Chapter Two

509 36 9
                                    

Justin's POV

Nagising ako na maayos naman ang pakiramdam ko.Nagasikaso ako bago lumabas ng kwarto

"JC"tawag ko sa kanya ng nasa harap na ko ng kwarto niya

"Kasama na ni Ken sa kusina"napalingon ako ng magsalita si Ken

Tumango ako saka sumunod sa kanya

"Goodmorning baby"humalik ako sa pisngi niya

"Goodmorning Da"ngumiti siya saka pinagpatuloy ang pagkain

Umupo ako sa tabi niya saka nagsimulang kumain

"Sure ka ba sa desisyon mo Jah?"tanong ni Stell

"Hmm Yah as of now naman wala pa ko nararamdaman kaya feeling ko mamaya pa to"ngumiti ako saka nagsimulang kumain

Nang matapos kami bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng patches sa mini fridge ko saka nilagay sa tumbler ko.Lumabas narin ako pagtapos dahil ihahatid ko pa si JC sa school.

"Let's go baby"aya ko saka hinawakan ang kamay niya

"Bye tito Ken and Tito Stell"paalam niya

"See you sa office"sabi ko saka tuluyan kaming lumabas ng bahay

Sinakay ko si JC sa backseat at nilagay don ang gamit niya

"JC behave ha,Tito Ken will fetch you later"paalala ko habang nasa byahe kami

"Yes po Da"ngumiti siya

Nagmaneho ako hanggang sa makarating ako sa school ni JC

"Anak please behave ha"hinalikan ko ang noo niya saka binigay ang bag niya

"Opo Da,ingat po kayo"hinalikan niya ang pisngi ko saka tuluyang umalis

Nagsimula na akong magmaneho papunta sa opisina.Pinapakiramdaman ko din ang sarili ko dahil baka mamaya bigla bigla nalang ako atakihin ng heat ko sa daan.

Malumanay akong nakarating ng opisina.

"Good morning Sir Justin"bati sakin ng mga empleyado ko

Ngumiti ako saka dumiretso sa opisina ko, naabutan ko don si Stell na nakaupo.

"Good morning again"bati ko saka umupo

"Anytime now darating na sila Mr.Santos"balita niya

"Lets get ready"Sabi ko saka kinuha ang mga gamit ko at naglakad papuntang conference room.

Nilapag ko ang mga gamit ko saka chineck kung okey ba lahat ng kailangan namin para mamaya.

"Babalik ako at exactly 10am,ayusin niyo na lahat ng dapat ayusin"sabi ko saka tuluyang lumabas ng conference room

Habang naglalakad ako papunta kung saan ng may maamoy akong familiar.

Shit bakit sobrang familiar ng amoy

Winalang bahala ko ito saka pinagpatuloy ang paglakad.Mayamaya ay nakaramdam ako ng kakaiba.Napagpasyahan kong bumalik ng opisina ko para makuha ang patches ko pero nasa elevator palang ako ay ramdam ko na ang pagiinit ng katawan ko.

"Shit"mahinang mura ko dahil unti unti na akong nanghihina

Napapikit ako saka sumandal sa gilid ng elevator.Kinukuha ko ang cellphone ko pero nanlalambot ako.

"Stell"bulong ko sa hangin

Mayamaya pa ay naramdaman ko nalang na umangat ako.

Shit naalala ko nanaman yung nangyari seven years ago

Sweet ShitWhere stories live. Discover now