02

16 4 0
                                    

CHAPTER 02


Axel Pov

"Goodmorning Sir, Welcome to Enha Café what's your order po?" nakangiti kong bati sa costumer na kausap ko ngayon dito sa counter.

"I like the bright energy, keep it up! 1 venti coffee frappucino with two scoops of ice, five pumps of frap roast, and double blended."

"Thank you po Sir sa compliment, anyways 1 venti coffee frappucino with two scoops of ice, five pumps of frap roast, and double blended am I right Sir?" pagsisigurado ko sa order nya.

"Yes, sorry complicated HAHAHAHA" medyo nahihiya nyang sabi na dahilan ng bigla kong pagtawa.

"Don't worry Sir hangga't available yan kayang kaya, anyways po that will be 239.50 pesos," nakangiti kong sinabi na agad naman nyang binayaran. "Wait nyo na lang po sa upuan nyo seserve ko po pag nagawa na po" sabi ko.

"Thank you!" sabi nya bago sya tumalikod para mag hanap ng upuan, agad kong binigay kay Xander yung order para magawa na nya.

"Hanip napaka kumplikado naman ng order nito, ang arte manong 1 venti coffee frappucino nalang!" reklamo nya.

"Huy baka naman may maka dinig sayo, wag ka na nga nag reklamo dyan, gawin mo nalang!" sabi ko sa kanya saka ako bumalik sa counter para hingin yung order ng iba.

Timeskip

Habang naglilinis kami ng mga table at floors dito sa Cafe dahil malapit na kaming mag-sara ay bigla kaming tinawag at pinagtipon ni Kuya Doie, nga pala sya si Kuya Doyoung, or Doie in short, sya yung boss namin, sobrang bait nya and pinsan ko sya pero kami lang dalawa nakakaalam non.

"Uhm guys may gusto nga pala ako ipakilala sa inyo na makakasama nyong magtrabaho dito." sabi ni Kuya kaya napatingin agad kami sa pintuan ng store ng may biglang pumasok na lalaking may 5'11 siguro ang height kasi parang maliit ako pag tumabi sa kanya. May matangos ng ilong tapos ang sharp ng jawline, ang pula din ng lips, makinis saka maputi, aba may itsura sya,sana pati ugali maganda.

"Everyone meets Jester, he's working with us starting tommorow so sana I welcome nyo sya," sabi ni Kuya Doie, napansin ko yung pagkindat nya sa isang babae naming katrabaho kaya parang binuhusan ng asin yon sa kilig.

"Mukhang mayabang" bulong sa akin ni Xander. "Judgemental mo HAHAHA" sabi ko sa kanya.

Nung babalik na sana ako sa ginagawa ko dahil may ibang kausap sila Kuya Doie ay bigla nya akong tinawag kaya humarap agad ako para malaman kung bakit nya ako tinawag.

"Axel pakisabihan si Kieper about kay Jester ah, nako baka kung ano gawin non dine ang anger issue pa man din dinaig pa nagbabagang apoy HAHAHAHA" biro nya sa akin. "Sige Kuya Doie sabihan ko pag uwi namin, balik ko lang po ito don sa storage room" pertaining sa walis Tambo, dustpan at pang mop.

"Tulungan na kita?" sabi nung Jester pero bago pa ako makasagot ay naunahan na agad sya ni Xander. "No need na, ako na, Axel akin na yan" pang agaw sa akin ni Axel ng mga hawak ko. "Huy kaya mo ba? ako na mag dadala nung walis" sabi ko bago namin sila talikuran.

Bago kami nag lakad ni Xander ay tumingin ulit ako dun sa Jester saka ko sya nginitian bago kami makapasok sa loob ng storage room.

"I guess mabait naman sya" bulong ko sa sarili.

©Stefonn

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Process of Acceptance - (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon