Chapter 1
[Natasha POV]
"Mom! Alis na po ako." Palaam ko sa mommy ko na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya sa sala. May business tour na naman ata siya out of the country, sa Singapore ata.
"Aalis ka na? maaga pa ah."
"Opo, ibabalik ko pa po kasi yung hiniram kong libro sa library last week.
"Ganun ba? pero bakit di ka pa nag-aayos (habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.) "
"Mom, nag-ayos na po ako"
"What? Parang di naman eh." Lumapit siya sakin at inakbayan ako
"You know what honey. Fourth year high school ka na. Huwag ka naman masyadong mag -aral. You know, we're rich" galing ng nanay ko no? Good influence "You're beautiful at wala sa lahi natin ang pangit. Pero anak, mag ayos ka naman ng konti, maging fashionable, makipagdate, magboyfriend."
Humarap ako sa kanya "Mom, ok lang naman po ang ayos ko ah. At isa pa po, wala po sa isip ko ang magboyfriend o makipagdate"
May suot kasi akong black eyeglasses. Bandang kilikili na ang haba ng buhok ko tapos may bangs pa ako, di naman ako nerdy look pero simple lang talaga ang ayos ko. Walang make-up or accessories na karaniwang sinusuot ng mga babae. I love reading books. Actually may mini library ng ako sa bahay namin.
"Hay... Ikaw ang bahala. But remember honey, I always love you" sabi sakin ni Mom sabay yakap.
"Yes mom, I know" then I kissed her "Bye mom. See you!"
"Ok. Three months akong mawawala. Si manang Lucing na ang bahala sayo"
"Ok po. I understand. I love you"
"I love you too, Honey"
Lumabas na ako ng bahay at nagpara ng taxi papuntang school. By the way, ako nga pala si Ma. Natasha Ortega, 16 years old, nag-aaral sa Skyland University as second year high school student
[A/N: k-12 na sila kaya ganyan. Huwag na kayo magtaka].
Ang Skyland Academy ay isang prestigious school for rich people. mga anak ng mayayamang businessman at sikat na tao lang ang mga kayang mag-aaral dito dahil sa mahal ng tuition fee. Bakit dito ako nag-aaral? Itanong niyo na lang sa Mommy ko, siya nakaisip nito eh. Si Mom na lang ang kasama ko sa buhay, namatay na ang Dad ko since I was 9 years old. Nag-iisa lang din akong anak and my grandparents already died na rin.
Nandito na rin ako sa school sa wakas. Katatapos lang ng sembreak kaya mukhang excited ang ibang nakakasalubong kong estudyante, yung iba naman mukhang pagod na pagod sa dami sigurong ginawa nung sembreak.
Paglabas ko ng taxi, wala pa rin pinag bago ang school namin, maganda pa rin. Sa gate 2 na ako ng school dumaan since bilang lang ang mga student na dumadaan dito, kasi siguradong madaming tao naman dun sa gate 1 na nag-aabang sa G5, mga pinakasikat, pinakamatalino at ang mga heartthrob ng school naming. Actually I am one of them, pero di ko lang talaga feel na laging sinisigawan at pinagtitinginan. Ewan ko ba Di lang talaga ako komportable.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA... andyan na ang G5" tili ng mga babae. Grabe rinig na rinig hanggang dito sa Gate 2.
"I LOVE YOU, BRYCE"
"ANG GWAPO MO BOOTS"
"PAPA EMAN AKIN KA NA LANG" bakla ata yung simigaw pumiok eh. XD
"Look, kasama din nila si Jamila at si Lian. Ang ganda nilang pareho"
"Look, may new member ba sila? Shocks ang gwapo din niya"
Hay napakaiingay talaga nila. Makapunta na nga ng library.

BINABASA MO ANG
Skyland University - The Bookworm Chick
Ficção AdolescenteSkyland Academy is a prestigious school for rich people. Mga mayayaman lamang na kaya maka-aford ng tuition fee sa school na ito. Nahahati itp sa 3 department: the elementary, the high school & the college department Tunghayan ang kwento ng pinakasi...