Where Everything Started
IF her eyes were to speak, they would say she missed him every day of her life. If her eyes were to speak, they would say how she longs for the warmth of his embrace, the sweetness of his smile, and the depth of his eyes. If her eyes were to speak, they would tell him that her world crumbled the moment she knew he was gone, or how she bawled her eyes out crying over him—too bad they're mute.
"Ma'am okay lang?" a student went near me at dahan-dahang inabot ang cellphone ko na nabitawan sa pagkabigla. I composed myself and nodded, offering a slight smile.
"Magsagot ka na ulit." Kinuha ko ang cellphone sa kanya at nagpasalamat.
Nanghihinang napaupo ako sa upuan. It couldn't be him. It shouldn't be him. I've already come in terms of the fact that he's gone. But I saw him! I saw it with my own eyes. Napahinga ako ng malalim, kasabay ng pag-angat ko ng tingin. Ang mga bata ay nakatingin sa akin, kuryoso sa kung anong nangyayari.
Kung siya nga iyon, bakit hindi niya ako kilala? Bakit ngayon lang sya nagpakita? Alam na kaya ito ni Tita Nadia? At anong ginagawa nya sa school na ito?
NATAPOS ang araw na okupado ang isipan ko ng napakaraming bagay at katanungan na hindi ko alam paano masasagot. Bitbit ang mga gamit ay bumaba ako ng hagdan, nang biglang bumangga ako sa isang malaking bulto.
"Shit!" nagkalat ang mga lesson plan at answer sheets ng mga estudyante ko. Nagmamadaling pinulot ko ang mga ito. Bakit di kasi tumitingin sa dinadaanan!
"Sorry Miss" wika ng isang malalim at seryosong boses. Tinulungan nya akong sinupin ang mga nagkalat na papel sa hagdan.
"Okay lang, walang proble—ma..." nabitin ang sinasabi ko nang mapatingin ako sa lalaking nakabunggo sa akin. Its Nigel—or so I thought.
Pagkatapos niyang iabot ang mga papel sa akin ay dumiretso na siya paakyat ng hagdan. Habang ako, nanatiling nakatayo, nakatitig sa likod niyang papalayo.
How could someone so near feel so distant?
"DELA CRUZ, Merleanne Elise?"
"Present!" humihingal sa sagot ko. Late na naman ako. Sakto lang ang pagtawag ni Ms. Jade sa akin, dahil kakarating ko lang.
Napatingin si Ms. Jade sa akin, tumango at nagsulat na sa attendance. Nang magtawag sya ng panibagong pangalan ay nagmadali na akong pumasok sa loob ng room. Naokupahan na ang karamihan sa mga upuan. Maging ang pwesto na madalas kong upuan ay may nakaupo na. Si Nigel! Nanaman.
Nakadukdok ang ulo nya sa arm chair. Sa inis ko ay sinipa ko ang upuan, kaya natumba ito at nahulog sa sahig.
"Ma'am yes, ma'am present!" sigaw nya na nakataas pa ang dalawang kamay. Naalimpungatan yata siya nang malaglag sa bangko. Nagtawanan ang buong klase, maging ako ay nangingiti din sa inasal nito. Napatingin si Ms. Jade sa kanya na tila naguguluhan. Nang dumako ang paningin ni Nigel sa akin, narealize niya na ako ang may kagagawan nun.
"Ibaba mo na ang kamay mo Mr. Real, hindi ka naman hinoholdap." wika ni Ms. Jade, dahil hindi agad naibaba ni Nigel ang mga braso niya. Lalong humagalpak sa tawa ang buong klase sa sinabi ni Ms. Jade. Namula na parang kamatis ang mukha ni Nigel sa pagkapahiya, ngunit ang sama na ng tingin niya sa akin. Umupo na lamang ako sa ibang arm chair at inilabas ang notebook.
Sa buong duration ng klase, damang dama ko ang nanunusok na titig sa akin ni Nigel. Di ko naman intensyon na ipahiya siya e! Hihingi na lang ako ng sorry sa kanya mamayang uwian.
Nang tumunog ang bell ay kani-kaniyang ayos na ang mga kaklase ko ng mga gamit nila. Ang ilan ay nagsilabasan na. Pero ako, hinihintay pa rin si Nigel. Lumabas na ako ng pinto para abangan siya at makahingi ng pasensya sa nangyari kanina. Nakita kong tumayo na siya at isinakbit ang bag sa balikat.
"Nigel..." tawag ko sa pangalan niya bago pa man siya makalabas ng pinto. Pero hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso lang ng lakad. Aba!
"Nigel!" muli kong tawag
Nilampasan niya talaga ako at hindi pinansin ang paulit-ulit na pagtawag ko sakanya. Lumalabas yung anger issues ko sayo Nigel!!!
"Ah ayaw mong lumingon ah." Sa gigil ko sakanya, napangunahan ako ng intrusive thoughts ko. Tinanggal ko ang suot kong black shoes at ibinato sakanya.
Tumama ito. Saktong sakto sa ulo niya. Napahinto si Nigel sa paglalakad, at dahan-dahang lumingon...
Patay!
YOU ARE READING
His Umbrella Girl
General FictionPeople always say, everything is not impossible. But everything could only be possible unless otherwise proved. They are two different poles, parallel lines that are always too near but would never meet. Leanne is slowly coping up with Nigel's deat...