Chapter 13
Dion p.o.v.
nanginginig ang katawan ko habang nakaupo sa hospital bed
nasa harapan ko si daddy at mommy na walang emosyon ang mga mukha habang si Alexander at ang mga magulang niya naman ay nasa aking gilid at nakaupo
tahimik ang buong paligid at walang nagtangka na magsalita hanggang sa nagpaalam ang doctor at tuluyang lumabas sa kwarto,sumunod din doon sila Alexander kasama ang mga magulang niya matapos kausapin ang aking mga magulang
hindi ako nakinig sa usapan nila dahil wala akong gana
"tumayo kana diyan,hinihintay kana ng Asawa mo sa labas uuwi na kayo"malamig na sabi ni daddy saakin kaya nanlaki ang mga mata ko at agad na tumingin sa kaniya
agad na nanlamig ang aking katawan at nanlabo ang mga mata ko dahil malapit na naman akong umiyak
"d-dad please--- ayoko na please dad p-palagi niya along sinasaktan--- "tumingin ako kay mommy ng nagmamakaawa"--- mom please i-- I want to file an annulment at him"nagmamakaawang sabi ko at tuluyan ng naiyak pero isang malakas na sampal lang ang tumama sa aking pisngi
dinuro ako ni daddy at mukhang diring diri saakin"Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang to--- hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong ng dinadala mong apelyido sa kompanya natin ngayon at ngayon gusto mong sirain lahat ng paghihirap na ginawa namin ng mommy mo,hindi mo inisip lahat ng hirap na ginawa namin para lang mapa oo ang mga Ledesma sa kasal ninyo ni Alexander--- at ito ito Ang igaganti mo saamin isang Malaking kahihiyan Dion"sigaw niya saakin at mukhang galit na galit na
umiling ako,hindi hindi
palagi nalang ganito,palaging sila ang nasususnod at palaging sila ang nag dedesisyon sa buhay ko pagod na pagod na ako at ayaw Kona ng ganito
huminga ako ng malalim at pilit na kumalma pero ayaw na tumigil ng mata ko sa kaiiyak"ako din naman dad"mahinahon kong ani"hindi niyo din naman inisip ang magiging kapakanan ko,hindi ninyo inisip ang maramdaman ko,wala kayong pakialam saakin dahil puro nalang ang kompanya ang iniisip ninyo"unti unting tumaas ang boses ko at mukhang nagulat sila sa biglaang pagtaas ng boses ko
"Dion watch your mouth"saway saakin ni mommy pero hindi ko siya pinakinggan
"pagod na pagod na ako sa kakaintindi sa inyo,pagod na ako sa trabaho ko pagod na ako sa mga sakit na ibinibigay saakin ni Alexander sa mga pananakit niya saakin--- pero kayo wala kayong pakialam,simula ng Bata ako hindi niyo pinaramdam saakin na Mahal niyo ako hindi niyo pinaramdam saakin na anak niyo ako,kayo lagi ang nagdedesisyon sa buhay ko at kayo lagi ang nasususnod"mas lumakas ang iyak ko at ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng puso ko habang nakatingin sa mga magulang ko
"magulang ko kayo pero ni minsan hindi niyo ako inisip"ayun na Ang huling sinabi ko bago lumabas sa kwarto at agad na tumakbo,wala na akong pakialam kung masakit man Ang ulo ko o kahit na pinagtitinginan ako
paglabas ko sa hospital ay nakita ko duon sila Alexander at ang mga magulang niya at mukhang may pinag-uusapan,dahan dahan akong lumapit sa kanila at pinunasan ang luha kaya napatingin sila saakin
"I want to file an annulment tita"Aniko sa kaniyang Ina,nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko at mukhang gulat na gulat
_____
agad akong nag-impake ng aking gamit pagkarating na pagkarating ko sa bahay,it will take a 3-6 weeks bago ma approve ng Korte ang annulment namin ni Alexander pero ngayon palang ay gusto ko ng umalis
mas kaya ko pang mabuhay ng mag-isa kaysa tumira sa iisang bahay kasama si Alexander
"sure na ba Yan te?"tanong saakin ni Sara ng maiayos ang gamit ko sa likod ng kaniyang kotse, ngumiti ako at tumango bago pumasok sa kaniyang sasakyan
mabuti nalang at nandiyan siya upang tulungan ako,hindi Kona muna tinawagan si Xerxes dahil away kong mag-alala siya
"may Isa pa daw bakante na condo doon Kay Tita kaya nireserve ko na iyon saiyo"Aniya bago paandarin ang sasakyan
"salamat "Aniko at sumandal sa upuan
habang nag pipirma kami kanina ng annulment paper ay hindi makapagsalita sila mommy at daddy,hindi ko alam kung anong iniisip nila ngayon
"sa tingin mo,I approve ng Korte ang annulment namin?"wala sa sariling tanong ko sa kaniya at sinulyapan siya
tumaas ang kilay niya"oo hindi bat sinabi mo kaya lang umu oo Ang mga Ledesma sa kasal ninyo ni Alexander dahil magkaibigan ang mommy mo at ang mommy niya?"tanong niya kaya agad akong tumango
"o edi ang mga Ledesma ang gagawa ng paraan para ma approve iyon dahil hindi naman nila ginusto na magpakasal kayo ni Alexander"Aniya
"sana nga"bulong ko
pagkarating namin sa condo na titirahan ko ay tinulungan din ako ni Sara na magpasok ang aking gamit sa loob,hindi gaanong maliit at hindi din gaanong Malaki,sakto lang para saakin sulit din naman ang bayad dahil 4k ang kada buwan na kailangan kong bayaran dito at mukhang mabait din ang may-ari
pagkatapos ng mahabang araw ay nahiga ako sa aking kama at bumuntong hininga
napatingin ako sa aking cellphone,ni walang text o tawag galing Kay Xerxes na ipinagtaka ko
kanina kopa hinihintay ang tawag niya pero wala padin,sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot
ilang minutong binabad ko ang aking sarili sa panonood ng tv hanggang sa tumunog ang aking cellphone
tumalon ang aking puso ng Makita ang pangalan niyo doon,agad ko itong sinagot
"Hi"agad kong ani
"hey"ang malalim niyang boses ang agad na bumungad saakin
nawala ang aking ngiti,mukhang pagod ang kaniyang boses"is everything okay?"tanong ko
"yeah,I missed your voice"sabi niya kaya bumalik ang aking ngiti
"I miss you too"Aniko, narinig ko ang mahina niyang pagtawa at parang may humaplos sa aking puso dahil doon
narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga"I have a family problem,but I will fix it-- can you do me a favor"bigla niyang ani
"hmm"I hummed
"wag ka munang pumasok bukas"Aniya kaya nagtaka ako
_______________
Aykafaye❤️❤️*******
VoteFollow
Comment
YOU ARE READING
Burning Love
RomanceEveryone is not perfect,ang iba sa kanila ay mahirap pero masaya,mayaman pero malungkot but love will always find a way to make you happy and to make you a perfect person