Kiel
huy ano nang plano mo??
wala ka talagang balak pansinin yon???
kawawa yung tao
Ashaia
kieell huhu sorry kung naiipit ka
kasi hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung mga sinabi ni kio
tapos timing pa na nalaman ni papa na hindi pala ikaw kasama ko sa sipalay kundi sila hicco
higpit kasi siya pagdating sa boyfriend diba huhu
sobrang napagalitan ako. grounded ako ngayon
kailangan kong sumunod or else pati phone ko kukunin
gusto kong idefend sana si hicco kay papa
pero kasi
wala naman siya dito para suportahan ako
hirap talaga ng ldr
Kiel
so naisipang mong i-ghost na lang yung tao??
Ashaia
hindi naman sa ganon
Kiel
well sa ginagawa mo ngayon, yun yung lumalabas eh!!
Ashaia
huhu hindi ko alam
napepressure din kasi ako sa immersion namin kasi patapos na, ayun sobrang higpit samin
naghahalo-halo lahat
hindi ko na alam ano uunahin
Kiel
hay
naiintindihan naman kita
valid naman yang mga nararamdaman mo
pero yung actions mo
may better way pa para gawin yan
especially kay hicco
u don't have to hurt him
Ashaia
uu
naghahanap lang talaga ako ng lakas ng loob
Kiel
sige
hindi naman sa minamadali kita
pero sana as soon as possible
kasi lalo ka lang mahihirapan pag pinatagal mo pa yan