Chapter 1

46 1 0
                                    

Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan patungo sa kompanyang pinapasukan ko.Maaga pa naman kaya ayos lamang pero nagulat na lamang ako ng may dumaan na napakabilis na kotse ilang dangkal lamang sa aking kinatatayuan.

Halos malulon ko ang kinakain kong mint candy dahil sa takot.Tinignan ko ang kotse iyon at tumigil ngunit hindi bumaba ang nagmamaneho.Galit akong nagtungo sa kotse niya at kinalabog.

"Hoy lumabas ka dyang hudas ka!kinakatok ko ang bintana ngunit parang walang pakialam ang may ari."Hindi ka ba lalabas?

Ngumisi ako at kumuha ng bato sa gilid.Pinakita ko iyon sakaniya at mukhang nangamba naman ang driver.Lumabas siya sa kotse at halos mapanganga ako sa tangkad nito.Nakahood ito at sombrero.May facemask din na para bang pagnaarawan ang mukha ay mamatay.

"What do you want Miss?kalmado ngunit malalim na ani niya saakin.Nawala lahat ng galit ko at di makapagsalita."Miss?

"H-Ha?

"Your wasting my time Miss?!What do you want?You want money?Bibigyan kita!.

"Hoy Mr.Hudas wala akong pakialam sa pera mong hudas ka.Anong akala mo saakin easy to get?sigaw ko sakaniya.

Lumingon siya sa gilid at nagkamot ng batok.Halatang naiinis na pero wala akong pakialam.Late na rin ako pero mas kailangan kong pagsabihan ang hudas na to.

"Miss may hinahabol pa akong flight.Kung ayaw mo ng pera ko then please let me go!Pag hindi ko naabutan ang flight na yun ipapahanap kita sa mga tauhan ko at ikaw ang ...

"Ano?Alam mo napakayabang mo eh noh?Isang simpleng apologize lang naman hinihiling ko di mo pa magawa!asik kong sabi.

"I don't do apologize okay?Here!inabutan niya ako ng libo libong pera kaya mas lalong nanginit ang aking ulo.Nilapitan ko siya at tinuhod sa kaniyang maselan na parte."Fuckk!!.

"Yan.Natuhod ko na yung ego mo!Now sorry!sabi ko at saka siya tinalikuran.Nagpalakpakan pa yung mga tao pero wala akong pake.Sumakay na ako sa bus at doon pinakalma ang sarili.

Hindi ko dapat dalhin ang galit at frustation ko sa trabaho dahil alam kong maaapektuhan iyon.Ngayon lang ako na nabwisit ng ganto sa isang lalaki kaya kasalanan niya.

Nanginit ang ulo kong muli ng maalala yung sinabi niya saakin.

I dont do apologize.

"Anong akala mo saaking lalaki ka na gaya ng iba.No way!

Napakarating na ako sa tapat ng kompanya at bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim.

"Good morning Celestine!bati saakin ni Kuya Francis.Isa siya sa mga kaibigan ko rito kaya ngumiti ako sakaniya.He is a security guard here in company."Mukhang bagot yang mukha mo.

"May nangyari lang!sabi ko.Inilapag ko ang ballpen at saka nagtungo na sa elevator.

Pagdating ko sa pangatlong palapag ng gusali ay halos lahat na ay may pinagkakaabalahan.

Dumiretso ako agad saaking cubicle at inayos ang gamit.Binuksan ko na din ang computer at saka nagumpisa magtipa.Nagtatrabaho ako sa isang ahensiya para sa mga taong naghahanap ng trabaho.

"Ms.Fernandez!

Umangat ang aking tingin ng tawagin ako ni Boss mula sa intercom.

"PLEASE PROCEED TO MY OFFICE.

Nagtataka ako dahil wala naman akong appointment sakaniya pero pumunta na lamang ako.Pagdating ko roon ay naabutan ko si Boss na nagbabasa sa patong patong na folder.

"Yes Boss?

"Please sit down!sinunod ko ang gusto nito at umupo sa harapan ng kaniyang lamesa.Sinarado niya ang folder na kaniyang binabasa at pinasa saakin.Binuksan ko ang folder at halos magsalubong na ang aking kilay sa nabasa.

Chasing Hurricane (Painful Memories#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon