Chapter 43
Dion p.o.v.
"i know.Babalik din ako mamaya I just need to buy some things"sabi ni Xerxes sa kausap niya sa cellphone.Ako naman ay nasa likuran niya habang nagtutulak ng cart habang siya ay namimili ng mga noodles at iba pa
akala ko ay may meeting kaming pupuntahan ngayon pero nagulat nalang ako ng pumunta kami dito para lang mamili ng mga groceries niya.I mean oo secretary niya ako pero kaya niya naman siguro ng mag-isa diba?
mag-aalas sais na at alam kong Wala na akong time para bisitahin ang puntod ng anak ko.Kumukulo din ang tiyan ko dahil sa gutom pero mukhang walang pakialam ang kasama ko dahil mag-iisang oras na kami dito pero kokonti palang ang laman ng cart
gusto kong magreklamo sa kaniya pero wala akong magawa,naging tahimik lang kami buong minuto hanggang sa matapos na Ang pamimili niya kaya tinulak ko ang Cart para bayaran. siya naman ngayon ay nasa likuran ko
nakailang buntong hininga ako dahil sa paghihintay na matapos ang lahat
"let's go"malamig na Aniya at hinawakan ang isang supot lamang
napatingin ako sa tatlong natitirang supot sa sahig at malakas na bumuga ng hangin"bwiset"bulong ko at binuhat ang mga ito
ng makalabas kami sa market ay biglang may bumangga sa aking balikat dahilan para mahulog ang dala kong supot.Ang ibang laman nito ay natapon
"hoyyyy"malakas kong sigaw sa lalaki ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinansin.Akmang sisigaw ulit ako dahil sa ginawa niya ng magsalita si Xerxes
"what are you doing?"galit niyang tanong saakin kaya hinarap ko siya habang magkasalubong parin ang kilay
"eh sinagi--"hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita
"dapat Kasi ay tignan mo Ang dinadaanan mo"sigaw niya saakin kaya napatigil ako
Ramdam ko kung paano nasaktan ang damdamin ko sa sinabi niya.Para akong sinampal ng malakas sa pisngi dahil sa Sinabi niya.Namuo ang luha sa aking mata ngunit walang pagsisisi ang nakabakas da mukha niya
tumalikod ako at inayos ang supot"s-sorry"bulong ko.Hinayaan kong tumulo ang luha sa aking pisngi ngunit hindi ko iyon pinapahalata sa kaniya
ramdam ko parin ang kirot sa aking puso hanggang sa pumasok ako ng tuluyan sa sasakyan niya ngunit imbis na pumasok siya sa driver seat ay tumalikod siya saakin at walang sabi sabing naglakad siya pabalik sa store kung Saan doon pumasok ang lalaki kaninang bumangga saakin
Tahimik ko siyang hinintay hanggang sa bumalik siya habang magkasalubong ang kilay niya.His knuckles are cover in blood too
nagulat ako sa nakita ko kaya agad akong lumabas sa kotse at sinalubong siya"a--anong nangyari diyaan"turo ko sa kamay niya at akmang hahawakan ito pero winaksi niya ang aking kamay
"shut up"matigas niyang ani bago ako banggain.Napatingin ako sa market ng biglang magkumpulan ang mga tao doon.Napaawang ang aking labi ng Makita ang lalaki kanina na bumangga saakin na ngayon ay duguan ang mukha nakaalalay siya sa dalawang guard dahil sa panghihina
napatakip ako sa aking bibig
"Dion"sigaw saakin ni Xerxes kaya nagmamadali akong bumalik sa sasakyan at pumasok doon.Agad niya namang pinaandar ang sasakyan at wala kaming imikan sa buong biyahe
I look at his knuckles again.Duguan padin ito habang mahigpit ang hawak niya sa steering wheel
"Ikaw ba Ang gumawa non?"patukoy ko sa duguang lalaki kanina
he scoffed"why would I?"matapang niyang ani ngunit hindi ako nainiwala sa kaniya.Alam kong siya ang may gawa non
_________
pagdating ko sa bahay ay pagod na pagod akong sumalampak sa aking kama.Sobrang kating kati na Ang aking katawan pero dahil sa antok ay hindi na ako naka ligo pa
minulat ko ang aking mata dahil sa sunod sunod na tawag sa aking cellphone.Pagtingin ko doon ay si Aleya pala ang tumatawag
"hello?"bulong ko ng sagutin ko iyon
"pisshhh anong oras na hindi ka ba sasama?"tanong niya bigla kaya nangunot ang aking nuo
"huh pinagsasabi mo?"pinikit ko ulit ang aking mata at nahiga sa kama
"haayy Dion hindi ka na naman nag check ng email mo kahapon.Inimibitahan Tayo ni Mrs.Mercado sa art Exhibit ng anak niya"pagpapaalala niya
"sige Sige Sige na"pagpaapaalam ko at pinatay ang tawag
napipilitan akong tumayo at ginawa lahat ng morning routine ko.Nag chat naman saakin si Aleya na alas Nuebe daw ang punta namin kaya may isang oras pa ako para mag-ayos
_______
pagtapak namin sa loob ng venue ay agad akong namangha sa Ganda ng paligid nito.para itong palasyo at mansion
"let's go"malamig na ani saamin ni Xerxes at nauna ng maglakad
kumapit si Aleya sa aking braso"akala ko ba ay si vice president ang pupunta dapat at hindi ako?"tanong ko sa kaniya pero nagkibit balikat din siya habang abala sa pagtingin sa paligid
pagpasok namin sa loob ay nasa tabi tabi na Ang mga bussinesman at bussinewoman.Marami sila at ang iba pa ay nag-uusap usap
"sir doon po muna kami.titingin lang ng mga designs"paalam ni Aleya Kay Xerxes.Binalingan ako ni Xerxes bago ito nag-iwas ng tingin at tumango
at iyon nga Ang ginawa namin.Sobrang Ganda ng mga gawa nito
narinig ko sa mga iba na Ang pangalan daw ng anak ni Mrs.Mercado ay Kitty Mercado
humiwalay saakin si Aleya pagtapos dahil gusto niya raw munang umihi kaya ako munang mag-isa ang nagtitingin sa mga paintings sa paligid
hanggang sa
"Ladies and gentleman let's all give a loud applause Mrs Zion Mercado and Ms Kitty Mercado"
agad akong napatingin sa stage ng marinig ang pangalan na iyon.Lumukso ang aking dugo ng Makita siya kasama si kitty
nanalaki ang aking mata ng makilala na siya ngayon"m-mom"mahina kong bulong
"Good morning everyone,first of all thank you for accepting our invitation to join with us.Im so proud of my daughter because I did not expect na ganito karami ang dadalo sa art Exhibit niya.Im so proud of you anak"
parang may tumusok sa aking puso ng yakapin niya si kitty.Para akong tanga dito na naiiyak habang nakatingin sa kanila
akala ko ay matagal pa bago ko siya mahanap pero ngayon ay nakita ko na siya, gusto kong sabihin sa kaniya na anak niya rin ako at andito lang ako pero sa bawat pag ngiti at pagyakap niya Kay kitty ay mukhang masaya na siya
pumatak ang luha sa aking pisngi ng hindi ko namalayan.Agad akong tumalikod para sana umalis ng biglang may humarang na lalaki sa aking harapan at walang iba kung hindi si Xerxes
"why are you crying"
_______________
Aykafaye❤️❤️*******
VoteFollow
Comment
YOU ARE READING
Burning Love
RomanceEveryone is not perfect,ang iba sa kanila ay mahirap pero masaya,mayaman pero malungkot but love will always find a way to make you happy and to make you a perfect person