Friday. Ito ang araw kung saan nag-paparty party ang mga estudyante kasi last day of the week na !
Ibig sabihin sabado na bukas!!
Oo friday na agad ngayon, di na dumaan ang monday (lelz!~ parang sasakyan lang ah dumadaan) friday na agad.
Eh kasi wala lang hihi gusto ko eh bakit ba.
At wala naman nangyaring maganda kasi first week of classes pa lang naman.
First year college na ko dito sa Stanford University.
Excited na kong umuwi sa amin eh.
Kasi nagbo-board ako dahil malayo yung school ko sa bahay namin.
Dito kami ngayon ng ate ko sa waiting shed sa harap ng school.
Nag-aabang ng sasakyan pa uwi.
Sumabay ako sa kanya para libre pamasahe. Ang talino ko talaga hohoho!~
" Matagal pa ba yung sasakyan ate? "
" Sa pagkakaalam ko Xy, sabay tayong nagpunta dito "
"Hmmp. Sabi ko nga. Pwede naman kasing sabihin na hindi alam -.-"
"May sinasabi ka Xy?" Mataray na tanong ni ate.
"Ha? Wala ate, hehehe"
Malambing kong sagot kay ate, mahirap na. Baka hindi ako librehin eh. 50 pesos din yun no.Habang naghihintay kami ng bus. Panay naman ang tingin ko sa mga estudyante na lumalabas galing school namin.
Sa sobrang titig ko sa kanila ayun natunaw lahat.
Dejk haha. Pero matanong ko lang .
Ba't pagnakikita tayo ng grupo ng mga lalaki eh ang gwapo nilang tingnan no? Yung tipong nagsa-stand out yung beauty nila. Pero pag mag-isa lang. Okay nevermind hihi. Ayoko naman manakit ng damdamin no.
And speaking of grupo ng mga lalaki.
May nakita ako malamang. At isa lang ang nahuli ng maganda kong mata (Lol).
Wala na-attract lang. Di naman siya gwapo. May itsura lang hihi.
(see at multimedia)
Pero anu kaya ang pangalan niya.
Waaah! Papunta siya sakin. Este sa waiting shed pala hahaha assuming ko naman.
Umupo siya sa tabi ko.
Hala! Bat kinakabahan ako? Abnormal yata ako. Kinakabahan ng walang dahilan.
Omo!~ di kaya holdaper to?
Alam niyo yun instinct.
Waaaah! What to do? What to do?
Pero teka nga OA ko naman mag-react wala naman siyang makukuha sakin pagnagkataon. -.-
"Uy Xy, tayo ka na dyan. Ayan na yung bus oh" sabi ni ate sabay turo sa paparating na bus.
"Ay! Holdaper !" Sabi ko sabay takip ng bibig. Nakakahiya. -.-
"Ha ? Holdaper? Asan? Asan?" Natatarantang tanong sakin ng ate ko.
"Ah.. Ano.. Ate walang holdaper. Hehe. Ginulat mo kasi ako"
Sagot ko sa kanya habang nagka-kamot ng ulo."Jusko bata ka. Akala ko naman hinoholdap ka na."
"Hehehe. Peace ate (^^,)V. At pag nagkataon wala rin naman siyang makukuha sakin"
"Pfft. Hahahahaha!"
Kilala niyo ba kung sino yung tumatawa?
Yung lalaking katabi ko na napagkamalan kong holdaper sa isip ko.
Pigilan niyo ko kukutusan ko yo -.-
Pero shet. Nakakahiya. Huehuehue
Pero imbes na ipakita sa kanya na napahiya ako. Ng konti lang naman. Inirapan ko nalang siya para di halata. Hihihi.
Kahit di niya naman nakita -_-
Pero mas lalo yata nadagdagan ang kabog ng dibdib ko dahil sa tawa niya.
Hala. Kailangan ko yata magpa check-up. Baka may sakit na pala ako sa puso. At bigla nalang ako atakihin.
Waaah! Ayoko pa mamatay ng maaga no.
Masabi nga kay Mommy mamaya.
Sasakay na sana ako ng bigla my humawak sa braso ko.
"Miss, panyo mo oh."
Sabi ng lalaking katabi ko kanina."Ah. Salamat po." Sabi ko naman habang nakangiti.
Bakit ganun?
Bat parang nakuryente ako nung hawakan niya ang braso ko.
Di kaya siya ang male version ni Volta?
Joke. Hahaha
Pero bakit kaya?
Baka crush ko na siya.