The Boy Who Lives on That Grave

163 6 0
                                    

TW: violence and bullying

Kiefer's POV

"Ano lalaban ka pa? Anak ng kriminal!"

Napaubo ako ng dugo matapos niya akong hampasin ng tubo sa likod.

"Tama na" nahihirapan kong sambit, pero tinawanan niya lang ako ng malakas.

"Mahina ka pala eh! Ilabas mo yung tapang mo, diba anak ka ng mamatay tao. Ano! Lumaban ka!"

"Hin-hindi ko kasalanan yun, tama na." Nilapitan niya ako saka hinawakan ng madiin sa kwelyo.

"Alam mo ba kung sino yung pinatay ng tatay mo! Pinatay niya si Mayor! Pinatay niya ang tatay ko."
Totoo nga ang sabi sabi "alam ko ang iniisip mo. Oo, anak ako sa labas ng matandang alkalde na iyon. At dahil pinatay na siya ng kriminal mong tatay mawawalan na ako ng sustento dahil hindi siya nag-iwan ng pera sakin. Lecheng buhay! Walang kwentang asawa at ama na nga, wala pang iniwan."

Nakalupasay lang ako sa sahig dahil sa natamo kong bugbog. Nanghihina na ako, hindi ako nakakain ng maayos dahil lahat ng tao nasa akin ang tingin, lahat sila pinagbubulungan ako.

Bakit ganon? Hindi naman ako ang may kasalanan pero ako pinaparusahan at sinasaktan ng mga tao. Tuwing dadaan ako sa kalye ay nagtutumpukan ang mga tao para pag-usan at laitin ako. May mga pisikal rin kung manakit.

"Hoy! Hihiga ka lang ba diyan? Lumaban ka! Ano! Laban." Akmang sisipain pa niya ako ng may tumapat na flashlight sa gawi namin.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Sigaw ng palapit na boses ng babae. Tumakbo naman agad si Julyo ang lalaking nambugbog sakin. Kita kong sinubukan pa siyang habulin ng babae kaso nakalayo na siya.

Linapitan ako nung babae saka tinulungang umupo.

"Alam kong di ka ayos kaya di ako magtatanong kung okay ka lang." Inakay niya ako papunta sa gilid ng kalsada saka pinaupo doon. Naglabas siya ng panyo at tubig galing sa suot niyang backpack. Maingat niyang pinunasan ang sugat ko sa mukha, tinignan ko ang kanyang mukha para malaman kung sino siya.

"Sa susunod lumaban ka para di ganito kalala ang sugat mo. Pano pag di ako dumaan dito? Malamang naghihingalo ka na ngayon." Si Nixie, ang babaeng matagal ko ng hinahangaan.

I know everything about her, alam kong ulilang lubos na siya at ang kapatid niyang babae nalang ang kasama niya sa buhay. Alam ko rin na nagtatrabaho siya sa isang department store malapit dito, malamang pauwi na siya kaya napadaan dito.

"Salamat" wika ko ng matapos niyang mapunasan ang mga galos at pasa ko. Saglit niya akong sinulyapan saka tumayo.

"Tandaan mo yung sinabi ko, lumaban ka kung may mananakit sayo." Isang mahinang tango ang sinagot ko, matapos nun ay naglakad na siya papalayo.

Tinignan ko ang mga galos ko saka maliit na ngumiti. "Lalabanan ko sila kung kaylangan."

----

Habang naglalakad sa kanto papuntang bahay namin ay di maiwasan ang kantyawin at hiyain ng mga tao rito.

"Hay nako mare bukas nalang uli, nandiyan na yung anak ng mamamatay tao. Eh baka tayo pa ang isunod."

"Ay siyang tunay mare! Maisara na nga rin ang tindahan dahil baka di lang mamamatay tao ang mga yan baka magnanakaw rin."

"Hoy tol! Tara sa Santa Maria maraming mayaman dun, kung natunugan ikaw ng bahala."

Tawanan at iba't ibang masasamang salita ang iginagawad nila sakin. Nanatili akong nakayuko at madiing ikinukuyom ang mga kamay.

Hindi ko na sila pinansin hanggang sa makauwi na ako sa bahay namin. Madilim na ang labas ng bahay at nakasarado ang mga bintana't kurtina. Iinom sana ako ng tubig ng may magsalita sa likod ko.

The Boy Who Lives on That GraveWhere stories live. Discover now