Kung bakit naman kasi sobrang lapit ng Friday sa Monday.
Ayan tuloy huehuehue
Di ko man lang na-feel na may weekend pa pala =.=
Monday na naman. Parang kahapon friday pa lang tapos ngayon.
Like wtf??!! (where's the food)
Speaking of food. Sa school na ko kakain.
Walang pagkain sa boarding house.
Oo, sa boarding house lang ako nakatira.
Eh kasi, gusto ko lang. Para may thrill. Hihihi
Para may kasama sa kwarto
Ayoko mag-isa no. Kakatakot kaya.Dito na ko ngayon sa School sa cafeteria to be exact. Eh kasi gutom na ko .8 am pa naman ang first subject ko.
Papunta na ko ngayon sa isang table.
Nag-order ako ng fried rice at lumpia.
Habang kumakain. Biglang may tumawag sa maganda kong pangalan.
"Xy!~" beastfriend ko yan
Ay esti bestfriend pala. Si Chelsea Anderson . Ingay no? Di nga halata eh."Bat di mo kami hinintay? Nauna ka talagang kumain ha?" Isa ko pang bestfriend si Nica Jung madaldal din.
Uy di ako madaldal ha, sa inyo lang. Kasi pano niyo naman malalaman ang mangyayari kung di ako magdaldal diba.
"oh bakit? Nasayo ba yung kaldero ng canteen? At isa pa wala sayo yung sikmura ko kaya kakain ako kung kailan ko gusto =_=" Mataray kong sagot sa kanya.
"Hmmp. Sabi ko nga." Wala na speechless na siya. Hahaha
Wala eh tiklop sila sakin =_= di ko alam kung bakit. Di naman ako mataray eh medyo lang tsaka medyo pilosopo lang din hihi.
"Anyway, anu nga pala chika mo?" Tanong naman ni Chelsea.
"Ah. That's all about my crush" sagot ko naman kanya.
Oo admitted na ko na crush ko siya kasi di normal na bigla nalang magpa-palpitate yung heart ko pag may katabing lalaki no. May mga bestfriend din naman akong lalaki pero missing in action pa ang mga yun mamaya niyo na hanapin.
"Akala namin kung ano na. Ano pa bang bago Xy? Palagi naman eh, pang ilang crush mo na ba yan mula last week?" Tanong ni Nica habang naka-taas kilay.
"Ahmm. 4? Sagot ko na patanong kasi di ako sure.
At oo ulit marami akong crush. Di ako malandi no slight lang hihi xD
"See? Wala ng bago dun. Hanggang crush ka lang naman ni hindi ka man lang nagkaka-lovelife." Sabat naman ni Chelsea.
"That's the point Chels. That's the reason why I have a countless crush so that my attention will not be focused to only one person." Sagot ko naman sa kanya "At isa pa, anung masama sa maraming crush girl? Ma-stress ka nalang dyan kung marami akong boyfriend" Dagdag ko pa na naka poker face.
Sorry. Mahilig kasi ako magpoker face. Sanay na rin naman sila.
"Sabagay my point naman siya Chels. Yaan mo na magse-settle down din yan sa iisang crush hahaha" Pagsang-ayon naman Daylan Abigail Ramirez bestfriend ko din yan.
Marami akong bestfriend wag na kayo magtaka kung bakit. Wala pa sa kalahati yung nakikilala niyo.
"Oh Abi nandyan ka pala? Bat di kita napansin?" Tanong ko sa kanya.