw na pero online pa din ang karamihan sa atin. Nandiyan din ang truth or dare niyo. :) Nakaka-miss lang talaga. Ang saya-saya ng ChinguRA. Marami akong na-experience sa ChinguRA. Happy memories. :)
Ngayon nandito na ang Roleplay High. Pero hindi siya kasing active ng ChinguRA. Actually, nagiging inactive na siya. I feel so useless. Hindi ako naging active na head. P*tang In*ang Internet kasi iyan e. Hindi ko kayo nabantayan ng maayos. Hindi ako masyadong nakihalubilo sa inyo. Para sa mga hindi former chingura roleplayers, oo madaming rp academies na nagiging inactive din kapag nagtagal. Pero ang ChinguRA? Naging SOBRANG saya namin bago kami naging inactive. :) Ayun ang maipagmamalaki ko sa ChinguRA. Sobrang daming memories. Naaalala ko pa nga nung nag-alay ako ng itlog sa St. Claire e. hahaha. Pagkauwi ko? Boom! Unti-unting rumarami ang students. Tapos nung nagpanggap ako na student. Naging si Luhan pa ako. Laftrip talaga. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan e iyong may nag-confess sa akin na girl doon sa Luhan account ko. (Hi bree! I mish you! xd).
Ah basta. Hindi ko mai-explain. Ang saya-saya talaga sa ChinguRA. Nakakalungkot nga lang kasi hindi sila magkasing-active ng Roleplay High. Well, it's my fault din naman. Hindi ako naging active na head. :)
Former ChinguRA Roleplayers, 'wag niyong kakalimutan ang ChinguRA, okie? Salamat sa inyo dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magkakaroon ng buhay ang ChinguRA noon. Lalong lalo na kay kambal. Ikaw ang tumulong sa akin noong mga panahon na napanghihinaan ako ng loob dahil naging inactive noon ang ChinguRA. Thank you so much~! ^o^
Again, Happy 1st Anniversary!
Love,
HeadOfficial
