01

14 4 3
                                    

CHAPTER 01



Warning!: Cursed words

Axel Pov

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa aking cellphone hudyat na 5am na. Agad akong bumangon upang patayin ito saka ako dumiretso sa kusina ng condo ko. Oo may condo ako kasi may trabaho naman ako, malaki din pasahod sa akin ni Kuya Doie noh!, and kaya ako gumising ng maaga kasi papasok ako sa trabaho ko.

Paglabas ko ng kwarto ay sinalubong agad ako ni Maeumi yung aso ko, nadinig atang nagising na yung Daddy nya kaya nag abang sya agad.

Gaya ng nakasanayan ko nagluto lang ako ng easy to make breakfast saka pinakain ko na din si Maeumi then naligo at nag toothbrush na ako para maka alis na din ako.

Wala pang 7 am ay nakarating na ako sa Café ni Kuya Doie at napansin kong sarado pa ito kaya't agad kong hinanap yung duplicate key ko sa bag, sa Lahat kasi ng nagtratrabaho sa Café ay ako lang yung binigyan ni Kuya Doie ng extra key dahil isa daw ako sa pinagkakatiwalaan nya saka maaga nga daw ako napasok kaya kahit wala pa sya ay mabubuksan ko yung store.
Habang binubuksan ko yung lock ng pinto ay biglang nag text sa akin si Kuya Doie na sinasabing baka late syang dumating dahil may gagawin lang daw sya kaya't sinabi ko nalang na ako ng bahala sa Café.

Pagkabukas ko ay uminom muna ako ng tubig habang wala pang tao at since medyo bored ako dahil maaga pa ay napagisipan kong mag cellphone muna kaya nag tweet ako sa account ko sa Twitter na bukas na yung Cafe.

Medyo natawa pa ako ng makita ko ang comment ni Xander sa post ko , nako malalate nanaman yon. Late kasing matulog kaya late din gumising. Nakipag usap lang ako sa kanila hanggang sa nakarating si Xander.

"Putangina pahinging tubig!" hingal na hingal nyang sabi. "Hindi ka nag commute noh?" tanong ko sa kanya. "Hindi ang traffic dun sa street ng condo ko, may naaksidente ata" sabi nya bago sya dumiretso sa loob ng locker room. Saktong pagpasok nya ay sya ding pag dating ng iba pa naming kasamahan dito sa Café.

"Goodmorning! ang aga natin Axel ah!" bati sa akin ni Chenle.

"Goodmorning HAHAHAHA sige na andon si Xander sa locker room nag papalit ng uniform kayo din aba baka may dumating ng mga costumer!" sabi ko kaya dali dali silang nag sipag palit ng nga damit nila.

©️Stefonn

Process of Acceptance - (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon