Chapter 36: To Where I Belong

26 6 1
                                    

Chapter 36: To Where I Belong

LUMINA

"Show some interest at least, you stupid brat!" She should expected it, anong aasahan niya na dapat maging reaction ko? Ma-excite ulit? Umasa ulit?

She left me having no idea of where she's going, tapos magpapakita lang siya kung kailan niya gusto. Kailan ko ba huling narinig ang boses niya na hindi galing sa isang hologram?

She isn't supposed to be here and Janua shouldn't suddenly disappeared.

Something is off and I know this is dangerous pero bakit... bakit hindi ko matanggap na maaaring panaginip 'to?

Ang tagal ko na siyang gustong makita, I want to end everything and go back where I came from--- no... no!

"Bakit ngayon ka lang?" Mahinang tanong ko nang sa wakas ay magkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Anong klaseng tanong ba 'yan huh? Uuwi ako kung kailan ko gusto, don't dare to interfere with my business." May pagka-sarkastikong saad niya saka napangisi.

Tama, kahit naman noon ganyan na siya, iiwan niya ako para daw sanayin ko ang sarili ko.

"Lagi ka na lang umaalis," mahinang tugon ko. Hindi ba pwedeng manatili na lang siya? Siya lang naman ang tanging nakakaintindi sa 'kin eh. Siya lang 'yong tumanggap sa 'kin sa kabila ng lahat.

"Tsk!" Singhal niya saka tinapon sa 'kin ang isang pulang panyo na mabuti na lang at nasalo ko. "You really are a coward. Sa simpleng pagtrato ng gan'yan sa 'yo ng mga taga dito, umiiyak ka na?" Umiiyak? Hindi naman ako umiiyak ah.

Napahawak ako sa pisngi ko at saka ko lang napagtanto na mayroong likido doon na mukha ngang galing sa mga mata ko. Paunti-unting kumikirot ang puso ko na para bang sobrang sakit ng nararanasan ko kahit hindi naman.

Bigla ko tuloy naalala 'yong mga panahon na nasa isla pa ako. 'Yong mga masasamang tingin nila, 'yong mga salitang naririnig ko, maging 'yong paglayo nila. Masakit pa rin pala kapag inalala ko 'yon.

Takot lahat ng taga-isla sa 'kin, 'yan 'yong totoo at maaaring gano'n din lahat ng makasalamuha kong tao sa loob nito. Natatakot ako... Paano kung bigla na naman umalis si tanda, pano ako? Ayokong mag-isa ulit.

Muli akong tinapunan ni Tanda ng isang mansanas na nasalo ko ulit. Hilig niya atang mambato. Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa mansanas, may dala na naman siyang prutas tulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing uuwi siya galing sa kagubatan, sabi niya ay may ginagawa daw siya do'n.

"Eat it, masyado kang madrama d'yan." Pailing-iling na sabi niya. Mukhang tulad ng dati, mahina pa rin talaga ang loob ko.

Naupo ako sa isang upuan na hindi ko namalayan na naro'n, pamilyar na pamilyar ito lalo't ito ang lagi kong nauupuan sa tuwing uuwi ako galing sa labas.

Inumpisahan kong kainin ang mansanas habang nakikita kong nag-aayos ng mga lulutuin si Tanda.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang weirdo at makalumang bahay ni Tanda.

Puno ito ng kakaibang dahon at mga halaman na kakaiba na ginagamit niya sa paggawa ng iba't-ibang potion.

Malinis ito ngayon lalo't kakatapos ko lang maglinis, kung hindi ata dumating dito tiyak na magmumukhang basurahan 'tong bahay niya.

Napabuntong hininga ako ng makita ang mansanas na hawak ko, madali na itong maubos at kulang pa ako.

Ano kaya ang mali sa 'kin para danasin ang dinadanas ko dito sa isla? May nagawa kaya akong masama like nakapatay ng tao o rehiyon?

Lost Village Arc: COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon