Chapter 3

3.2K 152 35
                                    

"Ughh!" Inis kong ungol at pinulot ang mga kalat sa soccer field.

Kasama ko si Tonton at pinupulot namin ang ang mga kalat sa soccer field dahil ito ang parusa na ibinigay ng Principal sa amin, bakit? ganito kasi....

Naglalakad kami ni Tonton papunta sa Yellow Canteen ng biglang sumulpot si Lawrence, kinukulit at ni lalandi na naman ako.

Ngunit ang 'di ko inaasahan ay biglang may susugod sa amin at pagbibintangan akong malandi at mangaagaw.

"Talaga lang lawrence! Ipagpapalit mo ako at sa isang bading pa?" sigaw ni Lyka na girlfriend pala ng hinayupak na Lawrence na ito.

"Hoy Miss! Excuse me, babae siya! Eh ikaw mas mukha ka pa ngang bading kaysa sa kaibigan ko ehh!" Pagtatanggol sa akin ni Tonton. Aba walang hiya pala 'tong babae na ito ah! Sarap kalbuhin.

"Excuse lang Lyka ha, Wala akong inaagaw sa iyo at itong boyfriend mo" Sabay turo ko kay Lawrence."Ang lumalandi at nangungulit sa akin."

"Well hindi ko naman siya masisisi dahil kahit na trans ako ay saksakan ang ganda ko," dagdag ko sabay ngisi sa kaniya.

"Aba! walang hiya ka talagang bading ka!" At ayon sinugod niya na ako at sinabunutan.

"Aray! Ano ba! sinisira mo yung curls ng buhok ko." Sinabunutan ko rin siya at nakita kong nakisali rin si Tonton. At ang walang hiyang puno't dulo ng lahat ng ito, na si Lawrence ay hindi pa alam kung paano kami aawatin.

"Ano ba Lyka tama na!" Pang-aawat ni Lawrence sa girlfriend niya.

"Students! Ano'ng kaguluhan ito?" Nagsasabunutan pa rin kami ni Lyka at natigil lang kami ng dumating ang isang professor at pinaghiwalay kami at dinala sa principal's office.

"'Wag na 'wag makalapit sa'kin 'yang Lawrence at Lyka na iyan at baka maging lalaki ako at masapak ko silang pareho," sabi ko at tumawa naman ng malakas si Tonton." Silang dalawa naman ay sa Yellow Canteen maglilinis dahil hindi raw kami pwedeng ipagsama sa iisang lugar dahil baka magsabunutan na naman kami.

Dumuko ako at pinulot ang balat ng isang junk food ng makarinig ako ng mga tawa at mga sipol. Tiningnan ko si Tonton at itinuro naman niya sa akin ang mga kalalakihan na nakaupo sa isang bench.

"Teh wag ka ng dumuko nakikita yata panty mo," imporma ni Tonton sabay tawa.

Napairap naman ako ng makompirma na ako nga ang sinisipulan ng mga manyak na lalaki na iyon.

Matapos naming maglinis ay pumunta na kami sa mga sundo namin dahil uwian na rin naman.

"Good Afternoon, Ma'am Avy," pagbati sa'kin ni Kuya Roy at pinasibad na ang aming sasakyan.

Pagkahinto namin sa gate ng aming bahay ay siyang aking pagtataka dahil maraming mga sasakyan ang nakapark sa garahe namin at may naririnig akong mga halakhakan.

Dumiretso ako sa pool area ng aming bahay dahil doon nagmumula ang mga halakhakan.

Pagpunta ko ro'n ay sina kuya Rayden at ang mga kaibigan niya ang naabutan ko. Lumiko ako at pumasok na sa aming bahay at 'di na ako nag-abalang magpakita sa kanila dahil nahihiya ako.

Dumiretso ako sa banyo matapos kong makapasok sa aking kwarto at naligo dahil nanlalagkit ang aking pakiramdam dahil sa paglilinis namin kanina.

Naiinis pa rin ako kapag naalala ko ang nangyari kanina.

Ang ayoko sa lahat ay ang sinasabihan o napagkakamalang kabit o mangaagaw dahil ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging ganoon.

My parents raised me not to be mistress, I deserve better, we deserve better and we shouldn't settle for less or bare minimum.

Nang mauhaw ako ay bumaba ako para uminom. Pagkapasok ko sa aming kitchen ay nakita kong nakabukas ang pintuan doon papunta sa aming mini garden na alagang-alaga ni Mommy.

I lo-lock ko na sana ito ng makarinig ako ng mga mumunting ungol.

"Babe, ahh.. fuck!" Nanlaki ang aking mga mata at nabitawan ko ang door knob ng makita ko ang dalawang anino at base sa pwesto nila ay biniblow job ng babae ang lalaki at nasisigurado kong mga kaibigan ni Kuya Rayden ang mga iyon.

Astig nila ah! at sa mismong bahay pa namin gumawa ng kababalaghan.

"Oh my! my virgin eyes!" Pinipigilan ko ang aking tawa dahil baka marinig nila ako at maistorbo ko pa sila. Matapos kong uminom ay umakyat na ulit ako sa aking kwarto.

Nag s-scroll ako sa aking IG nang makita ko ang post ng isa sa mga pinsan ni Rash, nasa bar sila. Parang may bumara sa aking lalamunan ng makita kong may katabing babae si Rash at masaya silang nag-uusap.

Nagseselos ako kahit na 'di ko naman ito dapat maramdaman. Naiinis din ako dahil ang daming insecurities ang pumapasok sa aking isipan. Una dahil hindi ako pinanganak sa tamang katawan at parang napaka imposibleng magkagusto si Rash sa isang kagaya ko at napakabata ko pa at immature para sa kaniya.

Napaka successful ni Rash, balita ko ay nakapag graduate ito ng college with flying colors samantalang ako ay hindi naman mataas ang mga marka ko, sakto lamang para pumasa. At kahit baguhan pa lang siya sa field niya napaka successful niya ng engineer at matunog na ang kaniyang pangalan.

Kaya anong pag-asa ko sa isang lalaking kagaya niya? Walang-wala rin ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya, magaganda at sexy.

Kinabukasan ay nalaman kong walang pasok dahil sa napakalakas na ulan, may bagyo yata ngayon. Dahil walang pasok ay nanood nalang ako sa living room ng netflix movie.

I really like this kind of weather, nakakarelax at ewan ko ba kung ako lang dahil nakakaramdam ako ng nostalgic feeling kapag ganito ang panahon.

Habang nanonood ako ay tumunog ang aking cellphone para sa isang notification.

Samuelhernandez liked your photo.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone ng makita ko ang notification. Tiningnan ko kung ano ang ni like na photo ni Rash, ito yung stolen shot ko kung saan nakangiti ako habang nililipad ng hangin ang aking buhok.

Napangiti ako, kahit itong bagay lang na ito ay binibigyan ko ng malisya na baka may pag-asa ako kay Rash.

When the storm abated. Nanay Betilia, the head of our house maid, knocked on my door and told me that my family is waiting for me in the dining room.

"Good evening my gorgeous family!" Bati ko sa kanila at umupo na sa puwesto ko. Habang kumain kami ay nag-uupdate si daddy tungkol sa project nila ni Mr.Hernandez.

Kuya Rayden is engrossed in the conversation because he is an engineering student, and he wants to follow the footsteps of our Father.

I went to my room after dinner. Nahiga ako sa aking queen size bed.

Naisipan kong i-chat at kulitin si rash sa IG, natawa ako sa binabalak ko ng maalala ang isang memes sa Facebook. Masubukan nga sa kaniya.

Itsavery:

Sabi ng mama mo Tita nalang ang itawag ko sa'yo. O sa kanya.

Tawa ako ng tawa sa kabaliwan ko. Sana lang wag siyang ma turn-of.

Samuelhernandez: typing...

oh my! nag ta-type na siya!

Samuelhernandez:

?

Itsavery:

Tapos ngayon mama ko na siya... ang tita ko ngayon.

Samuelhernandez:

You should sleep.

Itsavery:

Okay po, Kuya ;)

Samuelhernandez:

Stop calling me Kuya.

Natawa ako sa reply niya at hindi ko na siya kinulit dahil baka ma turn-off na talaga siya sa akin. I can't afford that if that happens!

Seize Her Heart (The Bachelor's Trans Series 1)Where stories live. Discover now