"Gago, nasaan ka na?" Bungad ni Kuya August pag kasagot na pag kasagot ko pa lang ng tawag niya.
Napatingin ako sa labas ng binatana ng kotse at mahinang nahampas ang manibela ng makitang traffic pa. Tangina, kailan ba mawawala ang traffic sa pilipinas.
"Gago August ang traffic." Problemadong sagot ko at muling sumilip sa labas ng bintana.
"Hahaha, sinasabi ko sa'yo Shaun pag hindi ka nakarating ngayon huwag na huwag ka ng mag pakita sa kapatid ko." He seriously said.
Napamura ako sa isip ko dah doon. I know how serious he is but..
"Hindi rin naman pwedeng hindi ako makapunta 'no, she didn't know but I promised to myself I'll come." I replied.
"Mabuti ng mag kaliwanagan tayo." He chuckled. "Sige na, just call me pag malapit ka na alam mo naman kung saan kami right?"
"Yup, " then he ended the call.
Ang totoo niyan matagal na kaming mag kakilala ni August sa ML nga lang eh but I didn't know he's the brother of October back then, lagi lang naman kasi kaming nag lalaro noon then isang beses napag kayayaang mag open mic tapos nakwento ko sa kaniya si October I was shocked when he cursed at me then he told me he's October's brother. And anyway siya ang kasabwat ko ngayon, obviously.
Nahagis ko ang cellphone sa dashboard ng mapansing traffic pa rin. Ano ba kasing meron at traffic ngayon. Sa inis ay bumaba na ako ng kotse at tinawagan na lang ang driver sa bahay sinabi kong mag motor na lang papunta rito at traffic nga. Hindi pwedeng ma-late ako ng sobra.
"Give me the key," agad na bungad ko ng makita si Kuya Allan, our driver. Inabot niya naman agad ang susi at helmet.
"Ikaw na bahala diyan kuya ah," Sabi ko at tumango naman siya. Kinuha ko na rin ang bouquet at ang paper bag na nag lalaman ng regalo ko kay October kahot hindi ko alam kung paano hahawakan ang mga iyon sa pag mamadali, sumakay na lang ako at nag maneho agad.
Hindi rin naging mabilis ang pag mamaneho ko pero kumpara naman kanina na nasa kotse ako na hindi na halos nagalaw. Psh. Kinuha ko ang cellphone ko ng mag ring iyon.
"Where are you?" kuya August asked.
"Malapit na, chill pwede ba." I chuckled.
"Whatever Shaun." then he ended the call. Napangiwi na lang ako at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Napaka moody parang si October minsan, tsk. Pero kahiy gaano pa soya ka-moody I'm fine with it, I can handle her mood swings.
Ilang minuto pa ako nag tiis hanggang sa makarating na rin sa wakas sa village nila October. Kinuha ko ang cellphone ko ng nasa tapat na ako ng bahay nila at ibang kaba ang naramdaman ko ng matanaw si August, kahot kinakabahan ako mas nangingibabaw ang excitement. Damn it, finally makikita ko na rin siya.
Lumapit sa akin si August ng makita ako at isang batok agad ang nakuha ko. Tangina kung hindi lang siya Kuya ni Oktubre baka nagantihan ko na'to.
"Dude!"
"Psh, I told you pupunta ako, hindi pwedeng hindi." Inis ma sabi ko at napahawak sa batok.
"Buti naman," maya-naya ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko siyang nakatingin sa mga dala ko.
"Oh?" he smirked.
Nag iwas ako ng tingin at napa singhal naman.
"Buti hindi lang sarili mo ang regalo mo para da kapatid ko ano?" sabi niya at tumawa.
"Gago, manahimik ka nga." Kung ano-ano na lang kasing sinasabi at teka nga.
"Where's October?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Inside, alangan namang papuntahin ko agad dito iyon 'no. Asa ka naman." mapang asar na sabi niya. Napapikit na lang ako dahil sa tinatagong inis. Ang lakas naman ng trip nito tanghaling tapat.
"Hahahaha! wait I'll call her, you wait." Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya. Napa buga naman ako ng hangin. Shaun ang importante makikita mo na si October.
Pagkatapos ng ilang minutong pag hihintay doon sa wala I decided to follow him on their house. Napangiti ako ng mula sa malayo ay natanaw ko siya roon habang nakikilag usap sa kuya niya. Damn, she's really beautiful.
"Hi, baby,' I greeted her. Napangiti na lang ako ng makita kung gaano siya gulat na gulat nang makita ako. Nginitian ko rin ang mga kaibigan niya ng marinig ang tilin nila.
Yes, expect the unexpected.Mag lakad ako palapit sa kaniya habang dala-dala ang regalo ko sa kaniya. Hindi ko na rin maitago ang mga ngiti ko at wala na akong pakialam kahot nariyan pa si August.
"Happy birthday, p'wede na ba kita i-kiss?" I joked. Inabot ko sa kaniya ang bouquet. Nakita kong naiiyak siya ng tanggapin niya ang bulaklak.
"Akala ko hindi ka makakapunta?" mangiyak ngiyak na sabi niya, mas lumapit ako sa kaniya at niyakap siya tsaka hinalikan sa ibabaw ng noo. Damn, ganito pala ang pakiramdam.
"Akala mo lang iyon." bahagya akong natawa.
"Happy birthday to you, Happy birthday to you," kanta ko habang yakap yakap pa rin sita
"Nakakainis ka!" she started to cry hindi ki naman napigilan ang pagtawa.
"Sorry na. Stop crying." I whispered.
"Let's go inside! I'll introduce you to my family!" she said excitedly tapos ay hinila na ako paloob. Bago pa ako tuluyang nag pahila ay napatingin muna ulit ako kay August na nakatingin lang sa akin na parang nag babanta but I jusy smiled at him.
"Thank you," I mouthed.
This is the best thing happened to me. I really thought love in the internet aren't true but I'm wrong, hindi mo masasabi kung hindi mo nararanasan at nararamdaman.