Nakaupo kami ngayong dalawa ni Hicco sa isang bench sa labas ng MoA. Katatapos lang namin umattend ng concert.
Oo, kasalukuyang nasa Manila ako ngayon at first time kong makapunta rito. Sinagot ni Hicco lahat ng expenses ko mula sa plane fare pati hotel na pag-iistayan ko rito.
Para siyang sugar dad! Kainis.
Hindi ko alam pa'no nangyari 'to pero no'ng last na uwi niya sa Bacolod, nagulat na lang ako na bigla siyang bumisita sa bahay! At sobrang warm ng welcome sa kanya ni Papa!
Gulat na gulat ako siyempre kasi parang kakainin na siya ni Papa nang buhay noong unang beses siyang bumisita eh, noong humingi siya ng permiso sa mga magulang ko na ligawan ako. Oo, balik kami sa square one. Tinupad nga niya ang sinabi niyang liligawan niya muna ako.
Tapos 'di ko na alam sumunod na mga nangyari basta pinaimpake na lang ako ni Papa dahil aalis daw ako kinabukasan no'n at sasama kay Hicco papuntang Manila.
Nagmukha akong binenta ng sarili kong ama!
Tapos si Hicco nakakainis din kasi kahit anong pangungulit ko, ayaw sabihin sa'kin kung bakit sasama ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit at pa'no niya napapayag si Papa!
Hanggang sa ayon nga, nalaman ko na lang na aattend pala kami ng concert ng Rex Orang County.
"Did you enjoy the concert?"
Tanong tanong pa siya riyan! Eh halos maiyak nga ako kanina sa tuwa! Pa'no kasi hindi talaga niya sinabi sa'kin ang plano niyang 'to kahit dalawang araw na kami rito sa Manila! Basta pinabihis niya na lang ako kanina ng damit na binili niya rin mismo.
Mabuti na lang talaga reading break namin ngayon sa UPV. At sa tingin ko ay talagang pinlano niya 'to dahil hiningi niya yung sched ko noong nakaraan.
"Nakakainis ka! Sana nagbigay ka man lang kahit clue para naprepare ko sarili ko!" Ikaw kaya maka-attend sa concert ng fave artist mo? Tagal tagal kong pinangarap 'to tapos nagulat na lang ako ma-eexperience ko na pala in an instant.
"I wanted to see your raw reaction," he chuckled. Binigyan niya ako ng isang bote ng tubig at kinuha ko naman 'yon at ininom. Nakakauhaw sumabay sa mga kanta kanina.
"Pa'no mo nalaman na fan na fan ako ng Rex Orange?" Konti na lang talaga iisipin ko nang pina-iimbestigahan ako ng taong 'to dahil alam niya talaga halos lahat sa'kin.
"You don't remember?" takang tanong niya na inilingan ko naman. "You mentioned it once, nag-vivideo call tayo tapos Sunflower ang music mo sa background. And then you were daydreaming out loud and said 'Hay, to be able to attend your concert bibi'"
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. But I gave him a very warm smile. Sinama pa talaga niya yung bibi na part! I just. . . appreciate him so much. Isang taon siyang nanliligaw sa'kin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay sa kung gaano ka perpekto ang lalaking 'to. He always pay attention sa'kin at sa lahat ng sinasabi ko. Even the smallest details, naaalala niya, kahit ako mismo nakakalimutan ko na mga sinabi ko na 'yon.
At oo, balik kami sa square one. Tinupad nga niya ang sinabi niyang liligawan niya muna ako. Isang taon na siyang nanliligaw sa'kin. At hindi ko alam kung ano pang hinihintay ng lalaking 'to at bakit niya pinapatagal! Tatlong beses ko nang sinabi sa kanyang sinasagot ko na siya, kahit hindi pa siya nagtatanong, pero hindi ko alam sa baliw na 'to bakit ayaw niya tanggapin ang sagot ko. Ang sabi niya palagi 'too early' pa raw.
Hibang ba 'to?? Siya lang kilala kong manliligaw na hindi tumatanggap ng 'oo'.
"Hello naman, may ibang tao pa kayong kasama rito." biglang sabi ni Kirsten na nasa likod ni Hicco. Binalingan naman siya nung isa.